Part 1:Flashback

207 8 1
                                    

Catherine's PoV

Andito ako ngayon sa covered court ng school namin,pinapanuod ko ang practice ng PINAKAmamahal kong boyfriend at ang NAG-IISAng ROMEO GONZALEZ sa buhay ko.

Hanggang ngayon di ko parin maisip na boyfriend ko na siya, 'di parin ako makapaniwala na napansin niya ako,paano ba naman kasi sa liit kong toh napakaimposible talaga na mapansin niya pa ako...isa lang naman kasi ako sa mga taga hanga niya, at isa rin ako sa mga nangangarap na makuha siya,pero kita mo nga naman sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at ako pa talaga ang naisipan na bigyan ng isang larong napakahirap manalo. Pero nagtagumpay parin.At ngayon boyfriend ko na ang pinapangarap kong lalaki.

Akala ko noon hanggang tagahanga na lang ako.Na... hanggang pangarap na lang ako ,pero dahil ang bait bait ni lord sa akin siya pa talaga ang naglapit para sa'min.

Naging magka-churchmate kami kapatid siya ni ate Lea na leader namin sa music team , siya ang bagong kabataan na dumagdag sa grupo namin...isa siya sa mga musicians at ako namin ay isa sa mga nag lead ng kanta. Nagkakasundo kami sa maraming bagay,katulad na lamang sa pagkanta at pagtugtog ng mga ibat ibang instrumento.Masasabi kong talaga naman na napakagaling niya sa pagtugtog at pagkanta,sabay namin pinapupurihan ang pangalan ng Diyos.At bukod sa pagkanta ay magaling din siya maglaro ng Basketball siya ang MVP ng team nila dahil sa sobrang galing niya. 

kasalukuyan ko siyang pinagmamasdan ngayon at talaga naman na nakaka-inlove siya.

Nang matapos ang practie nila agad siyang lumapit sakin,at pinunasan ko agad ang mga pawis niya. 

 "Hi babe."pagbati niya sakin.

 "Ang galing naman ng Babe ko,lahat ata ng puntos sayo lahat ng galing! Napakagaling!"sambit ko at pumalakpak pa.

Hinawakan niya yung bewang ko at inilapit sa kanya...at ang lapit lapit na namin sa isa't isa ...kunti na lang mahahalikan namin ang isat isa.

"Syempre,andito kasi yung babae na nagpapalakas sakin at pinagkukunan ko ng lakas ng loob para maka-puntos."sabi niya sabay kindat. 

 "Ikaw talaga!" Pagsuway ko sa kanya. 

 "I love you Babe."sabi niya saby halik sa pisngi ko. 

 "I love you too Babe."sambit ko. 

 "I love you so much."sambit niya.

 "I love you more."sabi ko syempre di ako magpapatalo.

"I love you 'til the end!"

hindi rin siya nagpadaig ,kahit sa maliit na bagay kayang-kaya niya talaga ako pakiligin.

Sa kalagitnaan ng aming ka-sweet-an bigalang lumapit yung mga ka team niya sa basketball. 

"Romeo--Oh hi Catherine...andito ka pala."bati sakin ni kuya kyle yung Captain nila.

 "Hi kuya kyle...sa totoo lang kanina pa ako nanunuod sa pag papractice niyo.."sabi ko ng nakangiti. 

 "Ah ganun ba...parang hindi kita nakita."tatawa-tawa niyang sabi. 

 "Paano mo siya makikita eii napakaliit niyan ni catherine...hahaha"sabi ni James yung isa sa tropa ko na ka grupo din nila.Sa inis ko binatukan ko siya.

"Aray!"pagrereklamo niya.Nagtawanan ang lahat sa ginawa ko.

 "Ang dami mong sinasabi eh noh!? Nilait ba kita sa pagiging maliit mo!?Bigla naman akong nahiya sa height mo pre!"sarkastiko kong sabi na ikinatawa nila.

"Hahaha ayan kasi mapang-asar ...talo ka pala ng babae james eh.Wala ka pala eh!"pang-gagatong ni kuya kyle.

 "Hoy Catherine!"tinuro niya ako na parang gusto niya pang lumaban ,tinaasan ko siya ng kilay at tinignan na parang sinasabi na 'Lalaban ka pa!?'

 "Sabi ko nga hindi na ako lalaban eh!"sambit niya ng napalahiya kaya nagtawanan na naman sila.

 "Nga pala guys may handaan mamaya sa bahay,birthday kasi ng kapatid ko na si Ericka..invite ko lang sana kayo kung hindi kayo busy punta na lang kayo sa bahay,mamayang gabi mga six punta kayo."sabi ni kuya kyle.

"Pupunta ako...pero si Catherine hindi makakapunta."napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Bakit babe? Wala naman akong gagawin mamaya ah!"pagpapaliwanag ko.

"Hindi ka pwedeng pumunta."ma-awtoridad niyang sabi. 

Ito na naman siya pinapairal na naman niya yung pagiging bossy niya.

itutuloy....

-----------------------------
masanay na kayo na maikli lang talaga siya kaya nga short story eh(hahaha)

*Follow my wattpad account @chinie-_-chinie
*Vote
*Comment
*Share

written by:chinie-_-chinie

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon