#TORPENDICITIS
CASE NO. 5
"Kungako ba siya mamahalin mo?
Ano ba ang meron siya nawalaako?
Kungako ba sya..."
*OFF*
"Ano ba namang radio 'to! Pati ikaw? Pati ikaw nakikisama sa pagluluksa ko? Lintek na buhay naman to oh!"
Nahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame.
"Kungako ba sya? Mamahalin mo?"
Badtrip. LSS na 'ko!
Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa kakanta ko sa kantang yun siguro pati ang pisikal kong katawan ay pagod na din. Pagod ng umintindi, umanawa at magmahal. Nakakapagod.
At ngayon, papasok na naman ako sa eskwelahang halos wala naman akong natutunan. 4th year high school na 'ko pero pakiramdam ko 1st year pa din ako.
Halos isa lang naman ang dahilan ko sa pagpasok sa eskwela yun ay ang makita si-----
"Jasmine!"
Pakiramdam ko nagslow-mo ang paligid ang paglingon niya sa pagtawag ko, ay! talaga namang hindi ko maipaliwanag ang nararamdamam ko. Pakiramdam ko nasa ikatlong langit na ako.
"Uy Ron!" Bigla nya akong tinapik at sa isang iglap bumalik lahat sa realidad.
"Kamusta ka pala?" Ganto naman lagi ang simula ng usapan. Nasa akin na yun kung paano ko pahahabain maliban na lang kung di ako susumpungin ng pagkaTORPE.
"Ayus lang." Ang mga boses niya parang boses ng isang anghel sa kalangitan.
"Ah ganun ba?! Ako din e lalo na nung nakita kita ESTE nung nakita ko si Monique. Alam mo naman. Ang ganda eXD Ha-ha-ha-ha!"
Pinilit kung magpalusot kahit hindi naman swak ang palusot ko. Dibale na at least kahit papaano nalusutan ko.
Siya lang naman ang pinakamamahal ko si Jasmine H. Santiago. Halos lahat na ata ng katangian ng isang ideal na babae na sakanya. Araw-araw din akong nanalangin sa Diyos na sana mainlove si Jasmine sakin kaso hindi e. Ayaw talaga ni Jesus. Kaya tuloy nagkaroon ng sabit. Ang boyfriend ni Jasmine na si---
"Paolo!" Ang bestfriend ko. Tama kayo ng rinig. BEST FRIEND ko.
"Uy pare!" Nagbrofist kami at bumaling naman sya kay Jasmine.
"Hi babe :*"
Bago pa ko madurog, umalis na ako sa harapan nila. Ewan ko ba kung anong nakita ni Jasmine sa kaibigan ko. Basagulero ito, lasenggero, bobo, matapobre, pero kagwapuhan nga lang. TSS! Porket gwapo sasagutin na agad? Bakit!? Gwapo din naman ako ah? Matalino pa, mabait, matiisin, masipag pero mahirap nga lang. T-T
Mukhang wala na nga ata talaga akong pagasa sa puso ni Jasmine. Susuko na lang ba ako?
Kung tutuusin lang, mas nauna akong nagkagusto kay Jasmine. Hindi ko lang sinabi kay Paolo at di lang ako nagtapat kay Jasmine, kasi NATOTORPE AKO! TORPE NA KUNG TORPE! PERO KINGINA! HINDI KO TALAGA KAYA!
Sa tuwing magtatangka akong magtapat, kung hindi may tatawag sa cellphone nya, may tao namang kakausap sa kanya. Tapos pag may ibibigay akong sulat kung hindi sa maling tao napupunta, basurahan naman ang bagsak! Lahat palpak! Noong 2nd year nagtapat ako pero tinawanan niya lang ako at sabay sabing "Ron naman! Alam kung April fools ngayon! Bwisit ka! Pinatawa mo 'ko! HAHAHAHA!"
ANG TANGA KO. APRIL 1 pala kasi nun. Tawang-tawa siya halos umiiyak na nga siya eh. Tinawanan nya lang ang akala niyang JOKE NA FEELINGS ko!
Pero naghintay pa rin ako para sakanya. Kahit palihim lang, dapat ngayong 4th year kami magtatapat na ulit ako. Pero inunahan ako ni Paolo at agad naman siyang sinagot ni Jasmine. Sobra-sobrang panghihinayang, sakit, at lungkot ang naramdaman ko. Kung hindi lang sana ako isang malaking epic fail! Tsk. Tsk. Tsk.
"Pare, nageemo ka na naman?" Tanong ni Paolo habang nakatambay kami sa quarters namin dito sa school.
"Wag ako paolo, iba na lang."
"Tsk! Pare naman. Sama ka mamaya?"
"Saan na naman?" Mamaya dalhin na naman nito ako sa inuman. Hindi pa naman ako umiinom.
"Sa CLOUD 99 club!"
"Ayoko!" Matigas kong sabi.
"Sus, pare wag kang KJ! Para kang bakla e."
"Tang ina naman. Alam kung gwapo ako pero wag kang mainggit, tinawag mo pa kong bakla. Hayop ka talaga."
"HAHAHAHA! Dali na kasi pre, madaming chick dun. Malay mo this time may madali ka na."
"Oo na."
Tutal 8 pm pa naman ang usapan namin. Nagtagal akong magstay sa bahay at nagonline.
Binuksan ko ang ask.fm ko, nagtry akong magtanong kay @Jass ang account ni Jasmine, tutal di niya naman ako makikilala.
Miss, may boyfriend ka na ba?
@Jassanswered:
Yep. Why?
Kasi kung wala pa, available sana ako. :)
@Jassanswered
HAHAHA! Funny. Who are you?
I am your sun in the morning,
Moon in the evening,
And your man in everything.
@Jassanswered
Wow! Ang lakas makaengrishXD
Hayst. If ever na wala kang boyfriend at niligawan kita, do I stand a chance?
@Jassanswered
Well see then. :)
Sige na nga. Aalis pa 'ko.
Good night my princess. Te amo. <3 @Jass answered
Thank you for the time! Mr. EngrishXD Gua ai di<3
/SHUTDOWN/
BINABASA MO ANG
#TORPENDICITIS
RomanceIn-denial? Nahihiyang magtapat? Natatakot sa magiging resulta? Ayaw tanggapin ang sinasabi ng puso? Tagaktak na pawis tuwing nakikita sya? Dumadagundong na heartbeat pag kasama mo sya? INGAT, INGAT. BAKA MAY TORPENDICITIS KA 'NA. -Dra. Lovesi...