Chapter 13

5 0 2
                                    

Samantha's POV

Kasalukuyan kaming naghihintay sa kung ano ang unang game na lalaruin namin ng biglang may pumasok na dalawang maids at may dalang pulang envelop, grabe ha isang envelop lang dala kailangan dalawang tao pa magbibitbit? Hahaha joke.

"This envelop contains the game and the goal that you need to achieve" Sabi nung lalake na kanina pa nagsasalita.

"Goodluck everyone" Pagsabi nya nun ay umalis na agad sya kasama ang dalawang maids. Watdahek? yun na yun? Iiwan nalang kami ng ganun ganun lang? Pano yung mga pinagsamahan natin? Yung mga memories na binuo natin? Hahaha char ang drama.

"Ahhmm sino gustong kumuha at magbasa ng envelop?" Tanong ni Leighn habang nakaturo dun sa pulang envelop na nakalapag sa mesa.

"Ako na" Sagot ni Harriet habang nakatingin kay Leighn at nakangiti, Ay wow strong hahaha. Tumayo si Harriet mula sa pagkakaupo sa tabi ni Knight papunta dun sa table kung saan may pulang envelop, kinuha nya ito at humarap sa amin.

"Game na ba kayo?" Masayang tanong nito samin.

"Basahin mo nalang" Sagot ni Knight.

"HMPH OK" Nakangusong sagot nito, arte ka ghorl hahaha.

"Win the game and get a new life" Pagkatapos basahin ni Harriet ang laman ng envelop ay biglang bumukas ang isang pulang pinto na nasa harapan namin.

"Astig" Masayang sabi ni John.

"Wow" Sabay na sabi nila Leigh and Harriet.

"Tara na" Masayang pagaya ni Levi samin. Wow ahh energetic si kuya mo hahaha.

Sabay sabay na kaming pumasok at bumungad samin ang isang puting room na may mga kulay puting mga gamit, wala kang ibang kulay na makikita dito kundi puro puti at isang malaking cage na kulay itim na nakalagay sa dulo ng room.

"Anong meron dito?" Tanong ni Ace. Tatanong ka pa obvious naman na puting kwarto to hahaha joke.

"Tatanong tanong ka pa jan ehh pare parehas lang tayong kakapasok lang dito edi syempre wala din kaming alam" Sagot ko sa kanya pano ba naman kasi ang bobo ng tanong kaya nilibot ko nalang ng tingin ang bawat sulok ng kwarto at maya maya pa ay may nakakuha ng attention ko mula sa lamesa.

"Maghanap muna tayo ng clues kung ano meron dito" Levi

"Great idea, let's go guys galaw galaw" Utos ni Harriet. Tignan mo tong lintang to galaw galaw daw ehh sya tong nakakapit lang kay Knight. Binalikan ko ng tingin yung frame na nakakuha ng attention ko.

"What di ko mabasa" Bulong ko sa sarili ko.

"Ang alin"

"Ay puke mo!"

"Wala ako nun HAHAHAH"

"TSE LUMAYO KA SAKIN NANDIDILIM PANINGIN KO SAYO!" Napakabwisit bumulong daw ba bigla sa tenga ko. Binalikan ko ng tingin yung frame na nasa mesa at napansin kong may nakasulat dito *F.nd.......* ha? Di ko mabasa. Lalapit na sana ako dun sa table ng may madinig akong gumalabog at tumili kaya naman napalingot na agad ako dun.

"WHAAAAAAA!" Tili ng isang babae na nakabagsak sa lapag. Wait si Leigh yun ahh kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya at kada lapit ko ay mas nagiging malinaw kung anong nangyare sa kanya. Lumusot ang isang paa nya sa butas na hugis box.

"Ano nangyare?" Tanong ko sa kanila pagkalapit ko.

"Wala naman baka tatanga tanga lang yang kapatid ko at di nya napansing may butas dun kaya ayun nahulog hahaha" Leighn.

"Hindi walang butas dito kanina" Sagot ni Leigh habang binubuhat sya patayo ni John at Thad.

"Ha? Ehh pano ka nalusot jan? Imposible namang bigla ka nalang kinain nyang lapag" Harriet.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon