Chapter 14:
Small Reunion
A E M E R Z E L
Sinalubong ako ng dalawang body guards sa tapat ng private ward ni Kuya Aeros. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang mismo isa sa body guards nagbukas nito at saka tumambad sa akin ang hindi maipintang itsura ni Kuya Aeros sa mga oras na ito!
May kung anong bagay ang tumusok sa 'king dibdib habang pinagmamasdan ang nakakaawang itsura ni Kuya ngayon. Napapaligiran siya ng mga life supporting machine at halos lahat ng parte ng katawan niya ay may mga nakasaksak na tubo. May mga ilang benda rin nakabalot sa ulo niya't katawan.
Napapailing ako habang mariing kinakagat sariling labi upang labanan panginginig ko.Napakuyom ako ng palad habang unti-unting nilulunok ang ideyang kaya gawin ito ng isang grupo ng mga estudyante upang sa ano? Upang pigilan sina Kuya Aeros at grupo niya manalo sa Annual Game? Iyon ba talaga rason kaya, kaya nila gawin ito to the point na makakapatay sila ng tao at mandamay pa ng iba?
What's with this Annual Game by the way? Bukod sa kasikatang matatamo mo, limpak, limpak na salaping makukuha mo, ano pa po ba ang ibang advantage to say this emme'curst Annual Game is worth fighting for? Worth to give up your morale? Willing to even let your soul burn in hell?'Cuz no matter I tried to think deeply, wondering what might be their other reasons on doing such things to hinder Kuya Aeros and his team to play the Annual Game is really nonsense!
Siguro mas matatanggap ko pa ang rason kaya nagkaganito si Kuya dahil sa totoo ang balita na tungkol sa terorismo na nananakot sa kabisera ng Pasifico ang may gawa nito. Hindi ang rason na dahil may mga inggit lamang na grupo ng estudyante na nais pabagsakin sina Kuya kahit na ba'y mandamay pa ng mga inosenteng sibilyan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagguhit ng konklusyon sa nangyayari kay Kuya ngayon nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Saka inuluwa nito ang nag iisang tao na hindi ko inaasahang nandito rin!
Sabay nanlaki kapwa naming mga mata noong oras na nagtagpo ang aming paningin. Dahan-dahang bumukas ang aking bibig kasabay ang pagluwag ng aking palad. Bigla na lang nanlambot sariling tuhod ko at alam ko ilang sandali lamang ngayon ay babagsak lang ito ng kusa sa kanyang malambot na presensya.
"Mama...?" May pangungulila ko iyong naiusal.
"Lee-Lee?" Her arms opened wide for me, I never think twice because I immediately threw myself to her!
"Mm-a!? K-kailan ka nakauwe? Saan ka po ba nagpunta? Miss na miss na miss ko na po kayo! Bihira lang kayo mag message sa amin kaya nag-aalala rin ako noong nasa malayo po kayo. Bakit ngayon lang kayo nakauwe? Ano po ba nangyari? Halos eight months kayo nawala, a?" Sunud-sunod na katanungan na kusang lumabas sa bibig ko noong mga oras na humiwalay ako sa yakap ni mama.
"OMG, Lee! Apo ka nga ni Tatay Aaron mo! Jusme! Parehas kayo na puro tanong lang ang inabot ko pagdating dito sa Destruiy Eren." Natatawang tugong ni mama. Pinasadahan ng kamay ni mama ang kulay crimson niyang buhok.
"Mama naman, e. Namiss ka lang talaga namin." Saad ko saka mabilisang yumakap sa kanya. Napapitlag siya sa hindi ko malaman na dahilan kaya naman nagtaka ako. "Okay ka lang ma?" Tipid na ngiti lamang naging tugon niya bago tinanguan ako.
BINABASA MO ANG
Destroy thy FALLEN GAME
Science FictionUnlike Your Ordinary Game. Witness the Annual Game. Seven Encomium. Seven Divert Groups. ONE WAR. ONE BLOOD. ONE CHOICE. ALL MUST DIE! "I could destroy them all. But I can't and I won't. I'm willing to sacrifice myself than to end up fighting and ki...