Part 3:Heart Break

87 7 0
                                    

---------------KINABUKASAN---------------------

Sabado ngayon at walang pasok, pero maaga ako nagising para sa maaga naming practice sa simbahan, mas inagahan ko ngayon dahil balak ko sanang kausapin si Romeo.Naligo ako at bumaba na rin.

"Goodmorning Kathy!"masayang bati ko sa kambal ko.

"Anong maganda sa umaga!?"singhal niya habang nakasimangot.

'Anong problema niya?'tanong ko sa aking isipan.

Hindi ko na lang pinansin dahil baka may problema lang sila ng boyfriend niya.

Kumain lang ako hindi ko na inintay na magising si mama at papa dahil alam kong pagod sila sa trabaho.Pagkatapos kong kumain umalis na rin kami nila kuya Jayson at Kathy para sa practice namin...maaga na rin sila umalis para naman daw hindi ako nag-iisa...ang sweet talaga nila.

"Bakit mo naman naisipan na maagang pumunta sa church?"tanong ni kuya habang nag da-drive.

"Balak ko sanang kausapin si Romeo eh... hindi kasi naging maganda ang
huli namin na pagkikita,remember nung umuwi ako last night ,nag-away kami nun...gusto ko lang makipag-ayos."walang emosyong sabi ko.

Nang makaratimg na kami sa church agad kong nakita si Romeo na nakaupo malapit sa may altar ,agad ko siyang nilapitan at umupo sa harap niya.

"Hi Romeo...buti pinagbigyan mo yung hiling ko na mag-usap tayo."sabi ko pero nakayuko lang siya at hindi nagsasalita parang may kakaiba.

"Ahmm Romeo...gusto ko lang sanang mag-sorry sa nangyari kahapon."Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin ako sa kanya habang siya ay nanatili paring nakayuko.

"Nainis lang kasi ako sayo ..kasi ...hindi mo ako pinasama ..lagi mo na lang kasi yun ginagawa ,feeling ko tuloy hindi na ikaw yung boyfriend ko kasi kung umasta ka para kang boss ko na kailangan kong sundin wag lang mawalan ng trabaho."Sabi ko ng may lungkot sa boses.

Ilang minuto ang namutawing katahimikan sa pagitan namin bago siya nagsalita.

"I'm sorry..."Sambit niya ng nakayuko at walang emosyon hindi ko alam kung galit ba siya o nagpapaawa o ewan ,kasi hindi ko makita o kahit maramdaman yung emosyon niya.Ito ang kauna-unahan na nagsorry siya sa lahat ng ginawa niya.

"Wala yun...okey---"naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Cath...tigil na natin toh..."

Natigilan ako sa sinabi niya...parang tumigil yung tibok ng puso ko ....naiiyak ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nangignginig na rin ang kamay ko.

"Romeo ...anong i-itigil hi-hindi ki-kita maintindihan."nangingig ang boses na pagkasabi ko at nauutal na rin dahil sa pagpipigil ng luha ko ,tumawa ako ng may halong kalungkutan.

"Catherine,sorry..i'm so sorry..."

"Babe...bakit ka ba nag so-sorry? Ano ba talaga ang hinihingi mo ng tawad? At tsaka ano yung itigil ? Explain mo naman oh ...hindi ko na kasi naiintindihan."umiiyak na sabi ko.

Totoong naguguluhan na ako sumisikip na rin yung dibdib ko at nahihirapan na akong huminga.

"Alam mo Cath matagal ko na rin planong sabihin sayo toh ... ayokong masaktan ka,ayokong mas lalo ka pang pahirapan kasi alam kong habang tumatagal mas lalo lang kitang masasaktan."Nagbuntong hininga siya habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan sa kahahatungan nitong usapan namin.

"kaya mas mabuti pang itigil na natin toh...mas mabuti pa na wakasan ko na toh.Mas mabuti siguro na hanggang dito na lang tayo."sabi niya ng nakayuko at hindi makatingin sa mga mata ko.

"Romeo naman! Ano bang klaseng joke yan!!"tumatawang sabi ko habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko,para na akong baliw iyak tawa na ang ginagawa ko.

"Catherine...alam mong---"pinutol ko yung sinabi niya.

"Oo alam ko...alam kong mahal na mahal mo ako kaya hindi mo dapat ginagawa sakin toh! Alam ko naman nagbibiro ka lang kaya walang kaso yun."parang bata na sabi ko na umiiling pa.

"Catherine...I'm breaking up with you.."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with you."

.I'm breaking up with youuuuuuu."

Paulit-ulit kong narinig ang huling sinabi niya na tila ba na isang sirang plaka.Natulala ako at parang tumigil ang pagtibok ng puso ko naiiyak ako at sobrang hirap na hirap na akong huminga,hindi ko alam ang sasabihin ko parang biglang umurong ang dila ko at natulala na lang sa mga narinig ko.Hanggang sa parang may pumalo sa ulo ko na sinasabing mag complain ako kasi hindi na nakakatawa yung joke niya.

"Babe naman eh! Nagbibiro ka lang diba?! Sabihin mong nagbibiro ka lang!Wag naman ganito oh ...alam mo naman na mahal na mahal kita diba?! Tsaka anong break?! 'Diba bawal satin yun?!
'Diba nangako ka na...na hanggang dulo tayong dalawa lang?Babe naman eh nangako ka eh!"umiiyak na sabi ko at nagdadabog, tumayo siya kaya hinabol ko siya."Babe naman eh!"Umiiyak at nakikiusap na sabi ko habang hawak-hawak yung kamay niya ng nakaluhod ako, siya naman ay nakatalikod ginawa ko yun kahit alam kong nakatingin na ang maraming tao andun kasi ang lahat ng kabataan ng church kinapalan ko na ang mukha ko.

"Diba sa-sabi mo na...ma-mahal mo ko? Diba nga na-nangako ka?! Babe naman!"

"Ano ba Catherine!Hindi lahat ng pangako tinutupad!"Tinulak niya ako na ikinagulat ng lahat.

"Eh loko ka pala eh!sana di ka na lang nagbitaw ng pangako kung di mo rin lang tutuparin !"inis na sabi ni kuya jayson.

Agad na lumapit si kuya jayson at sinuntok siya...agad akong umawat pero hindi nagpaawat si kuya jayson at patuloy parin siya sa pagsuntok.

"Kuya Jayson tumigil ka na!"sigaw ko at natigil naman sila."Tumigil ka na kuya,please..."pagmamakaawa ko.

"Wag mong sabihin na kakampihan mo parin siya kahit na nasasaktan ka na?!Aba napakalaki mo ng TANGA kong paiiralin mo pa yung awa at pagmamahal sa lalaking yan!"

"Tanga na kung Tanga pero mahal ko parin siya kuya..."sabi ko kay kuya .

"Bala ka malaki ka na...basta wag kang iiyak kapag nasa bahay ka ha?!"galit na sabi ni kuya at umalis na rin.

Humarap ako kay Romeo na ngayon ay pinupunasan ang dugo sa labi niya...

"Babe..okey ka lang?"alalang tanong ko.Ngunit hinawi lang niya yung kamay ko.

"Ano ba Catherine!Ano pa bang hindi malinaw sa mga sinabi ko?! I'M BREAKING UP WITH YOU! kung hindi mo maintindihan sa ingles tatagalugin ko....nakikipaghiwalay na ako sayo cath!Okay na? Naintindihan mo na ba? Hiwalay na tayo !"sigaw niya at umalis.

Naiwan akong nakatulala dito at hindi malaman kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.

'ang sakit...ang sakit sakit...'

itutuloy...
----------------------------------------------------------------------------
*Follow my wattpad account @chinie-_-chinie
*Vote
*Comment
*Share

thanks!!!

written by:chinie-_-chinie

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon