Epilogue

100 5 5
                                    

Catherine's PoV

6 years ago...

Graduate na ako at ganap na Teacher major in Filipino.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa Faculty room.Nang batiin ako ng isang estudyante.

"Hi ma'am cath!"

"Oh Ms.Irish?Kamusta ka na? Long time no see."ani ko.

"Ito ma'am still in process parin.Still nasasaktan parin ako at hindi ko parin siya makalimutan."nalulungkot na sabi nito.

"Irish...hindi mo naman siya kailangan kalimutan eh,kailangan mo lang tanggapin yung katotohanang may iba na siyang mahal.Huwag kang manatili sa sakit na iyong nararamdaman
kailangan mo rin mag move forward"nakangiting sabi ko para i cheer up siya.

"Sinusubukan ko naman po eh,pero ang hirap po kasi mag move forward kung yung dahilan ng lungkot ko ay lagi kong nakikita."nagpipigil ng luha.

Sinubukan niyang itago yung totoo niyang nararamdaman pero masyado siyang mahina para pagtakpan ang sakit na nararanasan.

"Hindi mo naman kailangan madaliin yung paglimot sa kanya,laruin mo lang yung oras mo nak.Makakalimutan mo rin siya sa tulong ng Panginoong Diyos."ani ko.

"Salamat ma'am ..the best ka talaga!Kaya favorite kita eh!"niyakap niya ako.

"Hahaha sige na at ako ay may meeting pa."

Naglakad na ako palayo at pumunta sa faculty room ng filipino.

Nagmeeting lang kami tungkol sa magaganap na event sa school.Pagkatapos ay umuwi na ako..

--------------------------------------
kathylynne PoV

6 yrs ago...

May sarili na akong pamilya ,may gwapong asawa na si Adrian at anak na babae na si kesha.

"Uy ayusin niyo na yung mga lobo..yung mga pagkain nailagay na ba sa mesa? ---"tarantang sabi ni mama.

Pinag handaan talaga namin toh.Alam ko na hanggang ngayon masakit parin sa kanya yung paglayo ni Miguel ...hanggang ngayon kasi hindi parin bumabalik si Miguel at alam namin ang rason nun.Ayaw lang namin sabihin kay cath sapagkat alam namin na masasaktan siya pag nalaman niya ang dahilan nang hindi pag-uwi ni miguel sa mahabang panahon.

Naputol ang pagmuni-muni ko ng marinig ko ang busina ng sasakyan ni catherine.

"Anjan na si cath!!"patakbo kong sabi galing sa garden.

Agad naming pinatay ang ilaw at kanya-kanyang pwesto ang lahat.

"Mama..Papa..I'm home!!--ba't nakapatay yung ilaw??"masigla niyang bati at binuksan ang ilaw.

"HAPPY BIRTHDAY CATH!!!"bati naming lahat.

Makikita ng saya sa kanyang mukha ,at nasorpresa talaga namin siya ,nakakatuwang isipin na napasaya namin siya.Nagsimula ng kumanta ng happy birthday ang lahat para samin ni cath.

Ako ang unang lumapit sa kanya,niyakap ko siya ng mahigpit.

"Happy birthday twinnie!"-ako

"Happy birthday kambal ko!! I love you!"sweet niyang sabi.

"I love you too."balik ko sa kanya.

Niyakap namin yung isa't isa.

"Happy birthday tita cath and tita kathy!"bati ng anak ni kuya na si caeser.

"Thank you!"sabi namin ni cath at niyakap yung pamangkin namin.

"Dapat tita maghanap ka na ng boyfriend eh! 30 ka na kaya."pabirong sabi ni caeser na hindi na gets ng lahat.Kaya nagka-ilangan.

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon