5

4.4K 79 0
                                    


"SHE'S something," wika ni Joaquin sa anak habang papauwi sila.

"Yeah," ani Jake. "She's got something on her mind." Binitiwan niya ang manibela at pinaikot ang daliri sa may sentido.

"I don't think so. What's wrong if she's fascinated with witchcraft? Some are fascinated with yoga and levitation, and psychokinesis."

"But she's taking it seriously. That's not normal," diin ni Jake.

"But she's very beautiful. I am thinking—" ani Joaquin.

"What?" si Jake.

"I'll talk to Attorney Buluran. Kung papayag siya, I'd marry her myself."

Nadiinan ni Jake ang gas sa pagkasindak. "Sira ka ba?' bulalas niya na parang hindi ama ang kausap. Kunsabagay parang hindi nga ito ang kanyang ama. Kailan pa nabaluktot ang oido ni Joaquin Delano?

"He wants her to marry a Delano. Well, mas una akong naging Delano kaysa sa iyo. Ayaw mo ba n' on, mawawalan ka ng problema?" wika pa ng matandang Delano.

"Can't you see it, Dad? Kapag nakasal kayo ng babaeng 'yon, before you knew it, si Buluran na ang may-ari ng Delano Industries. He's using his daughter, para mapabilis ang pagyaman niya." paliwanag ni Jake.

"So what? Hindi mo naman kayang pamahalaang mag-isa ang negosyo. Maano ba naman kung may makatulong ka? At kung magiging senador si Pedro, mas makikinabang pa tayo. Gamitan lang naman sa mundong ito. Matanda na ako at matagal ko nang napatunayan 'yan. Gagamitin niya tayo, I'll have his daughter," wika ni Joaquin.

Shit! Ngitngit na napamura si Jake sa isip. Kung pakakasalan ng ama si Willa, malamang na mawalan pa siya ng mamanahin. Paano kung magkaanak pa ang dalawa? May kaagaw pa siya? At wala siyang tiwala sa hitsura ni Pedro Buluran hitsura. Tipong kapag ibinigay rito ang palad, hihingin ang buong braso!

Kailangang hadlangan niya ang kahibangan ng ama.

"I'll marry her," tiim ang bagang na wika ni Jake.

Tumango si Joaquin Delano. "In that case, may the best man win."

Madre Dios! Lalong gumulo ang gobyerno ni Jake. Karibal pa niya ngayon ang ama sa babaeng hindi niya gusto.

Nagpatuloy si Joaquin. "You can't just marry her, Jake. Kailangang talunin mo muna ako. Alam ko ang iniisip mo. Kakausapin mo si Pedro at mamadaliin siyang maikasal kayo ni Willa. Hindi ako papayag, Jake. I want her, I think... I think... I'm in love with her and I'm gonna make her love me, too. Mapapakasal lang siya sa 'yo kung hindi ko siya mapapaibig. At malabong mangyari 'yon. She'll fall in love with me."

"Dad, mas matanda ka pa kay Buluran. Paano ka naman magugustuhan ni Willa?" tanong ni Jake. Baka ang kailangan lang ng kanyang ama ay ang tapatin.

"Nagbibilang ka ng babae ngayon, Jake. Kanino ka ba nagmana?" tugon ni Joaquin Delano.

MATAPOS maihatid ang ama ay sa apartment ng isang girlfriend nagtuloy si Jake. Daig pa naman ng babae ang tumama sa mega lotto nang makita siya. Agad ipinulupot ng babae ang mga bisig sa kanya. Pinangko niya ito at dinala sa silid.

"Wow!" bulalas ng babae. Wala itong saplot na nasa ilalim ng wala ring saplot na si Jake. "That was faster than the speed of light!" Itinulak siya ng babae at padabog na pumasok sa banyo.

"Damn!" bulong ni Jake. Pangatlong girlfriend na niya ang babae na nagreklamo sa kanyang bed performance. Simula nang malaman niya ang kondisyon ni Atty. Buluran para hawakan ang kaso niya ay naapektuhan na ang kanyang bed performance. Lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa kahibangan ng kanyang ama.

May paraan naman para matigil iyon. Ang maging karibal ni Joaquin Delano kay Willa. Dahil kung gagawin nga ng ama ang balak, hindi nga malabong mapaibig nito si Willa. Sa panahon ngayon, may babae bang tatanggi sa isang matandang ubod ng yaman at ano mang sandali ay puwedeng atakihin sa puso?

Kapag nakasal ang kanyang ama kay Willa, paalam na sa buong kayamanan ng mga Delano. Ngunit kung siya ang iibigin ni Willa, he would make her life miserable at malamang na si Atty. Buluran pa ang umasikaso ng kanilang annulment papers.

Napangiti si Jake. Mas tuso ako sa 'yo, Buluran! Bumangon siya at pinasok sa banyo ang girlfriend.

"Get out!" tili ng babae. "Lumayas ka na! You disappointed me so much. I hate you!"

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw rin ni Jake at nagsimula nang magbihis. Napatungo pa siya habang nagsusuot ng underwear. "You disappointed me, too, buddy." 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon