"Anak, kumapit ka! Kaya mo 'to. Lumaban ka, para sa-----"
Wala na kong marinig, wala na kong nakikita. Ang alam ko lang ngayon isinugod na ako sa ospital dahil palala na ng palala ang kondisyon ko. Ito na ba ang araw na kinakatakutan ko? Diyos 'ko wag naman po. Ayoko pang iwan ang pamilya ko at si Nikki.
(After 2 weeks)
"Anak?"
"Ma?"
"Gising ka na nga! Anak, maraming salamat kasi lumaban ka. Anak, keep on fighting. Alam kong malalagpasan din natin to."
Niyakap ako ni mama at ako din, nalaman ko din na halos 2 weeks na akong tulog. Kumakalat na daw ang cancer ko sa utak. At ang mas malala pa, 3-5 months na lang daw ang itatagal ko. Miracle na lang daw pag gumaling ako.
Hindi ko halos matanggap ang nangyayari sakin, oo alam kung maysakit ako. Pero 3 to 5 months? Pano pa ako mabubuhay ng masaya sa mga araw na alam akong sa isang iglap lang maaari ng bawiin ng Diyos ang buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tyler?" Pumasok si Dra. Lovesieey siya ang personal 'kong doctor. Sikat at magaling na doctor siya.
"Good morning doc."
"Morning too hijo, ichecheck ko lang ang BP mo and some other things."
Lumapit na agad sakin si Dra. check dito, dyan at doon. Ganto pala talaga pag may sakit. Pakiramdam ko unti-unti na rin akong namamatay.
"Is there something that bothers you?"
"Wala po."
"Pwede kang magsinungaling sakin, pero hindi sa Diyos. Come on tell me tyler, I might help you."
"Dra., natatakot akong mamatay."
"Why?"
"Kasi mamamatay na nga lang ako, hindi ko pa rin kayang sabihin sa taong minamahal ko kung gaano ko siya kamahal."
"You know what, hindi ko ineexpect na torpe ka din pala." Bahagya namang ngumiti si Doc.
"Bakit po?"
"Mukha ka kasing maangas. Medyo bad boy yun pala with good heart tell me more about her."
"She's my bestfriend doc, bestfriend for 10 years. Simula noon mahal ko na siya doc. Mahal na mahal pero, natakot ako magtapat bukod sa likas na sakin ang pagkamahiyain dahil na din sa baka kung anong mangyari sa pagkakaibigan namin. Baka mawala na lang lahat yun. Mawala ang sampung taong iningatan ko. Mas hindi ko ata kakayanin yun Doc."
"You know Tyler, sometimes you have to sacrifice. Kasi hindi mo malalaman ang resulta ng isang bagay pag hindi mo sinubakan, it's all about taking the risk with all your responsibility. Ito kasi ang problem dyan e, pinapangunahan tayo ng takot. Takot sa mga negatibong resulta. Eh paano naman ang mga positibo? Tyler, hindi masamang magmahal kaya dapat wala kang katakutan. Kung masasaktan ka man it's all part of our life. I just want you to take this inyour mind never waste an oppurtunity to tell someone you love them because time flies so fast. Wala nang dapat pang aksiyahing panahon Tyler. Wala na."
Parang nabuksan ang isip ko sa mga sinabi ni Dra, maybe she's right. But what if? Geez. No. Kaya ko 'to.
Pagkaraan din ng tatlong linggo, nirelease na ako ng ospital sa bahay na ako mamamalagi I can go to school pero hindi na madalas.
"Pards! Halos isang buwan ka din nawala ah. Ang sabi ng mama mo pumunta ka daw ng Cebu, emergency daw."
"Ah. Oo. Business kasi."
BINABASA MO ANG
#TORPENDICITIS
RomanceIn-denial? Nahihiyang magtapat? Natatakot sa magiging resulta? Ayaw tanggapin ang sinasabi ng puso? Tagaktak na pawis tuwing nakikita sya? Dumadagundong na heartbeat pag kasama mo sya? INGAT, INGAT. BAKA MAY TORPENDICITIS KA 'NA. -Dra. Lovesi...