16

3.8K 61 0
                                    


MAAGANG umalis ng bahay si Willa. Tumuloy siya sa mall upang bumili ng mga kailangan niya.

Scented candles, massage oil at isang kahon na heart-shaped imported chocolates. Hindi rin niya kinalimutang bumili ng mga bulaklak.

She was going to cast her ultimate magic spell, at mapapasailalim niyon si Jake habang-buhay. Umarkila rin siya ng sasakyan. At bago mangalahati ang araw ay patungo na siya sa Laguna.

Nang pumasok siya sa bayan ay saka niya tinawagan si Jake.

"Willa? What's up, honey?" anito na parang galak na galak na marinig ang tinig niya.

Pinasigla rin niya ang tinig. "I'm here in your house and I'm waiting for you. I missed you, Jake." It was true. Talagang lagi na ay nais niyang nakikita ang binata, and she knew it was going to be hard-ang kanyang gagawin.

Ang konsolasyon lang niya, mahihirapan din si Jake. She would hurt him the way he'd hurt her.

"What?"Hindi naman makapaniwala ang lalaki, ngunit naroon ang katuwaan sa tinig. "Malalagot ako sa daddy mo!"

"I'll take care of him. Just hurry," aniya.

"You are full of surprises, Willa—" anito, ngunit
namatay na ang linya. "That's why I love you," anitong napabuntong-hininga na lang.

AGAD namang tinanggap ni Aling Viring si Willa at ibinigay pa ang duplicate ng susi sa silid ni Jake.

"Sana ay nagpasabi kayo na paparito," wika ng
katiwala.

"Biglaan ho, eh. Huwag kayong mag-alala, may dala naman akong pagkain," aniya at d-in-ismissang matandang babae.

Nilinis niya ang silid ni Jake. Pinalitan niya ang
bedsheet ng satin at isinarado ang mga blinds hanggang magmistulang gabi na sa loob ng silid.

Inayos niya ang mga sariwang bulaklak at inilagay iyon sa vase na hiniram niya kay Aling Viring. May brass candleholder doon. Inalis niya ang kandilang naroroon at ipinalit ang binili niya. Pinahiran din niya ng rose oil ang mga unan, pati na ang mga bulaklak
para lalong bumango ang mga iyon.

Then she lit the candles and placed the chocolates beside the lamp. Nang makontento siya sa ginawa ay ang sarili naman ang inasikaso niya.

Nagbabad si Willa sa bathtub na nilagyan niya ng kung ano-anong scented oils. She scrubbed her whole body, hanggang halos kuminang na iyon. Nang makontento ay tinuyo niya ang sarili.

Isang itim na lingerie ang kanyang isinuot. Lace and satin iyon. She glanced at the clock. Sa loob ng treinta minutos ay darating na si Jake, dahil alam niyang kaagad itong aalis ng opisina matapos niyang tawagan.

Nahiga siya sa kama, ipinikit ang mga mata, smelling the scent of roses in the air. She fell asleep.

"KANINA pa siya nandito, nakatulog siguro," wika ni Aling Viring sa dumating na si Jake.

"Aakyat na lang ho ako at baka naiinip na ang misis ko."

"Misis?" si Aling Viring.

Ngumiti si Jake. "Ikakasal na po kami sa darating pong Sabado."

"Aba, talaga? Hindi niya nabanggit sa akin," anang matandang babae.

"Sige po," ani Jake, hindi na makapaghintay na makita si Willa. Hindi niya akalain na may itinatagong aggressiveness ang babae. But then again, ito na rin ang may sabing, she was all the women in the world.

Binuksan ni Jake ang pinto at napangaga sa nakita. It was as though he'd opened the door to a dreamland. Marahan niyang isinara ang pinto at maingat ding humakbang patungo kay Willa. The sight of her sleeping so beautifully made him want to cry.

Marahan din siyang naupo sa kama, natatakot na kung magiging marahas ang mga kilos ay biglang maglaho ang panaginip sa harap niya.

He caressed her face with the back of his hand. Ang amoy-rosas sa paligid ay parang kay Willa mismo nagmumula,

"You're a dream—" nasabi niya nang malakas.

WILLA stirred. At nang idilat ang mga mata ay natigilan. Saglit niyang nakalimutan ang plano, for he looked as though he'd die if he would lose her.

"You, too," she whispered. He was just a dream and that was the reality. Hinaplos niya ang mukha ni Jake. "I want to make love to you—"

He answered by kissing her.

Bahagya niya itong itinulak. "Let me make love to you—" aniya at hinubad ang suot nitong polo, pagkatapos ay inihiga ito sa kama.

Sunod-sunuran na lamang si Jake.

She was kissing his chest and breasts, while at the same time unbuckling his belt. Dinig niyang ibinubulong nito ang kanyang pangalan. Nag-angat siya ng mukha at pinagmasdan ang lalaki.

His eyes were half-closed and he was feverish. He was trying to take her into his arms.

"No, Jake. Let me love you the way I want to," bulong ni Willa at muling hinagkan ang katawan ng lalaki. She would make it as long as she could, for she was building a memory that would be enough for a lifetime.

Nang mahubad niya ang lahat nitong saplot, she climbed on top of him at ibinaba ang strap ng kanyang suot. She allowed him to fondle her breasts.

Jake tried to get up ngunit muli lamang itong itinulak ni Willa.

"You're a witch—" he muttered.

"Yes, I am." 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon