Part 6:Lungkot

70 5 0
                                    

CATHERINE's PoV

1 month ago...

Isang buwan...

Isang buwan na simula ng iwan niya ako.Isang buwan na rin akong nagmumukmok sa kwarto.Isang buwan na akong walang ganang kumain.Isang buwan na akong liban sa klase, isang buwan na akong liban sa klase kaya for sure marami ng galit sa'kin na guro dahil sa pagliban ko.Isang buwan na rin na hindi ako nag bubukas na kahit na anong account na meron ako,kahit ang lumabas sa kwarto ay hindi ko ginawa.Hinahatiran nila ako ng pagkain pero hindi ko kinakain.Isang buwan kong inisip kung ano ba ang naging pagkukulang ko sa kanya .At sa loob ng isang buwan na yun wala akong ibang ginawa kundi ang tignan ang mga litrato naming magkasama.Basahin ang mga love letters na ibinigay niya at pakinggan ang mga pangako niya na nirecord ko pa sa phone yun pala ay hindi niya rin tutuparin.Isang buwan na akong nagcha-chat sa kanya at nakikiusap na bumalik na siya pero ni seen ay hindi niya ginawa.Isang buwan na,ngunit sariwa parin sa puso't isip ko kung paano niya ako nagawang hiwalayan.At ang mas masakit na malaman ko ang katotohanang nakipaghiwalay siya sakin dahil kay Nicole...ang babaeng naging matalik ko rin na kaibigan.Hindi ko alam na siya pala ang sisira sa masaya naming samahan.

At ngayon nawawalan na ako ng gana mabuhay which is mali ... alam kong hindi ako ito,matapang ako  alam kong kaya ko malagpasan ang mga pagsubok na yan.Tsaka hindi naman ako nag-iisa kasama ko ang Diyos na papawi ng lahat kong dinaramdam.Alam kong isang araw makakabangon din ako mula sa aking pagkakalubog hindi man ngayon,bukas at sa susunod na bukas at sa darating pa na bukas alam kong darating din ang araw na hindi na ako iiyak dahil pag-ibig na yan.

Bumangon ako at tinignan ang sarili sa salamin...ang laki ng pinagbago ko,ang dati kong buhok na super straigth ngayon buhaghag at ang...oily.Ang matataba kong pisngi ay umimpis.Ang chubby kong katawan ay sobrang laki ng pinayat.Ang makinis kong balat ay naging dry na at ang lalim ng mata ko na tila ba nakadroga.

Tinignan ko ang relo ko at ala una pa lang ng madaling araw.Ganyan ako masaktan hindi natutulog.

Sinimulan kong maligo...nagtagal ako ng apat na oras sa banyo.Pagkalabas ko ay nagbihis ako ng malaking t-shirt at short na pang-lalaki na hiningi ko sa kuya ko.Nag-lotion ako para hindi na mag dry ang balat ko .Nagtagal ako ng isang oras sa pagsusuklay ng buhok ko sobrang hirap suklayin gawa ng nagkabuhulbuhul ito.Pagkatapos ng lahat ay humarap ako sa salamin at medyo maayos na ang itsura ko unlike kanina.Nang masiguro kong okay na ang itsura ko ay umupo muna ako sa kama ko at saglit na nagmuni-muni kong ano ba dapat ang gagawin ko.Tinignan ko ang relo ko at alas 6 pa lang ng umaga kaya naisipan ko ihanda ang damit ko na pang iskwela, sakto at lunes ngayon at ang unang araw na pagpasok ng buwan ng Pebrero.Nagbihis at inayos ang sarili.Naglagay ng unting liptint at pulbo yung buhok ko ay nilugay ko lang.Bumaba ako at dumeretso sa kitchen.

Nakita kong kumpleto sila nandun si Mama,si Papa,si kuya,si kathy at maging ang mga kasintahan ng dalawa kong kapatid ay nanduon din.Masaya silang kumakain nang bigla nila akong nakitang umupo sa hapagkainan sila ay natigilan at saglit na napatitig sakin , tinaasan ko sila ng kilay na nagtatanong kung bakit.

"Anak??"nag-aalinlangang tawag sakin ni mama.

"Bakit po?"tanong ko. kumuha ako ng pagkain at nagsimulang kumain.

"Ahmm..wala,sige kumain ka ng kumain ha? May gusto ka pa ba ?Magpapaluto tayo kay yaya ano bang gusto mo? Teka tawagin ko si yaya para masabi mo yung gusto mo."tanong ni mama.

"Anak,gusto mo ba lutuan kita ng paborito mong pinatuyuang adobo ?teka ipagluluto kita."tanong ni papa.

"Cath,gusto mo ba ng freshmilk?..Teka kukuha kita."si kuya.

"TEKA!!!TEKA!!!"sigaw ko na ikinatigil nila."Maupo nga ho kayo."utos ko kasi ako yung nahihilo sa pagtatanong nila.

"Mama,Papa at Kuya...hindi niyo naman ako kailangan tanungin ng ganyan nasaktan lang ako na dulot ng pag-iwan ng Romeo na yun pero hindi ako baldado.Lahat ng tinatanong niyo ay kaya kong gawin mag-isa isang buwan lang naman akong nakatengga pero hindi ko pa naman nakakalimutan kung paano magsalita at magsabi ng mga gusto ko...alam kong nag-aalala kayo sa kalagayan ko pero pinipilit ko naman po maging okay para din po sa inyo."sabi ko na ikanatigil nila.

"Pasensya na."sabi ni Mama ng nahihiya.

Kumain lang ako ng kumain aaminin ko nasabik ako bigla sa pagkain.Nagulat na lang ako na lahat sila nakatingin sakin.Pagtingin ko sa pagkain ay naubos ko na pala.At napadighay ng napakalakas.

"Oppsss! Sorry"nagtawanan na lang sila.

Matapos kung kumain ay nag-ayos lang ako ng kunti.Tapos bumaba na.

"Cath sumabay ka na samin ha?Maliligo lang ako saglit tapos alis na tayo."sabi ni kuya tumango lang ako.

Habang iniintay na matapos si kuya ay tumabi ako kela ate mica na girlfriend ni kuya .

"Hi ate!"bati ko na may pekeng ngiti.

"Hello bebe! buti naman at okay ka na .Nag-alala talaga kaming lahat sayo."sabi niya na may halong lungkot.

"To be honest hindi pa talaga ako totally okay..andito parin sa puso ko yung lungkot ."biglang nangilid ang mga luha ko.Kaya tumayo muna ako.

"Ay ate punta muna ako ng kitchen ha? Magluluto lang ako ng egg sandwich."Palusot ko sa kanya...dahil ayokong makita nila akong umiiyak .

Nag-ready ako ng lulutuin ko.Nung binuksan ko naman yung kalan tskaa naman ito hindi gumana.

"Kung kailan naman kailangan na kailangan kita tsaka ka naman mawawalan ng gana!Hindi karin marunong makisama eh noh! Minsan napaka unfair mo rin ."para akong tanga kasi kinakausap ko yung gaas.

"Alam mo twinnie ganyan talaga ang buhay..minsan kailangan mong tanggapin ang katotohanan na hindi talaga fair ang mga bagay-bagay..."gulat akong napalingon at nakita ko silang lahat na malungkot na nakatingin.Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.

"Wag ka ng umiyak ...bibili na lang ng bago, okay?"sabi ni mama na pinunasan ang luha ko at niyakap ako.

"Tskaa twinnie...nagluto na ako kanina ng paborito nating egg sandwich.Kaya stop crying na."alam kong alam nila na hindi lang dahil sa sandwich yun...alam nilang may pinaghuhugutan ako pero syempre alam kong mahal ako ng pamilya ko kaya magpapanggap sila na tila bang walang alam sa tunay na nararamdaman ko para hindi ko na maaalala yung sakit pero kahit anong gawin nilang pagpapanggap nasasaktan parin ako.

itutuloy...
----------------------------------------------------------------------------------

*Follow my wattpad account @chinie-_-chinie
*Vote
*Comment
*Share

thanks!!!

written by:chinie-_-chinie

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon