18

7.5K 153 6
                                    


THE BEACH was deserted at dapithapon na. Ngunit hindi nakakadama ng takot si Willa. Ano pa ang ikatatakot niya? Ano ba kung mapatay siya roon? What was there to live for?

Tinanaw niya ang papalubog na araw. Her life was like the sun, naglaho na ang liwanag at ang katiting na natira ay tuluyan nang lalamunin ng kadiliman.

Ang pagkakaiba lamang niya sa araw, iyon ay muling sisikat kinabukasan.

Her sadness wasn't because of Jake. It was because of what she did. Alam na niya ang totoo. Her heart told her so.

She could see his face, the love that was there and she was stupid to let him go, to have left him. Ngayon ay tiyak na hanggang langit ang pagkamuhi nito sa kanya. It was stupid of her to believe that he didn't love her, and that it wasn't because of her stupid spell,

Oh, God, what will happen to me? usal niya. Funny, she was now talking to God. Buong buhay niya ay wala siyang pinakinggan kundi ang mga salita ni Lola Armida.

Her grandmother had an answer to everything, at laging may paraan para makamit ang isang bagay—through her magic rituals.

But her grandmother was wrong. There was no answer to everything, at mayroong mga bagay na hindi talaga para sa kanya. Only God knew the answer, and her grandmother was like someone who was trying to gather all the water in the ocean sa isang maliit na lalagyan.

She sighed. Tama ang kanyang ama. Hindi normal ang buhay niya. She had no friends, dahil masyado siyang natatakot sa rejections.

But who could blame her? She had been branded as a "witch," and she believed them. She knew witchcraft didn't bring her any good.

Kaya bang pabalikin ng magic spell ang pag- ibig ni Jake? Kaya bang ibalik ng magic ritual ang pagmamahalang sinimulan nila?

"KAYA mo bang magmaneho?" tanong ni Joaquin. Nasabi na nito sa anak kung saan maaaring naroroon si Willa, at hindi na makapaghihintay ang binatang makarating sa Pagudpud.

"Kaya ko," ani Jake.

"Malayo 'yon at baka wala ka pa sa huwisyo."

"Kaya ko," giit niya at hinila pasara ang pinto ng kotse. Pitong oras ang biyahe hanggang Laoag, pagkatapos ay hindi niya alam kung ilang oras pa para marating ang Pagudpud.

Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin sa sandaling makita si Willa. O naroroon nga ba si Willa?

ALAS-TRES ng madaling-araw nang sapitin ni Jake ang bayan ng Pagudpud. Wala siyang ideya kung nasaan ang mga resort. He just kept on driving.

Binuksan niya ang bintana ng kotse. He could hear the sound of the waves against the shore. Sinundan lamang niya iyon, ang katwiran ay kahit saang resort pa naroroon si Willa, iisa pa rin ang dagat.

He found a clearing. And beyond that, the sea. Ipinarada ni Jake ang sasakyan sa clearing. Pinatay niya ang makina, reclined his seat and fell asleep.

Hindi iyon ang plano niya. Ngunit nonstop siyang nagmaneho sa pagmamadaling makarating sa patutunguhan. Hindi pa rin siya kumakain. He was exhausted. Physically and emotionally.

NALIGO si Willa at nagbihis. Alam na niya kung ano ang dapat gawin. Hindi na siya aalis ng Ilocos. Susubukan niyang mag-apply ng trabaho sa Fort Ilocandia. She could be a receptionist. And who knows, baka gawin pa siyang manager dahil overqualified naman siya. Gagamitin din niya ang
pangalan ng kanyang ama at mga kaibigan nito as reference persons.

Magsisimula siyang mabuhay nang normal.

"I'm no longer a witch," aniya sa sarili. Siguro nga ay kasabay ng bukang-liwayway ang bagong pag-asa. Kahit paano ay gumaang na ang pakiramdam niya. Hindi katulad ng nagdaang araw na parang gusto na niyang magpakalunod sa dagat.

Binayaran ni Willa ang kanyang itinigil sa resort at tinungo ang pinagparadahan niya ng inarkilang kotse. Binuksan niya ang trunk at inilagay roon ang traveling bag. Bigla ang ginawa niyang pagbagsak doon.

NAPABALIKWAS si Jake. Parang yumanig ang kinaroroonan niya o nananaginip lamang siya. Maliwanag na ang paligid. Napakamot pa siya ng ulo at natigilan. Saka pa lamang niya naalala kung bakit siya naroroon.

Luminga siya sa paligid. Isang babae ang nakatalikod sa kanya, pasakay sa kotseng nakaparada rin doon. Muli niyang ikinurap ang mga mata.

Namamaligno ba siya o talagang may magandang babae siyang nakikita? Hindi pa niya nakikita ang mukha ng babae ngunit tiyak na niyang maganda ito. Hakab na hakab sa baywang at balakang nito ang bodice ng summer dress na suot. Bare-backed iyon at naroroon na yata lahat na kulay ng tag-araw: dilaw, orange, berde. Ang palda nitong suot ay shirring at mahaba.

Her hair was long, black and curly, just like—

Oh, my God!

Mabilis na bumaba siya ng kotse.

NABUKSAN na ni Willa ang kotse at sasakay na
lamang nang marinig niyang tinawag ang kanyang pangalan ng isang pamilyar na tinig.

"Willa!" sigaw ni Jake, kahit dadalawang dipa lamang ang layo nila sa isa't isa.

She turned and couldn't believe her eyes. "Jake—" she whispered.

Palapit na ang lalaki at hindi makapaniwala sa nakikita. Halo-halo ang nararamdaman nitong emosyon. He still hated her dahil ipinahiya siya nito sa maraming tao.

Ngunit nang tuluyang makalapit ang lalaki kay Willa ay iba ang lumabas sa bibig nito. "You're not wearing black."

Pakiramdam ni Willa ay nasa gitna siya ng isang panaginip. This couldn't be happening to her. "I-I've realized that I'm not really a witch—"

They both knew they sounded crazy. But who
cared?

"I could kill you, you know?" wika ni Jake, but all he wanted to do was to hold her.

"I'm sorry,"wika ni Willa at napatungo. "H-how'd you find me?" she asked.

"Dad. He told me you might be here and you're here—" He opened his arms. "Let's go home, Willa."

"You don't hate me?" tanong pa niya.

"I hate you, all right. But I love you, too, you know? Lumapit si Jake sa kanya at hinapit ang kanyang baywang.

"Oh, Jake! It must've been awful—"

"It was. Mabuti naman at alam mo." He hugged her tight. "God, I love you, and if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever... It's great to hold you again." And his voice was shaking.

"Jake—" Awang-awa si Willa sa binata. She made him cry! "Kahit ano, gagawin ko, para lang makabawi ako sa kasalanan ko sa 'yo."

Nakangiti na si Jake. "Talaga?"

Tumango siya. "Anything."

"Hmm... gusto ko kiss sabay hug."

"What?!" Kulang na lang ay tumayo ang lahat ng buhok ni Willa na parang galit na tandang.

"Biro lang. At ano ba naman ang masama sa kiss sabay hug?"

•••WAKAS•••

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon