Chapter 11

5 0 0
                                    

Knight's POV

Pagkatapos ko ipakita kay Harriet yung susi ay dumiretso na agad ako sa gate kasi sa totoo lang naiinis na ko sa babaeng yun.

Pagpasok ko sa gate ay may bumulaga saking isang pulang pinto kaya sinubukan kong gamitin yung susi na nakuha ko.

Pagkabukas ng pinto ay isang malaking kwarto ang bumungad sa akin, meron itong sariling cr, at meron din itong dalawang malaki na kama na kulay itim. Sino naman kaya magiging roommate ko? Hays kahit sino nalang basta wag si Harriet. Umupo ako sa kama habang naghihintay kung sino yung magiging kasama ko dito sa kwarto.

Makalipas ang tatlong minuto ay nadinig kong bumukas ang pinto kaya naman sinilip ko kung sino yun. Please sana naman matino to. Pagkakita ko sa pinto ay inilabas nito si Leigh.

"H-hi..." Bungad nito pagkapasok ng pinto kaya naman tinanguan ko sya. Mukha namang matino to pansin ko din kanina pa sya tahimik.

"Dun ka sa right na kama ako na dito sa left side" Sabi ko sa kanya na agad naman nitong sinunod. Good yan mukhang magkakasundo kami nito.

Nakalipas ang ilang minuto at nanatiling tahimik ang paligid kaya naman tinignan ko sya dun sa pwesto nya kanina at napansin ko na parang di sya mapakali.

"Leigh" Pagtawag ko sa kanya na agad naman nyang nilingon.

"Yes?" Sagot nito.

"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya

"A-ahh ok lang ako sorry" Sagot nito.

"Wag ka magalala sigurado akong makikita mo din yung kambal mo" Sabi ko sa kanya kasi alam kong mas komportable sya pag kasama nya yung kambal nya.

"Yes yes thank you ok lang ako promise" At sabay ngiti nito.

"Kung gusto mo makikipag palit ako ng room sa kambal mo para mas maging komportable ka"

"H-ha? Ok lang talaga ako promise ganito lang talaga ako sa una hahaha"

"Hmm ok ikaw bahala" Yan nalang sinagot ko.

Nanatili paring tahimik ang loob ng kwarto, tila wala kang madidinig na kung ano kundi ang ugong na nagmumula sa aircon ng kwarto kaya naman mas pinili ko nalang matulog, kanina pa kaya kaming umaga dito napagod din ako syempre, hayaan ko munang ipahinga yung katawan ko sa malambot na kama na to hehehe. Bye muna everyone at ako'y matutulog lamang hahahaha.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pagkagising ko ay mukha agad ni Leigh ang bumungad sakin kaya naman nagulat ako na naging dahilan para sumigaw sya.

"WHAAAAAAAAAA!!!!" Sigaw nya.

"S-sorry pero mali yung nasa isip mo g-gigisingin dapat kita kaso bigla ka na nagising kaya ganun" Halata sa tono nito ang pagkahiya. Cute.

"Ahh ok lang, bat mo pala ako gigisingin?" Tanong ko sa kanya.

"May kumatok kanina at pinapapunta tayo sa lobby nitong building may paguusapan daw" Agad na sagot nito.

Pagtapos nyang sagutin yung tanong ko ay agad syang nagayos ng sarili at naglakad papunta sa labas ng kwarto kaya naman tumayo na din ako at nagayos ng sarili para pumunta dun sa lobby na sinasabi ni Leigh.

"Tara na" Sabi ko kay Leigh na naghihintay sa labas ng pinto at tumango ito bilang sagot sakin.

Ano kaya meron dun sa lobby?

Ano kaya yung paguusapan na sinasabi ni Leigh?

At kelan magsisimula tong game na to?

Yan ang mga tanong na pumasok sa aking isipan habang naglalakad papunta sa lobby na sinasabi ni Leigh.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon