ocho: 𝐰𝐚𝐭𝐭𝐩𝐚𝐝

22 3 0
                                    

umiigting ang iyong panga,
lumiliit ang mga mata,
napakalamig ng iyong awra,
myghad! wattpad character ka ba?

di hamak na sikat ang wattpad sa mga dalaga,
lalo na kung si ace, deib, jeydon, ang mga bida
imahinasyon lamang ito pero kami'y umaasa,
na isang lalaking katulad nila ay makikilala

kaya mataas ang standards namin,
walang sino man ay kayang abutin,
dahil sa isang munting mithiin,
na may makitang binata na di kami lolokohin

at ayun ay pinagmasdan kita ginoo,
iyong mukha na napakaguwapo,
hindi ako marupok pero tuluyang nahulog sayo,
sayo na 0% ang pag-asa ko

мe, мyѕelғ αɴd poeмѕTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon