Chapter 15:
Shi No Kage
A E M E R Z E L
Pumapaso siya rito sa loob ng private ward, tanging tunog ng kanyang heels ang maririnig mo lang rito. Kita ko ang pangunguyom ng mga palad ni Dad habang si mama naman ay kalmado pa rin sa gilid ni Dad, nakapamulsa ang isang kamay niya at ang isa naman ay nasa likuran nito. Si Lolo ay blangko ang ekspresyon. Samantala, si Kuya Alexander ay nakangiwi't nakakunot ang noo.
"Well, well... mukhang may pa-family reunion nagaganap dito ah. Nakakalungkot naman at hindi man lang ako naimbitahan." Paninimula nito habang hinahawakan ang sariling dibdib.
"What did you do to our body guards?" His voice might be calm this time but it was thunderous.
"Oh c'mon, brothe—"
"Stop calling me your brother. I am not your brother and would never be." May diin ang bawat salita ni Dad habang sinasabi ito sa babaeng kaharap namin na kung titingnan maigi ay halos dikit lang yata sila ng edad ni Dad.
A soft baleful laughter drew out of her lips. "Wala ka pa rin talaga pinagbago, Aethelwulf, even way back 22 years ago kung saan kapwa pa natin hinaharap ang mga Mutineers." Kumunot ang noo ko kung ano iyong 'Mutineers' na sinasabi niya.
"And about your body guards, there's nothing for you to worry," may inangat siyang syringe gun mula sa kanyang likod sabay hinipan ang uluhan nito. "They are just—well, paralyzed for two hours. Not dead, good news. But if you don't cooperate with me, I can put another shot to them, and gonna make it sure, it would be poisonous." Napasinghap ako nang lalo pang umitim ang kulay ng kanyang mga mata.
"And I can even give another shot to the youngest member of your family."
Nanlaki ang mga mata ko lalo nang tumingin siya sa akin. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya kusang kumapit mga kamay ko sa braso ng nahihimbing kong kapatid na si Kuya Aeros.
Ngayon ko lamang nakita sa buong buhay ko ang isang tao na gaya niya na kayang balutin ng kulay itim ang mga mata nito. Naalala ko bigla iyong nangyari sa aming dalawa ni Kuya Mark sa loob ng shower room dati. Sa case na iyon, nag-iba rin kulay ng mga mata ko pero expected ko talaga iyon dahil Gifted ako. Sa case niya...Huwag mong sabihing...
... siya rin!?
At kung oo nga, bakit parang komportable lang siya naipakikita ito kina Dad, samantala ako todo tago sa kanila ng totoong kapangyarihan ko?
"Pangit ng contact lense niya." Narinig kong komento ni Kuya na naka-deretsyong tingin sa babae na waring binabasa ang bawat galaw nito at sasabihin.
Medyo lumalapit siya sa gawi ko na mukhang hinaharang ang sarili sa harapan ko.
I craned my neck to his side so I can see what is currently happening.
"Anong kailangan mo, Persephone?" Kaagad ko tiningnan si Lolo na malumanay na tinanong iyon sa babae.
Nakita ko naman napapikit bigla iyong tinawag ni Lolo na 'Persephone' na waring may nakain na masarap sa way niyang pagpikit."Mhm, Persephone, right. The goddess of underworld. And in my hands I supposed to have the power of death and destruction. However, even I wanted that power, it's already on the hands of someone else." Nakagat ko ang sariling labi nang tumawa siya ng mala-demonyo sabay tingin sa gawi namin ni Kuya Aeros.
BINABASA MO ANG
Destroy thy FALLEN GAME
Science FictionUnlike Your Ordinary Game. Witness the Annual Game. Seven Encomium. Seven Divert Groups. ONE WAR. ONE BLOOD. ONE CHOICE. ALL MUST DIE! "I could destroy them all. But I can't and I won't. I'm willing to sacrifice myself than to end up fighting and ki...