Chapter Ten (The Finale)

1.1K 56 2
                                    


ISANG linggo nang hindi pumapasok si Sandy sa opisina. Hindi pa siya handang magpakita sa mga tao habang halatang depressed siya at may pinagdadaanan. Hindi rin siya lumalabas ng bahay. Nanonood lamang siya ng cooking show sa Youtube at nagbabasa ng mga status ng Facebook friends niya.

Kinagabihan ay nagluto siya ng hapunan. Nasa kusina siya nang marinig niya ang door bell. In-off muna niya ang kalan saka tumakbo sa main door. Nasurpresa siya nang mabungaran niya si Marc suot ang itim na suit.

"Alam kong ayaw mong makakita ng ibang tao pero kailangan kitang puntahan dahil kung hindi, baka maging alien ka na sa kakamukmok dito," biro nito.

Pinapasok niya ito. "Ano'ng kailangan mo?" seryosong tanong niya.

"Sorry kung nakasama sa 'yo ang pagreto ko kay Joseph. Napag-utusan lang ako ni Tito Terio. Inaamin ko rin na ginusto ko kayong ipaghiwalay ni Kean. Puwede mo akong suntukin o sampalin kung may galit ka sa akin," anito.

"Huwag mo akong piliting tumawa. Daddy mo ang nag-utos sa 'yo, 'di ba?" sabi niya.

Tumawa ng pagak si Marc. "Yes, my Dad, but I'm comfortable to call him uncle. So, how are you?" Lumuklok sa sofa si Marc.

Umupo naman siya sa katapat nitong sofa. "Malapit na akong masiraan ng bait," sagot niya.

"Huwag naman. Sorry na. Patawarin mo kami ni Tito. Desidido na kasi siyang pigilan kayo ni Kean."

"At nagtagumpay kayo."

"Talaga? Huwag ako ang lokohin mo, Sandy. Alam ko hindi mo basta mapapakawalan si Kean. Hindi biro ang nararamdaman ninyo para sa isa't-isa. Mahirap kalaban ang true love na nagsimulang nabuo during teenage. Almost ten years are not a joke, para sukatin at sabihing sapat para mabura ang feelings ninyo. Bihira ang mga taong nakakagawa niyon."

"Hindi ko hinu-honor ang sinasabi mo, Marc. Ang totoo, hindi nag-exist ang true love na sinasabi mo. Never naging kami ni Kean," giit niya.

"Hindi lang kayo nabigyan ng pagkakataon, o sadyang mayroong ayaw kayong ipagsama. Pero mukhang hindi basta mababalewala ni Kean ang pinaghirapan niya. Lalo siyang tumapang at naging matigas."

"Hindi ako naniniwala."

"Iyan ang isang dahilan kung bakit hindi naging kayo. Wala kayong tiwala sa isa't-isa, na kaya ninyong manindigan. Mukhang kailangan pa ninyong matutunan ang high level ng maturity para maging maligaya kayo pareho."

Naiinis siya pero tama si Marc. Pero kahit naman manindigan sila ni Kean, mayroon pa ring balakid. Ang reputasyong iniingatan ng pamilya nila.

"Sa palagay mo ba, kaya akong ipaglaban ni Kean?" tanong niya kay Marc.

"He almost did, Sandy. Ikaw lang ang walang tiwala sa kanya. Hindi mo pinapansin ang effort ni Kean. Nasaan ka ba noong lumalaban siya?"

Natigilan siya. Nang maalala niya ang niluluto niya ay iniwan niya si Marc. Habang naghahalo siya ng adobong manok sa kawali ay maraming ideya ang pumapasok sa isip niya. Hanggang sa nabuhayan siya ng pag-asa at lakas ng loob.

PANSAMANTALA ay si Kean ang gumagawa ng mga trabaho ni Sandy. Mukhang wala pa ring balak magtrabaho ang dalaga. Halos isang linggo na itong hindi nagpapakita sa kanila. Hindi na rin siya komportable. Halos gabi-gabi na silang nag-aaway ng Daddy niya dahil sa pag-uwi niya na lasing. Iyon lang kasi ang paraang alam niya para maiwasan niya ang depresyon. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi puwedeng umasa na lang siya sa alak.

Nang maayos niya ang papeles na papapirmahan sa Daddy niya ay dinala na niya ang mga iyon sa tanggapan nito. May kausap pa sa cellphone ang Daddy niya nang datnan niya. Inilapag niya sa mesa ang papeles. Hinintay niya itong matapos sa kausap nito. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.

Bakit Hindi Naging Tayo? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon