Chapter 12

7 0 6
                                    

Leighn's POV

Nagkahiwa hiwalay na kaming lahat dahil sa mga susi na kinuha namin at ang aking kasama ay si....

"Yo" Bungad nya sakin habang nakatayo sa pader.

Charan walang iba kundi si Ace hahaha.

"Yo" Sagot ko sa kanya at nilibot ko na ng tingin yung room namin at napansin ko ding tatlo yung kama howemji threesome char hahaha. Sino pa kaya yung isa naming makakasama sana masarap hahaha char lang ulit.

Habang iniisip ko kung sino yung makakasama namin ay umupo na ako dun sa kama malapit sa bintana, dito na ko pumwesto ganda ng view ehh hahaha. Habang inienjoy ko yung view ay nadinig kong bumukas yung pinto kaya naman napatingin ako doon at hulaan nyo kung sino ang niluwa ng mahiwagang pinto hahaha. Eto na sya dugudugudugug hahahaha.

"Hi" Bungad nung pumasok hahaha. Ang kanyang pangalan ay......

"Sino ka ulit?" Tanong ni Ace.

"Ako si Harriet" Charan sya si Harriet ang maswerteng taong nakatanggap/nakakuha ng isang magandang kwarto na may magandang kama at masasarap na roommates HAHAHAHAHA.

"Ahh pili ka na saan mo gusto pumwesto" Sabi ni Ace. Sige pili ka lang jan 1,500 isa char hahahaa.

Habang pumipili si Harriet ng kama na paghihigaan nya ay huminto ang tingin nya sa pwesto ko at sabay ngiti. Luh creepy nito ahh hahaha.

"Gusto ko sa pwesto na yun" Sabay turo sa pwesto ko. Aba may saltik ka ghorl?

"Ha? Di mo ba nakikitang ako na nakapwesto dito may dalawang kama pa jan ohh tas dito pa sa pwesto ko? Sana ok ka lang no" Sagot ko sa kanya. Ano ka chix?

"Yes may dalawa pang kama dito pero gusto ko jan sa pwesto mo" Sagot nito habang naglalakad papunta sakin.

"Ano bang pinagkaiba nitong nga higaan ehh pare parehas lang naman na kama yan" Sagot ko sa kanya.

"It's simple...." Sagot nito sakin at binagsak nya yung bag nya sa kamang pinagkakaupuan ko.

"Maganda yung view sa part na to and dito nakafocus yung aircon" Dugtong nya.

"Leighn hayaan mo na dun ka nalang sa kabilang side" Pag awat samin ni Ace kaya sinunod ko nalang. Hay nako pasalamat sya at mas maganda ako sa kanya kaya ako na magpaparaya hahaha char.

Lumipat ako sa kabilang side at si Ace ang pumagitna saming dalawa. Napatingin naman ako sa kabilang side at nakita ko si Harriet na nagmemake up kala mo naman talaga kinaganda nya yun ehh mas maganda pa si Leigh sa kanya HAHAHAHA.

"Pfft~" Pagpipigil ko ng tawa ko at napansin kong sinamaan nya ako ng tingin.

"Ohh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tinatawa tawa mo jan?" Tanong nito sakin at halata sa tono nya ang pagkainis hahahaha.

"Bakit masama bang tumawa pfft" Sagot ko sa kanya.

"Yes lalo na kung walang dahilan" Sagot nito.

"Wopx sorry may dahilan ako kung bat ako natatawa hahaha" Pang aasar ko sa kanya.

"Ano nga yung dahilan bat ka tumatawa!" Sigaw nya sakin. Wopx nagagalit na ang bruha hahaha.

"Bat ko sasabihin sayo sino ka ba?" Sagot ko sa kanya hahaha.

"Ako lang naman si Harriet Reece ang soon to be jowa ni Knight" Soon to be jowa? Hahaha

"Ahhh pake ko hahaha" Sagot ko sa kanya na nagdahilan para matawa si Ace na lalong ikinabwisit ni Harriet.

The Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon