6

4.1K 72 0
                                    


"WHAT do you think of him?" tanong kay Willa ng ama habang nag-aalmusal sila.

"Sino, Dad?" tanong niya. Nakabihis na siya ng itim na turtle-neck blouse at itim na pedal pants.

"Jake. Sa tingin ko ay magkakasundo kayo," wika ng abogado. Napapayag na nito si Joaquin Delano sa kondisyon at tiyak nitong papayag din si Jake, dahil sunod-sunuran lang naman ang anak sa ama. Isa pa ay wala
namang pagpipilian ang dalawa.

"Nagbibiro ka ba, Dad? Nakita mong pinagtawanan ako kagabi," aniya. But the truth was
she couldn't deny that she was attracted to Jake.

He wasn't just good-looking, he was sexy.

"It was your fault. Sinabi ko naman sa 'yo na tigilan mo na 'yang witchcraft-witchcraft na 'yan. You're in a modern society, Willa. Talagang katawa-tawa ang sinabi mo at ginawa kagabi—" Natigil sa pagsasalita ang abogado nang pumasok ang isang maid na may bitbit na isang pasong sariwang rosas.

"Ma'm, para po sa inyo." anang maid.

Kinuha ni Willa ang card doon. "Pakilagay sa
sala," aniya, ang tinutukoy ay ang mga rosas. Binuksan niya ang maliit na envelope.

"Kanino galing?" usisa kaagad ni Atty. Buluran.

"Edmond, Dad," aniya. Ayon sa note ay bisita ang lalaki nang nakaraang gabi. Hindi niya matandaan kung sino doon ang may pangalang Edmond, dahil ang maliwanag lang sa kanyang memorya ay ang mukha ni Jake.

"What? That son of a bitch!" bulalas naman ng kanyang ama. "Aba'y mas matanda pa sa akin ang huklubang 'yon!"

"Sino ba siya, Daddy? Hindi ko matandaan, eh," wika ni Willa.

"'Yong banker na manipis ang bumbunan. Ipabalik mo ang mga bulaklak na 'yan."

"Dad, wala namang masama," ani Willa.

"Masama. Hindi siya ang gusto kong maging manugang. Ang gusto ko'y iyong katulad ni Jake."

"Dad!" Si Willa naman ang nagulat.

"Narinig mo ang sinabi ko. Jake is interested in you. Hindi masama kung makipagmabutihan ka sa kanya," anang abogado.

Kumunot ang noo niya. "Interested?" Paano mangyayari iyon gayong pinagtawanan siya nito?

Mabilis namang nag-imbento ng kuwento ang abogado. "He... he saw your pictures in my office. Gusto ka raw niyang makilala kaya inimbitahan ko siya kagabi."

"Really!" si Willa. Ang hindi niya mapaniwalaan ay may picture pala siya sa opisina ng ama.

"Oo—" Isa na namang maid ang pumasok, bitbit ang isang katerbang white lilies. "Ano na naman 'yan?"

"Para po kay Ma'am." Iniabot ng maid sa kanya ang mga puting bulaklak. Matapos kuhanin ang card ay ipinalabas niya ang mga iyon.

"Kanino naman galing 'yan?" usisa na naman ng abogado.

"Wilson, Dad. I think, he's the journalist," wika ni Willa.

"I don't believe this!" bulalas ng kanyang ama.

Ngiti ang itinugon ni Willa. Her magic spell did work! Ngunit sumuway siya sa isang bilin ni Lola Armida hinggil doon. Huwag daw niyang gagamitin ang spell para lang paglaruan ang damdamin ng kapwa niya. Hindi naman niya planong gawin iyon, kaya lang ay napilitan siya dahil nga pinagtawanan siya ni Jake.

Lalo pang lumuwang ang kanyang ngiti. Kung tumalab ang magic spell, malamang na hindi na rin mapakali ngayon si Jake, aniya sa isip at nanabik na masilayan ang lalaki.

"I like him," aniya. Nakalimot siya sa sarili.

"Si Wilson?" kunot-noong tanong ng abogado.

"Si Jake, Dad," amin niya. Bigla namang tila nagliwanag ang mukhang kanyang ama.

"Good. Kapag niyaya kang magpakasal ay tanggapin mo na kaagad."

Nagtatakang napatingin siya sa ama. Bakit parang siguradong-sigurado itong pakakasalan siya ni Jake? 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon