Levi's POV
Kakarating lang namin dito sa location na binigay dun sa message at naisipan namin ng kapatid ko na ikutin muna ang lugar dahil hindi pa naman nakabukas yung gate. Habang naglalakad kami ay bigla akong hinampas ni John.
"P*ta masakit ha!" Sigaw ko sa kanya.
"Hahahaha sorry naman" Tignan mo tong g*gong to tatawa tawa pa.
"Ano ba yun? " Inis kong tanong sa kanya.
"Tignan mo yun ohh" Sabay turo nya sa direksyon kung saan may mga grupo ng tao na nakaupo at may kumakaway na babae samin.
"Kuya lapitan ba natin? " Tanong nito sakin habang nakangiti at kumakaway dun sa babaeng maganda. Hays tong batang to talaga sarap sapakin ng matauhan.
"Ikaw bahala pero----" Di ko man lang natapos yung sinasabi ko dahil si g*go nagmamadaling pumunta dun sa grupo kaya naman kinaltukan ko sya.
"Aray ha, ano ba yun?" Tanong nito sakin.
"Wala t*ngina mo kako" Inis kong sagot sa kanya at pumunta na dun sa grupo.
"Hi" Bungad sakin nung babaeng kumakaway kanina. Mas maganda pala sya sa malapitan.
"Hello John Sebastian nga pala" Sabay abot neto dun sa kamay nung babae. Tignan mo talaga tong batang to napakababaero hays.
"Levi Lefebvre kuya ko" Duktong pa nito. Wala nalang akong masabi sya na din nagpakilala sakin ehh kaya umupo nalang ako sa sa isang bench kasama nila.
"Ohh sorry I forgot, I'm Leighn Geovanna and this is Leigh my twin" Turo nya sa katabi nya. Kaya pala magkahawig sila.
"This is ate Samantha and kuya Ace" Turo nya dun sa dalawang magkatabi.
"And the three of them ahhmm---I forgot their names sorry" Sabay kamot neto sa ulo nya. Hahaha cute.
"Im Harriet" Sagot nung isang babae.
"Thaddeus" Turo nya dun sa lalakeng nasa right side nya.
"Thad nalang for short" Sagot nung lalake
"And this is Knight" Dugtong pa nya habang nakahawak sa balikat nung naka left side nya.
"Bitawan mo nga ako mainit" Sagot nung Knight at sabay tanggal sa pagkakakapit ni Harriet.
"Magkapatid kayo?" Tanong sakin ni Leighn.
"Oo" Sagot ni John sa kanya. Ngiting aso si g*go ehh hahaha.
"Ahh ehh bat magkaiba kayo ng surname?" Tanong nito saming dalawa na nakakuha naman ng attention ng lahat.
"Magkapatid kami sa nanay" Sagot ni John.
"Ahh" Sagot nito.
"Sorry" Mahinang pagkakasabi nito pero nadinig ko yun.
"Ahhmm ano palang dahilan nyo at pinasok nyo tong game na to?" Tanong nung Samantha.
"Pumasok kami dito kasi gusto namin mabili yung gustong sasakyan ni Knight" Sagot nung Harriet.
"Kami naman ni Leigh ahhm nagparticipate kami dito kasi gusto naming matulungan sila Mom and Dad mabawi yung mga nawala samin" Sagot ni Leighn. Bakas sa mga mata nito yung lungkot at nakita kong niyakap ni John si Leighn. P*ta talaga tong batang to hahahaa.
"Kami naman ni John sumali kami dito kasi gusto naming masuklian sila tita sa pagtulong nila samin" Sagot ko.
"Bakit asan parents nyo at sila tita nyo ang gumagastos?" Tanong nung Harriet.
"Matagal na silang wala" Sagot ko sa kanya.
"Wopx" Ang tanging nasabi ni Harriet.
At natahimik na ang paligid.
"Ahem ako naman" Pagbasag ni Samantha sa katahimikan.
"Sumali ako dito kasi wala lang trip ko lang hahahaha" Sagot nito na nagdahilan para matawa yung lalakeng nasa tabi nya.
"Ano na naman ba? " Inis na tanong nito.
"Yun ba talaga dahilan?" Tanong nung lalake habang natatawa.
"Oo wag ka maingay kung ayaw mong masira yang gwapo mong mukha" Inis na sagot nito habang patuloy padin sa pagtawa yung lalake.
Napatingin ako kay Leighn at pansin ko pading malungkot sya.
"Leighn?" Tawag ko sa kanya kaya napatingin din si John sa kanya.
"Yes?" Tanong nito sakin.
"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Yup ok lang ako hahaha" Sagot nito at nakita kong hinimas ni John ang ulo ni Leighn habang nakangiti kaya napangiti nalang din si Leighn kaya binatukan ko si John hahaha.
"Aray bakit?" Tanong nito sakin.
"Magjowa ba kayo at ganyan ka umasta?" Tanong ko sa kanya ng mahina.
"Hindi bakit ba?" Sagot nito sakin. Aba g*go to ahh.
"Ano lang? Gusto mo?" Mahina ko pading tanong.
"Oo" Agad na sagot nito.
"Gusto ka ba?" Pang asar kong tanong hahahaha.
"Hindi pero...." Sagot nito ng nakangiti.
"Pero ano? " Tanong ko sa kanya.
"Pero malalaman natin yan sa susunod na araw hahaha" Tignan mo talaga napakalokong nilalang hay nako.
Habang naguusap kami dito ay may biglang lumapit saming babae.
Sino kaya tong bagong dating?
Bat ang formal ng suot nya?
Kasali din ba sya sa mga maglalaro?
Yan nalang yung mga tanong na pumasok sa aking isipan habang hinihintay naming lahat na magsalita yung babaeng dumating.
BINABASA MO ANG
The Game of Life
Mystery / ThrillerIsang laro na kung saan ay kailangan mo magsakripisyo ng isang importanteng bagay para mailigtas ang minamahal mo, ngunit kung malalagay ka sa sitwasyon na ikaw at ang taong pinakamamahal mo ang magsasakripisyo para magkaroon ng pagkakataon na mabuh...