Ilang buwan na din ang nagdaan. Kung di ako nagkakamali 5 buwan. Nasanay na ako sa mga ingles na salita. I'm a bit used to it now, oha? Ang galing ko noh?! Pero habang tumatagal lalong lumalaki yung nararamdaman ko kay Sir Evo. Pero alam ko naman na bawal. The gap between us was like heaven and earth.
Ngayong araw pala, pupunta kami sa isang theme park. Ewan ko ba kung anong trip ni sir. Last month nga pinapasabay niya na ako lagi kumain sakanya.
"Sunshine!"
"Sir?" Sobrang gwapo niya nung tinawag nya ko. Ang gwapo-gwapo! Ang sarap halikan! Nakakapanggigil!
"Do I look handsome?"
"Kelan po ba hindi?"
"What?"
"Yes. You do look handsome sir!"
"Thank you."
Pumunta na nga kami sa destinasyon namin. Tuwang-tuwa siya kasi first time nya daw makapunta sa ganun.
"Sunshine?"
Nakatitig lang sya sakin habang nasa gitna kami ng ferris wheel.
"Po?"
"I lo------"
*TING TING*
"Sir baba na po tayo."
Nilamig ako nung mga sandaling yun. Hindi ko na talaga makakayanang makasama sya ng matagal pa. Natatakot ako sa pwede kong magawa oras na di na ko nakapagpigil.
Nagpaalam akong magbanyo kay Sir Evo.
"Hija! Pssst! Pssst!"
Tinuro ko naman ang sarili ko sa babaeng mukhang doktor.
"Bakit po?"
"Nararamdaman kong nagmamahal ka pero may pumipigil kaya di mo maamin ang nararamdaman mo." Nagulat ako sa sinabi ni Dra.
"At kaya ka natotorpe sakanya ay dahil sa malateleseryeng estado ng inyong mga buhay." Unti na lang talaga kikilabutan na ako sa mga sinasabi niya.
"Ano po bang dapat kong gawin?"
"Dahil ako si Dra. Lovesieey, una dapat mong malaman na may TORPENDICITIS ka. Sakit na very common but very rare na magamot. Pangalawa, ang pagibig ay pagibig. No matter what the circumstances are it's love. Mahirap? Mayaman? Mataba? Payat? Petite? Buto't balat? May pimples? Tagasquatter? Or whatsoever was not exempted. Pag tinamaan ka boom. Yun na yun, wag mong intindihin ang estado niyo lalo na ang mga taong sinisiraan kayo. Tandaan mo ang taong nagmamahal ay hahamakin ang lahat makuha lang ang dapat makuha! Ahahahaha!" Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan si Dra. pero napaisip din ako sa mga sinabi niya.
"Dra." Magtatanong pa sana ako kaso bigla syang nawala. San na kayo nagpunta si Dra?
"Sunshine!"
"Oh? Sir evo? Bat hingal na hingal po kayo?"
"I thought I lost you."
At bigla nya akong niyakap sa gitna ng maraming tao at sa outfit ko na pangyaya. O_O
"Please, don't leave me my sunshine."
Tanong niyo kung okay lang ako.
(Author: Oh?! Buhay ka pa?)
ASDFGHJKL! GSHAISPQ! HALQPHHD! HAGQPJGGR! QUSPQKBH! BOOM!
"Sir?"
"Sssshhhh. I don't want you to talk."
Hindi ko alam pero napayakap na lang din ako. Yakap ng isang taong tunay na nagmamahal.
Pero bakit ganun? Natatakot, kinakabahan, naguguluhan na 'ko sa kalagayan ko.
"My sunshine." Bulong ni Sir Evo.
Naiiyak ako. Gusto kong umiyak. Gustong-gusto. Hindi ko na makakayanan ang lahat, lahat ng sayang binibigay ni Evo.
"I love you."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi nya. Mahal niya ako. Pero bakit natatakot akong sabihin kung anong nararamdaman ko?
"Evo, mahal na mahal rin kita. Higit pa sa inaakala mo."
*BANG BONG BING BENG BUNG*
"Anak, gising na. Maaga pa ang byahe mo sa Maynila."
Minulat ko ang mga mata ko at kinusot-kusot ito. Si mamang ginigising ako sa isang napakagandang panaginip.
PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT.
-Final.
"Bakit naman ganun doc?"
"You know what, nung kwinento niya sakin yang panaginip niya when I met her here in Manila I was really surprise yun pala God has a plan for her."
"Anong plan po?"
"I don't know too. Pero ang great ng panaginip niya ah. Oh eto case #4."
BINABASA MO ANG
#TORPENDICITIS
RomanceIn-denial? Nahihiyang magtapat? Natatakot sa magiging resulta? Ayaw tanggapin ang sinasabi ng puso? Tagaktak na pawis tuwing nakikita sya? Dumadagundong na heartbeat pag kasama mo sya? INGAT, INGAT. BAKA MAY TORPENDICITIS KA 'NA. -Dra. Lovesi...