Samantha's POV
"Magbreak na tayo"
"Nakakasawa na to"
"Nakakapagod na to"
"DI NA KITA MAHAL"
Yan ang mga salitang nanatili sa aking isipan. Sa loob ng 5 taon ng pagsasama namin humantong pa sa ganito? Akala ko sya na yung para sakin, ang akala ko kami na hanggang dulo yun pala isang malaking AKALA lang ang lahat. Isang taon naman na ang nakalipas kaya pwede ko naman na sya siguro kalimutan madali nalang naman na siguro yun diba? Kung ako nga ang dali nya lang makalimutan ehh siguro kaya ko din yun. Isang taon naman na ang nakalipas at handa na kong kalimutan ang lahat ng nangyare. Ibang tao na ang makikita nila. Ibang samantha na ang makikita nila.
Habang nagaayos ako sa harap ng salamin ay biglang may nagtext sa akin kasabay ng pagkatok sa pintuan ng aking bahay.
"Sandali lang" At naglakad na ko papunta sa pintuan.
Pagkabukas ko ng pintuan ay may nakita akong isang matangkad na lalake na nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, itim na sapatos at pacross na hikaw na nakatalikod sa harapan ko. Mapapawow ka nalang talaga sa makikita mo.
"Ahhmm excuse me sir mali ata yung pinagkatukan mong bahay" At ng humarap ito shet ang gwapo pero bat nakakunot yung mukha nito habang nakatingin sakin?
"Ahhhmm sir?" pag gising ko sa kanya sa katotohanan baka natulala sa taglay kong ganda hahaha charot.
"Ace Nathan Montefalco" At bigla syang pumasok sa loob ng bahay ko. Like wtf? Trespassing to diba?
"Excuse me sir this is my house can you please get out or I'll call the police" Sabi ko sa kanya habang sinusundan sya.
"Go call them there is a unknown person living in my house" At umupo sya sa sofa.
The f*ck? Pinagsasabi neto?
"Sorry? Your house? Nagbabayad ako ng tama dito tapos aangkinin mo lang?"
"Exactly, Im the owner of this house and if you want to continue your contract here just shut up ok?" Huling sinabi neto bago nya takpan yung mukha nya ng sumbrero habang nakaupo sa upuan.
Natahimik nalang ako sa sinabi nya
"Ms. Del Rosario" Nagulat ako sa nagsalita dahil di ko napansin na may iba pa palang pumasok sa bahay. Pagkatingin ko sa aking likudan ay nakita ko ang may ari ng bahay na pinaguupahan ko na nakangiti sa akin.
"Maam bat sya andito?" Pagbati ko sa kanya.
"Dito muna sya pansamantala tutal ang laki pa naman ng utang mo sa pagrerent dito kaya naisipan kong pagsamahin kayo sa iisang bahay para hindi sayang sa apartment" Sagot nya agad sakin at ako nama'y walang magawa kasi totoo yun. Kung ayaw kong mapalayas ng di oras kailangan ko syang sundin hays.
Oo ang laki ng utang ko sa kanya pero gumagawa naman ako ng paraan para mabayadan yun sa kanya kung tutuusin nga ehh naghahanap ako ng mga racket makabayad lang sa kanya.
*Kinagabihan*
Habang nakahiga ako dito sa kwarto ay may naamoy akong masarap na pagkain kaya dali dali akong lumabas ng kusina at dumiretso agad sa kusina at hulaan nyo kung sino yung nakita kong kumakain..... hays syempre walang iba kundi si nathan lang naman. In fairness ang gwapo padin nya kahit kumakain ahh.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pader at nakatitig sa pagkain nya ng bigla syang napatingin sakin kaya dali dali akong nagtago.
"Come and join me di ko naman mauubos lahat to" Sabi nya.
Pakshet nakakahiya at nakita nya ko taena naman kasi ehh kasalanan ko bang hindi ako nakakain simula kaninang umaga dahil sa kanila hays.
"Wag ka na mahiya bilisan mo na habang mainit pa to" Dugtong pa neto. Well masamang tumanggi sa pagkain kaya naman nakikain na ko and shet ang sarap.
"Balita ko malaki utang mo dito ahh" Pagbasag nya sa katahimikan namin habang kumakain.
"A-ahh o-oo ehh hehehe" Sagot ko pero syempre tuloy padin sa pagkain food is life ako ehh sorry na.
"Pano nangyare yun?" Tanong neto. Hay nako tanong ng tanong ano ba to interview? Hays.
"Wala akong pera pambayad sa rent dito at wala din akong trabaho para makapagipon ng pera buti nalang at mabait yung may ari ng apartment kung hindi ay nako baka sa lansangan na ko natutulog" Sagot ko sa kanya.
"Then why don't you try this?" Sabi nya at pinakita nya yung nessage sa phone nya.
*We would like to invite you to join this game and you will win a 3 Million cash. It's pretty simple the only thing that you need to do is play the game and win the price isn't that wonderful? If your interested just message us in this number 09********* and we will contact you for the place, date and time. Thank you and See you there.*
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Shet totoo ba to? Di ba ko nananaginip?
"Totoo ba to? Pakikurot nga ko" Yan nalang ang nasabi ko sa aking nakita at bigla nalang nyang piniga ang ilong ko. Puta ang sakit.
"Punyeta ka ang sakit" Sabay hawak sa ilong ko dahil sobrang sakit nga.
"Sabi mo kurutin kita ehh" Sabi neto ng natatawa tawa pa.
"At ginawa mo naman punyeta ka" Sabi ko sa kanya ng naluluha luha pa.
"So ano game ka ba o hindi?" Pagiiba neto sa usapan.
"Hindi---" Sabi ko sa kanya.
"Anong hindi? Diba kailangan mo ng pera?" Tanong neto sakin. Hahaha di pa kasi ako tapos ehh.
"Hindi ko pwedeng tanggihan yan. Hindi pa kasi ako tapos hahaha"
At minessage na namin yung binigay na number at nagulat ako kasi nag register din sya.
"Bakit ka nagregister?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang gusto ko lang sumama" Sagot nya.
Ayun sure abno hahaha. Hinihintay nalang namin ang details na ibibigay para sa game na iyon. This is it part nadin siguro ito ng pagbabago ko hahaha LETS GO!!!
BINABASA MO ANG
The Game of Life
Mystery / ThrillerIsang laro na kung saan ay kailangan mo magsakripisyo ng isang importanteng bagay para mailigtas ang minamahal mo, ngunit kung malalagay ka sa sitwasyon na ikaw at ang taong pinakamamahal mo ang magsasakripisyo para magkaroon ng pagkakataon na mabuh...