Special Chapter

19 0 1
                                        

"CLOSURE"

Catherine's PoV

Natapos ang araw na iyon na nasa kwarto lang ako hindi na ako lumabas para makipag celebrate ng sarili kong birthday ,nung araw din iyon ay pilit akong gustong kausapin ni Miguel pero nagtulog-tulugan ako ng pumasok siya sa mismong kwarto ko kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas at iwan ako mag-isa sa kwarto.Nang makalabas siya ay doon ako bumangon at inilock ulit ang pinto ng kwarto ko at doon ako tahimik na umiyak. Masakit para sa akin ang makitang may kasamang iba ang taong mahal ko pero wala akong magagawa , ako naman ang unang nag reject sa kanya siguro karma na sa akin 'to sa ginawa ko sa kanya noon.

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagtuturo sa mga studyante ko dahil isa nga akong guro. Umuuwi ako ng bahay na parang walang nakikita, pero hindi ko intensyon na hindi sila pansinin siguro dala na rin ng lungkot na nadarama ng puso ko. Gusto ko man kalimutan agad agad ang nangyari sa araw na iyon pero mahirap pala lalo na kung nakaukit na sa puso't isipan ko yung mga pangyayare ng araw na iyon at mas lalong nagpahirap sa akin makalimot ay yung nararamdaman ko for him. It's really hurt for me to forget him .I've waited so long , and ganun lang yung mangyayare.

"Can we talk?"salubong na tanong sa akin ni miguel ng lumabas ako ng paaralan.Kanina pa pala siya nag-aantay sakin,hindi ko akalain na magagawa niyang antayin ako .Akala ko wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko, may kaunting saya sapagkat kahit papaano may care parin siya sa akin.

"Yeah sure."tugon ko.

Nagtungo kami sa isang coffee shop at doon nag usap.

"I'm sorry catherine."paunang salita niya.

"Sorry for what?" maangmaangan na tugon ko.

"Sorry kasi nasaktan kita." 

Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman kung gaano akong nagpakatanga na intayin siya kasi akala ko sa pagbalik niya ako parin pero may iba na pala.

"Naku! Wala yun ,ako pa ba? Sanay na ako, lagi naman ako nasasaktan at sinasaktan ." sinubukan kong sabihin yun ng pabiro pero mas nanaig yung katotohanan sa tono ng pananalita ko, sinubukan ko rin tumawa pero lungkot at luha ang naipakita ko.

Tinignan ko siya mata sa mata bago nagpatuloy magsalita. "Masakit lang kasi... alam mo yun nag-intay ako , hindi ako nagsawang mahalin ka dahil akala ko sa pagbalik mo ako parin yung laman ng puso mo.." wala akong nararamdaman sa mga oras na ito kundi pulos sakit at pagsisi.

 "Akala ko hindi magbabago yung nararamdaman mo ,kasi akala ko mahal na mahal mo ako na kahit ang magmahal ng iba ay hindi mo magagawa ." hindi ko na napigilan pang umiiyak ng umiyak at nahihirapan ako para bang anytime aatakihin na ako ng hika ko.Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy parin ito sa pagtulo at patuloy na humihikbi ,tumingin ulit ako sa kanya at binigyan ng tingin na nagtatanong.

"Pero mali 'ata ako sa mga akala ko , KAYA MO PALA i mean KAYA MO NA PALA kahit wala ako sa buhay mo."

"Noon kasi naalala ko hindi mo kayang sumali sa mga contest ng hindi kita pinipilit, hindi ka nakikipaglaro ng basketball sa tropa ng walang pahintulot ko, para nga tayong mag jowa noon eh." Tumawa ako ng peke at dahan dahang pinunasan ang sunod sunod na pagpatak ng luha.

"Tapos naalala ko pa sa tuwing lolokohin ako ng mga naging boyfriends ko ,ikaw yung to the rescue lagi...tagapatahan ,tagapayo at nagpapagalit. Lagi mo nga sinasabi na "Ang tanga tanga mo naman bakit kasi pumapatol ka sa mga manloloko " Pang gagaya ko sa mga sinabi niya noon.

Ayokong kaawan niya ako pero yun yung nakikita ko sa kanya ngayon. Tumawa na lang ako para ipakita na okay ako kahit na obvious naman na hindi talaga.

"Haha naalala ko lang,  at alam mo ba iniisip ko ngayon na hanggang alaala na lang pala ang lahat...na hindi na pala natin magagawa yung katangahan ko ,yung mga payo effect mo---"

"Don't say that, we can do that again. I can advice you whatever the wrong decission you made. I can be your 'tagapagtanggol' and also We can have fun together again."

"Paano? Paano ...sige nga sabihin mo paano natin magagawa lahat ng mga gusto nating gawin together kung meron ng siya na nagpapasaya sayo?! " humagulhol na naman ako sa iyak doon na niya ako niyakap ng mahigpit ...nasa dulong bahagi kami ng coffee shop kaya't walang gaano na nakakita sa amin.

"Hindi magiging sagabal ang pamilya ko para magawa natin bilang mag kaibigan ang mga gusto nating gawin ,if gusto nating mag travel together , protektahan ka , alagaan ka kapag nasasaktan yung puso mo lahat ng mga ginagawa natin before pwede uli natin yan gawin ngayon."

"Pwede morin bang gawin na mahalin ako, mahalin mo na lang ulit ako." katangahan ang sabihin ko ang mga katagang iyon ,alam ko pero anong magagawa ko yun ang sinasabi ng puso ko.

"Catherine, makinig ka sakin..." hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinakatitigan ako. "Hindi lang ako ang lalaki sa mundo ,marami kang makikilala na mas mamahalin ka higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay.Maniwala ka darating ang para sayo... "umiling iling ako dahil hindi ko matanggap 

"Mahal kita miguel...mahal na mahal kita, ayokong isuko ka na lang basta basta kasi mahalaga ka sakin. Matagal na panahon ako nag intay , sana Hindi na lang totoong may pamilya ka na para ako parin yung mahal mo at walang iba. Na sana tayo a lang ulit..." daig pa ng umaagos na tubig sa gripo ang mga luhang naibubuhos ko. 

" Kung pwede lang sana ... pero iba na ang sitwasyon , may asawa't anak na ako at mahal ko sila. At kung talagang mahal mo ko matatanggap mo yung katotohanang masaya na ako ,na may mahal na akong iba."

 Pilit niyang pinapaunawa ang ma salita ngunit parang mawawasak ang puso ko sa mga katagang masaya na siya at okay na siya samantalang ako nagdurusa . Hindi ko na napigilan yakapin siya ng mahigpit .

Humihikbi ako ng sabihin ko sa kanya na "Ang unfair ko naman kung aagawin kita sa kanya..kung masaya ka natalaga sa kanya at kung sapat na siya para sayo hindi na ako magpapakatanga , hindi na ako magbabahahabol pa  pinapalaya na kita... Kahit masakit...kahit mahirap pinapaubaya na kita sa kanya. " pagkatapos nun ay agad akong kumalas sa pagkakayapos ko sa kanya. Sandali kaming nagtitigan sabay sabi niya ng ...

"Salamat..."

Maayos namin tinapos ang nakaraan naming dalawa...masakit mawalan ng minamahal pero mas masakit mawalan ng kaibigan na higit mong pinagtitiwalaan ng buo mong pagkatao.

Kaya ikaw na nagbabasa nito wag kang maiinlove sa best friend mo , okay?!

The End

By: chinie-_-chinie

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon