Chapter 6

5 0 0
                                    

Harriet's POV

Nandito kami ngayon sa game club ng mga tropa ko and guess what? Syempre nakatanga lang ako dito habang pinapanood tong mga mokong na to maglaro.

"Matagal pa ba yan? " Tanong ko sa dalawa. Pano naman kasi kanina pa kaming umaga dito, kung hindi ba naman mga adik ehh hays.

"Saglit nalang to" Sagot ni Thaddeus habang nakikipaglaro kay Knight.

Habang naghihintay sa dalawa ay napatingin ako kay Knight na pawis na pawis dahil sa paglalaro nila kaya naman lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang mukha nya na naging dahilan para mapatingin sya sakin at upang matalo sya ni Thad sa kanilang laro.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at nagpaalam na akong magccr lang hehehe.

"Ahhmm cr lang ako laro muna kayo jan" At nagmadali na akong pumunta sa cr. Wala na akong maisip na ibang dahilan kaya ayun nalang.

Pagdating sa cr ay naghilamos agad ako at kinausap ang sarili sa salamin.

"Hays Harriet kalma di ka gusto ng tao kaya kalma ok? Breathe in, Breathe out" Huminga ako ng malalim at lumabas na ng cr.

Pagkalabas ko ng cr akala mo may dalawang guard na naghihintay sakin ehh hahaha

"Hoy mga panget" Tawag ko sa dalawa na sabay naman sila tumingin hahaha wow synchronized nagpractice tong mga to hahahaa.

"Ok ka lang? " Tanong agad sakin ni Thad ng makalapit ako sa kanila.

"Ha? Oo naman bat mo natanong? " Pagtataka ko habang naglalakad kaming tatlo.

"Sigurado ka ha? " Tanong nya ulit sakin.

"Oo nga bat mo ba kasi tinatanong? " Iritang sagot ko sa kanya.

"Ay wow ha concern lang sayo yung tao tas ikaw pa yung galit" Inis nyang sagot.

"Hahahaha sorry naman bat mo ba kasi tinatanong?"

"Malamang namumula ka kaya kanina" Inis padin nyang sagot sakin kaya naman napatingin ulit ako kay Knight na wala pading pake sa nangyayare sa paligid nya.

Ilang minuto na kaming naglalakad ng napansin ko na wala na sa gilid namin si Knight.

"Ahhmm Thad? " Pagtawag ko kay Thad na kasama ko maglakad.

"Ano yun? " Inis padin netong sagot. Hahaha inis padin sakin amp.

"San si Knight? " Tanong ko sa kanya kaya naman napatingin sya sa paligid.

"Hindi ko alam, hayaan mo yun nanjan lang yun matanda na yun kaya na nya sarili nya" Sagot nito sakin. Apaka walang kwentang kaibigan neto hahaha.

"Hanapin kaya natin? "

"Wag na kaya na nya sarili nya"

"Bwisit ka talaga, tara na, dun ako maghahanap ikaw sa kabilang side ok?" Hindi ko na nadinig sagot nya kasi umalis kaagad ako para hanapin ang bebelabs ko I mean si Knight.

Habang tumatakbo ako ay may nabangga akong lalake at nalalaglag ang lahat ng papeles na dala dala nya.

"Sorry po" Paghingi ko ng tawad sa lalaking nabangga ko at agad ko syang tinulungan sa pagtayo at pagdampot sa mga papeles na nalaglag nya.

"Sorry po talaga di ko po sinasadya" Paghingi ko ng tawad sa lalaking nabangga ko.

"Ayos lang" Sagot neto ng nakangiti at sabay may inabot saking puting sobre.  Ano kaya laman neto?

"Para saan po ito? " Tanong ko sa lalaking nabangga ko ngunit nung pagbalik ng tingin ko sa kanya ay wala na ito sa kanyang kinakatayuan.

"Weird" Eto nalang ang salita na lumabas sa aking bibig.

Habang naglalakad ay binuksan ko ang sobre na inabot sa aking ng matanda. Pagkabukas ko ng sobre, nanlaki bigla ang aking mga mata dahil sa kung ano ang laman ng sobre.

"WTF? Seryoso ba to? " Ito nalang ang mga salitang lumabas sa aking bibig pagkatapos makita kung ano ang nilalaman ng sobre na binigay ng matanda na sakto ding dating ng dalawang abnormal kong kaibigan.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon