15

3.8K 63 2
                                    


"YOU LOST, Dad," deklara ni Jake pagkakita sa ama.

"I know," ani Joaquin. Kagabi ay tumawag pa ito kina Willa nang walang sumasagot sa town house ni Jake. Kinumpirma ng mga katulong na hindi pa rin umuuwi ang dalawa.

"No hurt feelings, Dad. Sabi mo, may the best man win. Ako ang best." Parang batang nagmagaling pa si Jake.

"Oo na. Nakausap mo na ba si Ed?" tanong ni Joaquin.

"Yup, Bukas. Mamanhikan tayo roon," ani Jake, naupo sa tapat ng ama.

Ibinaba ni Joaquin ang binabasang peryodiko. "Huwag mo sanang sasaktan si Willa, Jake. She is lonely, make her happy."

Sumeryoso si Jake. "You know something, Dad?"

"What?"

At sinabi ni Jake kung ano ang kanyang nararamdaman kay Willa. "It just happened, Dad. I never knew what hit me. Now my world revolves around her. She's the sun and the moon and the air I breathe—"

"You're in love," ang tanging nasabi ni Joaquin, at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Hinaklit ni Jake ang peryodiko. "Dad, makinig ka. I just couldn't explain how—how wonderful she is. She's... she's all the women in the world. She's
magic—Dad, I'll die without her—"

Napailing si Joaquin sa anak, "Didn't you tell me I was crazy, and stupid and acting like a silly schoolboy? Now, I'll tell you, you're all of the above and worst," anito. Kung ikokompara ng matanda ang sarili kay Jake, masasabing marahil nga ay infatuation lang ang nararamdaman nito kay Willa.

"Dad, I want to give her the grandest wedding of all. Sagutin mo ang kalahati ng gastos, Dad."

Sinasabi ko na nga ba, ani Joaquin sa sarili.

"WHAT are these?" tanong ni Willa. Kagagaling lamang nila sa couturier at pagsakay nila sa kotse ay iniabot sa kanya ni Jake ang isang folder.

"Brochures. Ipinakuha ko sa sekretarya ko. Pumili ka na lang kung saan mo gustong mag-honeymoon tayo," anito.

Tumungo siya upang itago ang kalungkutan. Honeymoon? She wanted to scream at his face. Talagang susulitin ni Jake ang gagawing pagpapakasal sa kanya. Sa ganoon nga naman ay hindi pa rin ito talo, bagkus ay nakamit pa lahat ang gusto. Isa na roon ang katawan niya.

She feigned amusement nang mabuklat ang mga brochures. "Nudist camp?"

"Baka 'kako gusto mo riyan," anito, nangingislap ang mga mata dahil sa pagkakangisi.

"Are you crazy?" aniya, for a while pretending that everything was all right. "Have you been there?" tanong pa niya.

Tumango si Jake. "Last year. First time ko 'yon at halata ng lahat na naroroon," anang lalaki.

Amused naman si Willa. Talagang may pagkabanidoso ito at nagawang mamasyal nang hubo't hubad sa nudist camp.

"Paano naman nila nahalata?" she asked. If only she could forget the truth. He was so boyish and channing, she wanted to hug him.

Ngumising-demonyo si Jake. "Dahil si best friend lang ang galit, halatang hindi sanay."

Napahalakhak si Willa, despite herself. "Puro ka naman kalokohan."

"But that's true, doon sa mga sanay magpunta roon ay bale-wala lang kung hubad ang nakakasalubong. Si best friend lang ang bano," anito, nakatawa pa rin ang mga mata. "Nakapili ka na ba?"

"Bakit hindi na lang doon sa bahay mo sa Laguna?" aniya.

"Ayaw mo bang lumabas ng bansa?" tanong ni Jake. Nakahanda itong gumastos nang husto para sa honeymoon kung gugustuhin niya.

"Saka na lang," mahina niyang tugon dahil alam niyang walang saka na lang.

NAGBIGAY pa ng party si Atty. Buluran para i-announce ang engagement ni Willa kay Jake Delano. Sinaksihan iyon ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng magkabilang partido.

She felt like an actress doing a movie, kung saan ay very elaborate ang setting at production. Kompleto ang props, dahil binigyan pa siya ni Jake ng engagement ring.

"That's my mom's, and now it's yours," wika nito nang isuot sa kanya ang singsing. A simple diamond solitaire. Willa couldn't stop herself from crying, and Jake mistook it for happiness. Niyakap siya nito at napuno ng palakpakan ng mga panauhin ang paligid.

"Congratulations!"

"Best wishes!"

All around her, the crowd was cheering. The champagne glasses were clinking.

It was a great movie. 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon