Chapter 8: Alam ko na!

68 7 0
                                    


"Sinasabi ko sayo...alam kong hindi mo talaga ako mahal, wag kang magbulagbulagan cath. Wag mo pahirapan ang sarili mo! Wag mong ipilit yung nararamdaman mo para sa akin na sinasabi lang naman ng isip mo!"

"Ano bang sinasasabi mo??? Sa tingin mo ba magkakaganito ako kung hindi kita mahal(?)kung hindi kita minahal?!Lahat kinaya ko,lahat ng sakit kinaya ko...to the point na gusto ko na lang mamatay sa sakit dahil sa pang-iiwan mo! Kinaya ko yun lahat kahit nahihirapan na ako!!Tapos sasabihin mong hindi kita minahal?! Kapal naman ata ng mukha mo?" napapaluhang sabi ko.

"Then,Wag mong pilitin kung hindi mo na kaya.Wag mo akong mahalin kung hindi naman talaga,kasi nararamdaman ko yun.Nakikita ko nga sa aksyon mong mahal mo nga ako, pero ramdam kong hindi tunay ito!"pailing-iling niyang sabi.

"Ano pa bang hindi mo maramdaman?!Ano bang kailangan kong gawin para maniwala kang mahal kita! Na...minahal nga kita"sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

Napayuko at hinilamos ang mukha, sa palad  ko ako lumuha ng lumuha.

"Hindi mo nga ako mahal! Dahil kung mahal mo ako madali na lang sayong tanggapin ang katotohanang may mahal na akong iba ..kung mahal mo ako hahayaan mong maging masaya ako sa piling ng iba."malungkot at mahinahon ang pagkakasabi.

Tinignan ko siya ng masama habang patuloy parin sa paguunhan ang aking mga luha.

"Para sayo...para sayo ganuon lang kadaling sabihin yan,kasi hindi naman ikaw yung nagmahal..hindi naman ikaw yung nasaktan..hindi naman kasi ikaw, AKO LANG!!!"inis na sabi ko.

"Sorry.."sinserong sabi niya.

"Nakakain ba yang sorry mo?Gamot ba yan para gumaling yung sugat dito sa puso ko? Mawawala ba yung sakit kapag tinanggap ko yang sorry mo? Sagutin mo muna lahat ng tanong ko bago ko tanggapin yung sorry mo!"tumulo ng tumulo ang luha ko at isinara ang kamao sa sobrang pagkainis na nararamdaman.

"Hindi mo man makain ,hindi man gamot sa sugat mo, hindi man mawala yung sakit na nararamdaman mo...isa lang ang alam ko dapat parin tayong magpatawad dahil tao lang tayo.Kung ang Diyos nga ay nagpatawad bakit hindi mo rin subukan wag mong kalilimutan na may kristo ka sa buhay mo!"Tama siya kahit na nasasaktan ako dapat hindi ko parin makalimutang magpatawad,pero ang sakit lang.

"Kung ako sayo,  piliin mo na lang yung taong nararapat para sayo.Piliin mo yung taong tunay na nagmamahal sayo tandaan mo,gusto mo lang ako pero hindi mo ako mahal!"sinabi niya yun ng hindi nakatingin sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Gusto mo lang ako para itago yang tunay nararamdaman mo para sa kanya." nakita kong sumara yung kamao niya habang hawak-hawak yung manobela andito parin kasi kami sa loob ng sasakyan niya.

"Sino? Hindi kita maintindihan..." 

Wala talaga akong ka ideya-ideya sa sinasabi niya.

"Dahil hindi mo kayang sabihin na mahal mo siya kasi mas matanda siya.Isipin mong mabuti yung sinabi ko at kung maaari ay pakibilis-bilisan mo.Dahil anumang oras ay maaaring mawala ito."

Who?

Si ano kaya?...

I'm not really sure..

Bumilis yung tibok ng puso ko...

'Kaya pala ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.'

'Kaya pala palaging bumibilis yung tibok ng puso ko kapag kasama ko siya.'

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon