Thaddeus POV
Nandito nga kami sa mall ng nagkawatak watak kaming magkakaibigan. Hays san ba kasi nagpunta yun si Knight? Kanina pa ko lakad ng lakad dito di ko malaman kung saan lumusot yung kumag na yun atsaka san na din kaya napunta si Harriet? Sana ok lang sya. Hays kasalanan tong lahat ni
"Knight" Pagtawag ko sa pangalan nya ng mahagilap sya ng aking mga mata na nakatayo sa harap ng isang stall.
"Anong tinitignan mo jan? " Pagtatanong ko habang papalapit sa kanya.
"Ito" Sagot nito sabay turo sa kotse na nasa harapan nya.
"Kaya mo bang bilhin yan? " Tanong ko sa kanya.
Umiling nalang sya at naglakad papalayo bilang sagot sa tanong ko. Hays gusto ko sana syang tulungan kaso wala din akong ganun kalaking pera na maipapahiram sa kanya.
Habang naglalakad ay nakita namin si harriet na gulat na gulat.
"Harriet" Pagtawag ko sa kanya at agad naman syang lumingon at tumakbo papunta samin.
"Knight san ka galing? " Pagtatanong nito. Tss.
"Doon tumitingin ng kotse" Sagot ko sa kanya kasi alam kong hindi sasagot si knight.
"Bat ka pala gulat na gulat kanina?" Tanong ko.
"Ahh eto ohh" May binigay syang papel at agad ko itong kinuha.
*We would like to invite you to join this game and you will win a 3 Million cash. It's pretty simple the only thing that you need to do is play the game and win the price isn't that wonderful? If your interested just message us in this number 09********* and we will contact you for the place, date and time. Thank you and See you there.*
"Wtf!?" Napasigaw ako ng malakas na dahilan para magulat ang dalawa.
"Hehehe tignan mo to Knight baka eto na yung sagot para makuha yung kotse na gusto mo" At binigay ko sa kanya ang papel at halata sa mga mukha nya ang pagtataka.
Nagulat ako kasi bigla itong tumingin sakin at ngumiti. First time ko syang makita ngumiti kaya nakakagulat lang.
"Game ako dito sama ba kayo? " Sagot nito ng nakangiti.
"Sige game ako" Agad na sagot ni Harriet habang nakangit at nakatitig kay Knight. Tsk bilis ahh.
"Ikaw ba Thad sasama o hindi? " Biglang tanong nito sakin na walang ekspresyon. Tignan mo to galit padin hahaha.
"Hindi" Sagot ko dito at sabay talikod.
"Apaka wala mo talagang kwenta bwisit!" Sagot nito. Hahaha pikod talaga.
"Hindi pwedeng hindi ako sumama HAHAHAHA" At pinisil ko pisnge ni Harriet habang tumatawa. Etong babaeng to bat kasi hindi nalang ako hays.
"Bwisit ka!" Galit nitong sagot sakin habang hinahampas ako.
"Tara na" Sabi ni Knight, Hahahah atat si loko.
"Letsgow!!!!" Sabay na sigaw namin ni Harrieth.
At minessage na namin ang number na binigay sa papel at naghihintay nalang kami sa susunod na mangyayare. Hehehe sana naman kami makakuha ng prize.
BINABASA MO ANG
The Game of Life
Mystery / ThrillerIsang laro na kung saan ay kailangan mo magsakripisyo ng isang importanteng bagay para mailigtas ang minamahal mo, ngunit kung malalagay ka sa sitwasyon na ikaw at ang taong pinakamamahal mo ang magsasakripisyo para magkaroon ng pagkakataon na mabuh...