2

5.3K 84 0
                                    


JAKE was euphoric.

Nothing could go wrong, sabi niya sa sarili at nilagok ang alak sa hawak na baso, pagkatapos ay
nakangiting iginala ang mga mata sa paligid.

Nakikipagpaligsahan ng ningning ang mga ilaw sa malawak na hardin sa mga bituin sa kalangitan.

Pumapailanlang ang malamyos na tugtugin ng arkiladong orchestra, habang hindi magkamayaw ang mga panauhin. Lahat ay nakangiti.

They should be. Naipon yata sa gabing iyon ang mga importanteng tao sa bansa. Prominent figures in the government, in the business sector, in the arts. Naroroon din ang ambassador ng Estados Unidos at ilang diplomats.

The women in their elegant gowns and expensive jewelry were all beautiful with their beautiful shapes, nature did and didn't design.

Hindi naman mahalaga kay Jake kung produkto man ng siyensiya ang kagandahan ng mga babae roon o hindi. Ang mahalaga, they did their best to be very beautiful that night.

Ngunit hindi ang mga iyon ang pangunahing dahilan kung bakit walang pagsidlan ang kagalakan niya. Nang gabing iyon ay ang ikaanimnapu't limang kaarawan ng kanyang ama, si Joaquin Delano. Ngayong gabi rin nito ipapahayag sa lahat ang pagreretiro. Isa lang ang ibig sabihin niyon sa kanya. Siya na ang magiging presidente ng Delano Industries.

Lumapit siya sa bar na nasa dulo ng mahabang
buffet table.

"You're sulking," wika ni Jake sa babaeng mag-isang umiinom doon. Pula ang evening gown na suot na isang dipa ang slit sa tagiliran. Kumikislap ang diamante sa tainga nito at leeg. Gayon din ang nasa braso at daliri.

"You've finally acknowledged my existence," sarkastikong wika naman ng babae. Nilagok nito ang alak sa basong tangan at ipinatong sa counter.

"C'mon, Lira. You know how these parties are. I just couldn't ignore the other guests. You understand
that, don't you?" Pinisil niya ang baba nito bilang pakonsuwelo.

She was a rose-and-cream lady. Malagatas ang kutis at kulay-rosas ang mga labi. At tiyak ni Jake na kakapit sa kanya ang rosas na iyon kung hahalikan niya sapagkat dahil lamang iyon sa lipstick.

She faced him squarely. "Tell me, Jake. Pakakasalan mo ba ako?" prangka nitong tanong.

He laughed. Hindi lang dahil nagulat siya sa tanong kung hindi dahil sa absurdity niyon. "Why do you ask?" tangi niyang nasabi.

Humalukipkip si Lira. "I went to see a fortune teller this morning. She told me you're gonna get
married soon, and guess who the bride will be?"

Lalong natawa si Jake. Women, anang isip niya. "Is it you?" he asked. At hindi man niya sinasadya, his eyes were mocking her.

"It's not me. Sino siya, Jake?" she demanded.

"Are you crazy? Bakit ba naniniwala ka sa mga hula-hulang 'yan? Kalokohan 'yan!" aniya.

"She's authentic. She described you to me, and
she knew better than I do. I just showed him your picture," wika pa ni Lira.

"Kung talagang mahusay siya, bakit hindi niya nahulaan na wala pa akong balak mag-asawa? Lalo
na ngayong mga panahong ito," wika niya. Sumenyas siya sa bartender upang igawa ng inumin.

"She knew. But you're still going to get married in a couple of months," saad ni Lira. "Just tell me the truth, Jake. Ayoko lang na nagmumukhang tanga," may hinanakit na dugtong nito. At sa anyo ng mukha ng babae ay mukhang hindi naman makakapayag na makasal sa
iba si Jake Delano.

Malakas ang halakhak niya. "Ridiculous!" aniya at hinawakan ang braso ni Lira. "Come with me. I want to show off." Iniwan na niya ang alak na ginawa ng bartender. Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay sinalubong siya ng isang maid.

"Sir, ipinatatawag po kayo ni Sir Joaquin sa library," anito.

Hinarap niya si Lira. "I'm sorry," aniya. Masama ang loob na tumango ang babae. 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon