Part 2:Naguguluhan

122 6 0
                                    

CATHERINE's PoV

Nag desisyon na lang akong umuwi dahil naiinis ako sa asal na ipinakita sakin ni Romeo,lagi na lang siyang ganito kapag gustong-gusto kong sumama o di kaya'y pinapasama ako ng tropa niya lagi na lang siyang humahadlang ...lagi na lang siyang hindi payag.

Tsaka nitong mga nakaraang araw parang ang cold na niya sakin...minsan na lang din kami lumabas...kapag inaaya ko siya lagi na lang niyang tinatanggihan. 

Nadatnan ko sa bahay ang mga kapatid ko na si kuya jayson at Kathlynne na kambal ko,and yes may kambal ako pero hindi kami magkamukha mas maganda ako charot! Naglalaro sila ng ML sa may sala kasama yung tropa niya na Best friend ko na si tatay Miguel at yung kapatid ni tatay miguel na si Charise..agad akong tumabi sa kanila. 

 "Hi Everyone."pagbati ko sa kanilang apat. 

 "Hi twinnie!Tara laro tayo!"pag-aaya sakin ni kathy.

 "Ayoko."pagtatanggi ko wala ako sa mood para maglaro. 

 "Hello besty! Kasama mo ba si Romeo?"tanong niya at umiling ako. 

 "O catherine...bakit ikaw lang mag-isa? Asan yung boyfriend mo? Akala ko ba isasama mo siya dito?"Sunod-sunod na tanong ni kuya jayson.

 Sinabi ko kasi sa kanila nung mga nakaraang araw na isasama ko si romeo dito para makipaglaro ng ML .

 "Ewan ko dun!Nasa impyerno na siguro!"inis kong sabi. 

 "Nag-away ba kayo?"tanong niyang muli.

 "Hindi naman obvious kya!"Pilosopo kong sagot. 

"Kaya nga tinatanong diba?!"singhal niya din. 

 Ganito Kami sa isa't isa ...masyado kasi kami close ni kuya kaya kahit magsigawan pa kami ay okay lang ... Nakita ko si Miguel na parang walang pakealam...naka earphone siya kaya malamang hindi niya ako naririnig patuloy parin siya sa paglalaro ,hinayaan ko nalang siya. 

"Kuya jayson akyat lang muna ako...pakisabi kay miguel na pumunta sa kwarto kapag natapos kayong maglaro may sasabihin lang kamo ako,sige akyat na ako.Bye besty, bye twinnie."nag wave lang ako at umakyat narin .

Tapos nagbihis at pabagsak na humiga sa kama ko.Kinuha ko yung phone ko Nagbasa na lang ako ng wattpad ...wala naman akong magagawa kundi ang magbasa ng magbasa para mawala tong pagkainis ko. Napabalikwas ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko,pagbukas ko nakita ko si Miguel na nakatayo at nakatingin sa mga mata ko na para bang tinatanong niya kung anong problema.

Bigla nalang akong natakot,ewan pero parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko ganito ako kapag may gusto siyang malaman tungkol sa problema ko parang lagi akong kabado na sabihin.Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya sakin.Binasag ko na ang namumutawing katahimikan sa amin. 

 "B-bakit T-tay...ma-may prob-problema b-ba?"utal-utal kong tanong habang lumulunok. 

"Ako wala.Ikaw ba meron?"Nakabulsa niyang tanong.Ito na naman siya , nagiging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko. 

"H-ha?a-ako?Wa-wala!"

'syete masyado na ba akong halata? '

"Wag ako."maikling tugon niya.

 Hindi na ako makatingin ng ayos sa kanya.Bigla na lang niya akong hinila papunta sa kung saan.Hindi na ako nakapalag dahil malakas siya. 

 Andito kami ngayon sa Rooftop ng bahay namin at pinaupo niya ako sa may duyan dun at tumabi siya sakin...inilabas niya ang phone niya at nagsimulang maglaro ng ML.Nagtaka ako sa inasal niya...talagang dinala niya lang ako dito para maglaro siya ng ML?. 

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon