dos: 𝐩𝐚𝐤𝐞 𝐤𝐨?

48 3 0
                                    

isa, dalawa, tatlo-
tatlong katagang dati'y sinasabi sayo:
"uy, ano na ganap sa buhay mo?"
"anyare sayo?"
"kwentuhan mo naman ako"
ngunit sa isang iglap, biglang naglaho,
ika'y biglang nagbago,
ano ang gagawin ko?

gusto man sayong sabihin,
'di na maaaring aminin,
na napukaw mo aking damdamin,
at di mo na maaaring alamin,
na ikaw at ako'y aking mithiin,
kasi you left, remember?
napakakapal mo para ako'y paasahin.
yung pake ko nawala na, ngayon mo hanapin

ngayong- nagbalik kang may ngiti sa labi,
ngayong may jowa kang nakatingin sa iyong gawi,
kaya ko namang ibigay sa iyo ang iyong hinihingi,
pero bakit di ako iyong pinili?

saang aspekto ba ako nagkulang?
sa palakihan ba ng bewang?
wala kang taste, sayang
mukha palang, para siyang itotokhang,
samantalang ako, mukhang matapang,
pero di matapang para ika'y ipaglaban,
talo na ako sa labang di ko man pinustahan.

pero nawalan na ako ng pake,
saktong titig lang sa inyong pangitingiti,
sinasabi sa aking sarili,
"magbebreak rin kayo sa huli"






мe, мyѕelғ αɴd poeмѕTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon