17

4.1K 66 0
                                    


NAGISING si Jake dahil sa tama ng papalubog na
araw sa mga mata. Lumulusot iyon sa "slats" ng blinds.

Ang una niyang ginawa ay ang yakapin si Willa. But she wasn't there.

Napabalikwas siya.

"Willa—" tawag niya at natigilan. Where was the flower-scented air? Where were the candles? The flowers? Where was she? Sa natutulirong isip ay hindi niya matiyak kung panaginip lamang ang lahat.

No. It was real! He was naked, and his whole body was still sore from their lovemaking. He could remember himself, begging for her to go faster. Begging her and calling her name—even screaming her name. He could remember her feeding him those mouth-watering chocolates, then kissing him deeply, teasingly. They practically ate those chocolates together. He could taste them in her mouth, and the taste was still in his mouth.

Bumangon siya. She was playing some tricks again. Napangiti siya. Mabilis siyang nagsuot ng pantalon at bumaba.

"Si Willa?"tanong niya kay Aling Viring.

Nakamulagat lang sa kanya ang katiwala. Hindi niya alam na nasa paligid pa ng kanyang bibig ang mga natuyong tsokolate.

"Where is she?" ulit niya sa tanong.

"Ha? Aba'y kanina pa umalis," ani Aling Viring.

Gayon na lamang ang panlulumo ni Jake. Mayamaya ay nahimasmasan siya. Of course, kasama iyon sa laro ni Willa. Sa Sabado ay tuloy pa rin ang kasal. At sa honeymoon ay mauulit uli ang nangyari.

Napangiti na siya. "Maybe she's really a witch," aniyang malakas.

"SAAN ka nanggaling?" tanong ni Atty. Buluran sapagkat nauna pa itong dumating sa anak. "Kasama mo ba si Jake?"

"No, Dad," wika ni Willa.

Bakit ba nagtatanong pa ako? tanong ni Pedro sa sarili. Halatang-halata namang nagsisinungaling si Willa. She looked like a woman who'd been made love to. Kunsabagay. Napakibit-balikat ang abogado. May magagawa ba ito? Ang tanging konsolasyon lamang ay talagang nakikita nitong seryoso si Jake sa anak. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa ako nagugutom, Dad. Gusto kong magpahinga," aniya at umakyat sa kanyang silid.

Sa ibaba ay tumunog ang telepono. "Yes?" si Atty. Buluran.

"Attorney, good evening. Puwede bang makausap si Willa?" tanong ni Jake.

"Pagod ang anak ko," makahulugang tugon ng abogado. "Bukas mo na lang kausapin. Magdusa ka
dahil hindi mo sinunod ang gusto ko."

"I'm sorry," ani Jake.

"You know, I should hate you," wika naman ng abogado.

Tumawa si Jake. "Ayaw mo ba n'on, magkakaroon ka kaagad ng apo, Daddy?" biro pa nito. Ibinagsak ni Atty. Buluran ang telepono, pagkatapos ay nangingiting napapailing.

Sa sasakyan naman ay nakangisi rin si Jake at ihinagis sa backseat ang cell phone.

You're a lucky guy, Jake. Ano ba ang nagawa mo sa mundo at binigyan ka ng ganitong kaligayahan?

ALAS-DIYES ng umaga. Puno ng mga rosas ang aisle ng simbahan. Ang pulang carpet ay mukhang bagong vacuum. Ang nasa patio ay pawang magagarang sasakyan, at ang mga umiibis ay pawang makikisig, at ang mga babae ay puno ng mamahaling alahas. At lahat ng mga ito ay may ngiti sa mga labi.

Why not? They were about to witness Jake Delano's wedding to Willa Buluran.

Si Jake ay kanina pa nasa unahan, pinagpapawisan na. Maya't maya niyang itinutuwid ang suot na tuxedo.

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon