Chapter 11: The News

400 67 98
                                    



Chapter 11:

The News



W I N T E R

Naalarma ang lahat sa naging balita sa TV ngayon. Usap-usapan sa lahat ng mga social media, tv network, news paper, radyo, at sa buong school ang nangyari raw na pamamaril sa isang mamahaling restaurant na sinasabing marami raw ang namatay at nakasama raw sa mga napahamak ang sinasabing sikat na basket bolista ng RSU na hindi ko tanda ang pangalan, basta Eros, Aros, basta Bloody Mere ang apelyido.

Iyon lang natatandaan ko.


Pero bago pa man ang nangyaring insidenteng iyon ay may nangyari raw na panlalason sa isang sikat na basket bolista na si Justin Hermano kasamahan daw ito ni Aros ba? Aba, ewan, as if I care with those famous persons on TV they're not even worth my time.


Sorry but not sorry.


Masyado akong abala sa paghahabol ng deadlines ng mga pasahan ko para sa walang katapusan na pa-project ng mga MINORS na nag fefeeling MAJOR.



Kasalukuyan akong papunta ngayon sa klase ko nang maabutan ko ang umiiyak na si Alexis dito sa hallway habang hawak ang phone niya at nakasalpak sa teynga niya ang sariling earphone.


Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko dahil sa abala siya sa pinanonood niya dyan sa phone niya at talagang apektado siya, ah.


Ano ba kasi iyong pinapanood niya?


"Hoy, Alexis! Nyare sa'yo?" Pamumuna ko. Nagulantang naman si Alexis at mukhang hindi niya expected na makikita niya ako rito.


"Mayyygasssh, Winsher! Nakakaloka ke nemen! Para ka nang shi Shane, laging kabute." Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya.


"Ano nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"


Nagpunas siya ng kanyang naluluhang mga mata sabay sumingot. At hindi ko inaasahan na hahagulgol siya ng iyak ngayon sabay niyapos niya ako ng yakap. Nanlaki mga mata ko sa ginawa niya.


Ano ba kasi nangyayari sa babaeng ito?


"Uy, uy, Alexis! Okay ka lang ba? May nangyari ba sa'yo?"


Hinawakan ko ang kapwang braso ni Alexis at tiningnan siyang mabuti, nanlambot ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang namumula niyang mukha sa kaiiyak. Nakakaawa siyang tingnan. Even I really wanna know what happened to her but I let her cry na muna.


"Magsalita ka lang if okay ka na beh." Saad ko habang hinihimas ko likuran niya.


Hindi rin maiwasang kumirot ang puso ko kahit sa hindi malinaw na kadahilanan ni Alexis, basta nakikita ko lang siya naaapektuhan sa kahit na anong bagay ay apektado na rin ako.


"Eh kashi naman, Winsher! Si-shi! Huhuhu..." Suminga na muna siya sa hawak na panyo bago muling nagsalita.


"Shi-shi papa Justin na love na love ko, nalashon daw ta'sh ngayon confined sha ospital wala pang balita kung kamushta na shiya. I'm worried shick na! Ta'sh may nangyari pang mashama kay baby Aerosh ko! Hindi ko na kinakaya ituuu!"


Hindi ko sure kung ano ba dapat ko maramdaman ngayon lalo nang marinig ko ang dahilan nang pag-iyak niya, kung matatawa ba ako kay Alexis dahil sa sobrang concerned siya sa mga taong hindi naman alam na nag eexist pala siya sa mundong ito. O, dapat bang maawa ako gayoong nandito siya at iyak na iyak siya kahit hindi naman dapat.

Destroy thy FALLEN GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon