11

14 2 0
                                    


#Torpendecitis

CASE NO. 1

(Medyo short storyXD)

TORPE. ADJECTIVE.

TAONG TAKOT IPAHAYAG ANG NARARAMDAMAN.

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magtapat ng nararamdaman ko! Hassle! Kalalaki kong tao pero takot ako. Hindi dahil sa sasabihin ko kundi sa isasagot niya sa nararamdaman ko.

Teka lang ako nga pala si Ian Jake Aldea. Isang simpleng college student na nainlove sa isang napakagandang babae na 'si Andrea. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko sya halos tagaktak ang pawis na nilalabas ng katawan ko. Halos kasing lakas ng busina ng bus ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko talaga alam kung bakit. Ang hirap ng ganito.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko VALENTINES DAY!

Pinangako ko sa sarili ko na aamin na talaga ako. Ito na yun. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.

Sinigurado ko na maayos ang damit ko. Simula sa pagshine ng black shoes hanggang sa nagsisitigasang buhok na dulot ng Bench Fix ko.

Bago ako humarap sakanya humugot na ako ng isang balde na lakas ng loob.

ITO NA YUN.

"Miss?" Tawag ko dun sa babaeng kaibigan ni Andrea.

"Bakit?"

"Si Andrea?"

"Ah. Si andeng. Di pa pumapasok eh. Bakit?"

"May ibibigay lang sana."

Tumango-tango na lang yung babae. Ng biglang--

"Andreaaa! Andyan ka na pala."

BIGLANG BUMILIS AT LUMAKAS ANG TIBOK NG DIBDIB KO.

Tagaktak ang pawis na malagkit. Nagsisikarerahan na ang mga kabayo sa dibdib ko.

"Andeng!! May naghahanap pala sayo."

"Ha? Sino?"

"Siya oh."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang papalpak na naman ata ako! Nasan na ang isang baldeng lakas ng loob na nahugot ko?! NGAYON KITA KAILANGAN!

"Sino po kayo?" Nagulat ako kasi bigla syang nagsalita. May anghel na nagsalita!

"厖�"

Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko umuurong ang aking dila. IAN MAGSALITA KA!!!

"Uhmm. Ian Jake Aldea from Tourism Department."

"Ah. Nice to meet you. Ano palang kailangan mo?"

Naku eto na. Ano bang sasabihin ko?!

"Ahhh. Ano kasi... uhmmmmmm."

Nakangiti lang siya habang nagaabang sa isasagot ko.

"Pwedengbangmanligawkasimaygustoakosayo?"

"HA?"

"Ah. Wala. Sige, una na pala ko." Nagpaalam na ako sakanya. Tss.

#TORPENDICITISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon