PAGKATAPOS ng maikling meeting ay dumeretso na si Sandy sa bahay nila. Nagpaiwan pa ang Papa niya sa mansiyon para personal na kausapin ang Tito niya. Hindi siya sigurado kung magagawa niya nang tama lahat ng trabaho niya dahil iyon ang unang pagkakataong sasabak siya sa ganoong trabaho.
Lalo siyang kinabahan nang ma-realize na si Kean ang papalit na presidente at siya ang secretary nito. Kung ganoong mailap pa rin ito sa kanya, paano siya makikipag-cooperate rito?
Bahala na. Hindi siya uobra sa akin.
Na-miss niya ang dati niyang kuwarto. Doon sa bahay na iyon siya lumaki at nakabuo ng maraming magagandang alaala. Pagkatapos maiayos ang mga gamit niya ay sumama siya sa Papa niya sa bayan para mamalengke. Simula noong namatay ang Mama niya ay siya na ang nagluluto para sa Papa niya. Bumili na siya ng stock na pang-isang linggo. Pareho sila ng Papa niya na magtatrabaho sa Del Mundo Group of Companies kaya malamang sa gabi lang sila magkakasama sa bahay. Sa awa ng Diyos, malakas pa ang Papa niya at wala pa namang iniindang karamdaman. Wala itong bisyo kahit alak. Mahilig ito sa organic food at napapanatili nito ang ganda ng katawan sa pamamagitan ng regular exercise. Malayong-malayo ito sa Mama niya. Mahilig sa alak ang Mama niya at paborito ang mga karne. Bihira din kumakain ng gulay.
May isang araw pang pahinga si Sandy bago sasabak sa trabaho. Nilubos niya ang pagkakataong makapasyal sa magagandang pasilidad ng lupain. Kinabukasan ng umaga ay nagtungo siya sa rest house na eksklusibo lamang para sa pamilya nila. Nakatirik ang bahay malapit sa ilog. Naliligiran ito ng malalagong halaman na namumulaklak. Bawat bahagi ng lugar ay kinukuhaan niya ng litrato.
Pagdating niya sa likod ng bahay kung saan ang ilog ay huminto siya sa paghakbang nang mamataan niya si Kean na nakatayo sa lilim ng punong mangga habang nakatanaw sa umaagos na tubig.
Bumuntong-hininga siya. Nang makahugot ng lakas ng loob ay dahandahan siyang humakbang palapit sa binata. Hindi man lang nito pinansin ang presensiya niya. Huminto siya may isang dipa ang layo rito. Ang laki ng pinagbago ni Kean. Tumangkad ito lalo at naging makisig. Lalong pumuti at kuminis ang balat nito.
"Kumusta ka na, Kean? In-add kita sa Facebook at Instagram pero hindi mo ako ina-accept. Bihira ko nakitang nag-on-line ka. Ganoon ka ba ka-busy? Magkuwento ka naman sa akin tungkol sa karanasan mo sa London. Maganda ba doon?" masiglang sabi niya.
Hindi pa rin kumikibo ang binata. Halatang malayo ang iniisip nito.
"Alam mo, ang daming nangyari mula noong umalis ka. Namatay si Mama. Akala ko noon pupunta ka rin ng Tokyo. Doon na kasi siya nailibing. Kahit si Marc hindi na nakapunta. Late na kasi niyang nalaman dahil busy siya. Ang parents mo lang ang dumating. Alam mo bang tinupad ko ang pangarap ko na maging mahusay sa larangan ng pagluluto? Dalawang taon akong nagtuturo sa isang culinary school sa Tokyo. Plano ko nga sana na magbukas ng sarili kong restaurant pero ayaw ni Papa. Nag-aral ako ulit ng secretarial management. Hindi na sana ako uuwi rito kaya lang nakiusap ang Daddy mo na kailangan niya ng tulong para sa kumpanya ninyo. Kaya nagdesisyon si Papa na bumalik kami rito. Nagustuhan ko kasi ang environment sa Tokyo. Parang ang gaan ng buhay. Alam mo, tama ka, independent ang mga Hapon at matatapang. Ikaw, anong magandang obserbasyon mo sa London? Balita ko active ka sa sports. Congrats pala sa pagkapanalo mo sa motorcross. Bakit hindi ka nag-a-update sa Facebook at Instagram? Wala tuloy akong makulang impormasyon tungkol sa araw-araw mong buhay. Pasensiya ka na kung nag-stalk ako sa Facebook mo. Wala rin namang masyadong detalye, eh," walang prenong satsat niya.
"Ayos lang," tipid nitong sabi.
Biglang bumigat ang mga balikat niya. Sa dami nang mga sinabi niya, iyon lang ang nai-ambag nitong salita. Hindi siya nakatiis, hinarap niya ito.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo? (Complete)
RomanceA short story romance Teaser FIRST love kung maituturing ni Sandy si Kean, na pamangkin ng kinalakihan niyang magulang. Halos sabay silang lumaki ngunit sa paglipas ng panahon, napansin niya ang unti-unting pagbabago ni Kean. Lumalayo ito sa kanya n...