14

3.6K 52 0
                                    


"I WANT to kill you for what you did. But I might as well kill myself, too," tiim ang bagang na wika ni Atty. Buluran.

"Hindi na kailangang umabot pa tayo sa ganoon, Attorney," wika naman ni Jake. "I'm willing to marry her. In that way, makakamit mo pa rin ang gusto mo."

"Kalimutan mo na ang kasunduan natin. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo 'yon? That was stupid of me, to blackmail you into marrying my daughter, dahil sa ambisyon ko. Now, what? She would be miserable dahil ang lalaking minamahal niya ay wala ni katiting na pagtingin sa kanya," ani Atty. Buluran.

"It wasn't because of that agreement," giit ni Jake.

"Nevertheless, you don't love her. Natatakot ka lang na mapaibig siya ng iyong ama, at mawalan ka ng karapatan sa kayamanan n'yo. You've won, Jake, for now. I will talk to Willa. I'll tell her everything," anang abogado.

"Everything—" Hindi malaman ni Jake ang iisipin. "You can't do that!"

"She's my daughter. Hindi ako papayag na magdusa siya sa piling mo. I'll tell her the truth that you don't really love her."

MABIGAT ang mga hakbang na umakyat sa kanyang attic room si Willa, hindi alintana ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

"You don't love her." "Blackmail." "Agreement." Those words kept ringing in her ears. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang pinipira-piraso.

Paano nagawa ni Jake iyon? He was so real. She remembered his words, his touch, and his kisses. She was even convinced that he was jealous of her admirers. He threatened to throw them out of the house!

Ang lahat ng iyon ay pagkukunwari lamang pala. I hate him. Ngunit gusto rin niyang isumpa ang sarili Napakalaking hangal niya na dahil sa isang magic spell ay napaibig niya ang binata.

Sa silid ay napatitig siya sa larawan ni Lola Armida.

"It didn't work, Lola. They aren't real, are it? You taught me those things just to make me feel better." Namaluktot siya sa kama at ibinaon sa unan ang mukha upang walang makarinig sa kanyang pag-iyak.

Alam mo na ang gagawin mo, apo, ang tinig ni Lola Armida sa kanyang alaala.

Napapangiti siya, but it was a bitter smile that turned into laughter, habang ang mga mata naman niya ay lumuluha. Nang matigil ang buhos ng emosyon ay inayos niya ang sarili. She knew just what to do. She would get even.

I'm a witch, aniya sa sariling repleksiyon sa salamin.

"TOTOO ba ang sinasabi mo?" biglang tanong ni Atty. Buluran kay Jake nang marinig ang sinabi nito.

"Yes. I love her. Wala nang iba pang dahilan kung bakit ko siya gustong pakasalan," anito.

"Paano ka nakasisiguro? Paano ako makasisiguro na nagsasabi ka ng totoo?" may duda pa ring wika ng abogado.

"Give me your blessings. I'll give you my word, I'll never hurt her. Araw-araw kong patutunayan sa 'yo kung gaano ko siya kamahal. Araw-araw mo 'yong makikita, for she would always be happy."

"My God! She's a witch!" bulalas ng abogado, nangingilid na ang luha at tuwang-tuwang nayakap si Jake. "Huwag mo sa akin patunayan, Jake. Kay Willa. Sa kanya mo patunayan ang pagmamahal mo, araw- araw."

Nayakap din ni Jake ang abogado.

BUMABA sa sala si Willa. Mahabang sleeveless na housedress ang kanyang suot. Itim din ang kulay niyon. Bagong brush ang mahaba at kulot na buhok niya kaya makinang na makinang iyon. Bagong apply din ang pressed powder, kaya hindi mahahalatang galing siya sa pag-iyak at umiiyak pa rin ang puso.

Naupo siya sa sofa, mukhang relaxed na relaxed, at kumuha ng isang magazine sa rack. Binuklat niya iyon. She didn't bother to eavesdrop again, dahil narinig na niya ang dapat niyang marinig. Jake will pay.

Mayamaya ay lumabas ang dalawang lalaki, parehong nakangiti.

"Hello, sweetheart," agad na bati ni Jake sa kanya. Gusto niyang isampal dito ang mga salitang iyon.

"Hi. How did it go?" tanong niya.

"Fine, hija. Fine. Bukas ay babalik silang mag-ama rito para pag-usapan ang inyong kasal. I suggest you prepare a dinner for four," wika ni Atty. Buluran.

"Sure, Dad."

Naupo sa tabi niya si Jake. Her body remembered the night they had shared. And no matter how much he had hurt her, she still loved him. But to hell with that love!

Inilagay nito ang braso sa balikat niya. "You make my best friend want to play again," bulong nito.

She gave him a be witching smile. And her eyes seemed to be telling him how much she wanted him, too.

Yumuko ito at hinagkan ang kanyang balikat. "I wish I'd married you this morning."

Umubo si Atty. Buluran. "Hangga't hindi pa kayo nakakasal ay ayoko nang maulit na kung saan-saan mo dinadala ang aking anak," anito kay Jake.

Hindi makaangal si Jake. Ngunit nag-iisip na ito kung paano maipupuslit si Willa sa abogado. Parang hindi nito kayang magtiis nang mahigit isang buwan.

"Dito ka na lang kumain, Jake," wika naman ni Willa. Hindi dapat makahalata ang binata na alam na niya ang katotohanan.

"Mmmnnn, I'd love to, but I have to talk to my
father," anito. Ang hindi nito masabi ay kung magtatagal pa ito roon ay baka kung ano ang magawa kay Atty. Buluran. Parang gusto na nitong pasinghutin ng chloroform at nang makatulog, at masolo nito si Willa. Tumindig ito at ginawaran siya ng halik sa noo. "I'll be back tomorrow."

"Alam ko ang iniisip mo, Jake," anang abogado. "Loyal sa akin ang mga maids ko rito."

"I'll be back tomorrow with my dad. We'll talk about the wedding," bawi ni Jake.

"Mabuti na ang nagkakaintindihan."

Parang hinihiwa ang puso ni Willa. Kung sana ay hindi na niya pinakinggan ang pag-uusap ng kanyang ama at ni Jake, sana ay maligayang-maligaya pa rin siya ngayon at naniniwalang ang lahat ng ipinakikita ni Jake ay totoo. Sana ay pananabikan pa rin niya ang araw ng kanilang kasal. 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon