Part 5:katotohanan!

76 6 0
                                    

Kathlynne PoV

Masaya ako at sa wakas nakipaghiwalay na si Romeo kay Catherine,kaso nalulungkot dahil labis na nasasaktan si cath.

Actually matagal ko ng alam, noon pa man alam ko na may relasyon si Romeo sa matalik na kaibigan ng kambal ko.Alam ko na kaya lang niya jinowa yung kambal ko dahil sa kagustuhan ng Ate niya.

Habang nasa labas kami ng Practice Room ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na isumbat kay Ate lea ang lahat.Sinubukan akong pigilan ng aming mga kasama.

"I'm very sorry kathy,alam kong kasalanan ko..hindi ko naman ini-expect na makikipaghiwalay si Romeo."ani ate lea.

"Yeah..your right!Kasalanan mo nga ang lahat."walang ganang tugon ko.

"kathy...alam kong mali yung ginawa ko pero mali naman ata na sakin mo isisi lahat."malungkot na sabi niya.

"Sino ba kasi ang nang-utos ng kapatid para jowain si catherine? Ako ba? Hindi ba't ikaw yun? At sino ba ang nagpumilit sa relasyon nila ni catherine? Ako ba?Sa pagkakaalam ko ikaw yun eii..so sino ba yung dapat sisihin?"mataray na sabi ko.

"Alam ko naman na ako ang pumilit sa kapatid ko,pero ang akala ko naman ay may gusto na din siya sa kapatid mo--"
pinutol ko ang sinasabi niya.

"Madaming namamatay sa MALING AKALA!" ako.

"Paano niyo ba ako mapapatawad?Gusto mo ba na kausapin ko ang kapatid ko na makipagbalikan siya kay cath...okay !okay! Gagawin ko yun para hindi na kayo magalit sakin."naiiyak na sabi niya.

Gusto ko sanang makonsensya dahil sinasagot-sagot ko yung pinaka paborito kong ate,pero yung katotohanan na siya yung may kasalanan ng lahat? naiinis na ako.

"Sa tingin mo ba yan ang sagot sa lahat??? May nasakatan na ,maibabalik niyo pa ba ang dating galak na nararamdaman niya ?? Paano niyo i-explain ang lahat? Ano sasabihin niyo na ...'ay catherine prank lang yun' ganun ba yung sasabihin mo ate lea?? Mag-isip ka nga ate!!!"gigil na sabi ko.

"Kung kinakailangan kong sabihin yung sinasabi mo na prank na yan! Gagawin ko,sasabihin ko sa kanyang prank lang yun ,at pipilitin ko yung kapatid ko na makipagbalikan kay cath---"

Inis akong sumigaw.

"KALOKOHAN! Pwede ba!? Bakit mo pa kasi pinipilit ??? Alam naman nating lahat na ikaw lang ang may gustong maging jowa ng kapatid mo ang kambal ko,na kahit napakaimposible namang mahalin talaga ng kapatid mo ang kambal ko.Sorry ate ha kung nagiging bastos ako sa pananalita ko sayo, pero alam kong alam mo na hindi pa hinihiwalayan ni Romeo si Nicole, habang si Romeo jinojowa yung kambal ko.Ate naman!"napahilamos ako sa mukha ko.

"So alam niyo?" gulat akong napalingon  sa likuran ko at nakita ko si cath na luhaang nakatingin samin habang si miguel ay nananatiling nakaalalay sa kanya.

"Cath..."yun na lang ang nabanggit ko sa sobrang pagkagulat.

"So totoo ngang alam niyo?!"sigaw ni Cath,habang sunod-sunod na tumutulo ang luha.

"Cath please.let me explain."nakikiusap na sabi ni ate lea.

"Sige Explain niyo lahat ng narinig ko!Sagutin niyo 'ko ...alam niyo ba?"

"Oo alam ko! Alam namin lahat ! Maliban kay kuya jayson at miguel.Alam namin na matagal ka ng niloloko ni Romeo , pero mas pinili naming manahimik dahil gusto ko na ikaw mismo ang makaalam nun!"naiiyak na sabi ko.

Akmang matutumba si Cath pero agad siyang nahawakan ni miguel.Napaupo na lang siya sa galit.

"Bakit???"tanong niya na parang batang nakatingin saming lahat na tila ba naubusan ng kendi?

Lumuhod si ate para pumantay kay cath at hinawakan ang mga kamay nito.

"Sorry na cath ...di naman sinasadya ni ate lea na maglihim sayo...sasabihin ko naman talaga---"

"Talaga ate? Kailan? Ngayon? Ngayon ba kung kailan iniwan na niya ako??Ngayon niyo ba dapat sasabihin kung kailan sobrang sakit na ng nararamdaman ko?!" bumitaw siya sa pagkakahawak ni ate lea at humagulhol ng iyak

."Alam niyo ba na sobrang sakit...ang sakit sakit na malaman na pinagmukha niyo akong tanga."

"Cath sorry..."umiiyak na sabi ni ate lea.

"Mawawala ba ang sakit na nararamdaman ko sa pag so-sorry mo...babalik ba sakin si Romeo sa sorry mo? Mamahalin niya na ba ako ng totoo sa sorry mo...sige ngayon mo lahat sabihin ng sorry mo kapag nagawa mo lahat ng sinabi ko." natahimik kaming lahat walang nagsalita pinapakiramdaman ang bawat kilos niya dahil lahat kami inaalala ang sakit na mayroon siya.

Yun ay ang sakit sa puso literal na sakit sa puso na bukol na namuo sa puso niya.

"Ayoko muna kayong makitang lahat ... pasensya na kung naabala ko yung practice niyo.Have a nice day! Sige una na  'ko."tumayo siya ng may nanghihina pang katawan inalalayan siya ni miguel at wala kaming nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin.

Catherine PoV

Nagpahatid ako kay miguel sa bahay...pumasok ako ng kwarto,wala akong nakikitang iba kundi ang sarili ko lang na lumuluha iniisip ko kung ano bang mali ang nagawa ko para lokohin ako ng ganito kalala .

'Ang sakit shete! Sa lahat pa ng magpapaiyak sakin yung taong pinakamamahal ko pa.'

'Ano bang nagawa kong mali para pagkaisahan nila akong lokohin T.T '

May kumatok sa pintuan ko ngunit hindi ko iyon pinansin at patuloy parin ako sa pagtingin ng mga litrato niya sa phone ko.

"Alam kong nasasaktan ka ngayon pero wag mo sanang kalimutan na nandito lang ako sa tabi mo.Catherine  alam kong hindi ito yung tamang oras para sabihin ko sayo yung totoong nararamdaman ko."napangiti  ako sa sinabi niya.

"Anong totoo?"pinunasan ko yung luha ko.

"Ang totoo gusto kita matagal na.Actually minamahal na kita."Nakayukong sabi niya na tila ba nahihiya siya sa pag-amin ng nararamdaman niya.

"Alam ko."gulat siyang napatitig sakin.

"Alam mo?Kailan pa?"

"Simula ng magkakilala tayo...masyado ka kasing halata,pero ito lang masasabi ko..magpakatotoo na tayo ,na ... hindi ikaw yung tipong gusto ko.Isa kang espesyal na tao sakin.Higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo, parang KUYA lang kita eh.."malungkot na sabi ko.."Ayoko kitang saktan tulad ng sakit na dinulot nila  sakin,  pero kasi yun yung katotohanan .Ayoko kitang paasahin----"

"Alam ko ..hindi mo naman kailangan mag explain eh naiintindihan ko hahaha ang tanga ko lang..kasi kahit na alam kong may mahal ka ng iba pinilit ko parin ipaglaban yung nararamdaman ko para sayo,pero sa maniwala ka man o hindi sinubukan ko, promise!
Sinubukan ko pero wala eh ikaw parin yung sinisigaw ng puso ko, hahah sige una na ko."

Pagkatapos ng usapan na yun wala na akong gana sa lahat ng bagay.Parang nasasaktan ako sa sitwasyon niya pero wala akong magagawa kasi hindi ko naman talaga siya ang gusto ko.Pero napaisip ako... 'wala nga ba akong nararamdaman sa kanya? Kung wala bakit parang mas masakit pa ito sa hiwalayan namin ni Romeo?'

itutuloy...
----------------------------------------------------------------------------------.

*Follow my wattpad account @chinie-_-chinie
*Vote
*Comment
*Share
thanks!!!

written by:chinie-_-chinie

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon