Chapter Five

632 31 4
                                    

ALAS-NUWEBE na ng gabi nakauwi sa Tagaytay si Sandy. Mabuti na lang naayos ni Marc ang kotse niya. Bumalik din ng Maynila si Marc matapos maayos ang kotse niya. Sinadya talaga niyong tumakas sa taping ng iniendorsiyo nitong produkto para lang matulungan siya. Naisip niya, mabuti pa si Marc, kahit busy ito ay pinuntahan pa rin siya. Hindi katulad ni Kean na ilang beses niyang pinadalhan ng mensahe pero dedma pa rin. Pero aminado siyang nasasaktan siya sa pagbalewala sa kanya ni Kean. Ito talaga ang inaasahan niya na tutulong sa kanya.

Tinamad na siyang magluto. Nagbukas na lamang siya ng nakalatang sausage at iyon ang kanyang ulam. Inaantok na kasi siya.

Kinabukasan ay late nang nakarating sa opisina si Sandy dahil nagluto pa siya ng babaunin niyang ulam at baon ng Papa niya. Hinatid pa niya sa factory ang Papa niya kaya natagalan siya. Pagpasok niya sa opisina niya ay may nakita siyang isang perasong papel na may sulat-kamay. Binasa niya iyon.

Narito ako sa factory ng tsokolate. Pumunta ka rito pagkatapos mong mag-lunch.

The president

Bumuntong-hininga siya. Sinimulan na lamang niya ang kanyang trabaho. Nahiya siya bigla. Mas nauna pang pumasok ang presidente kaysa kanya. Naalala niya. Tuwing Biyernes at Sabado pala ang survey nila sa mga factory ng Del Mundo.

Pagkatapos ng tanghalian ay bumiyahe si Sandy patungong factory ng tsokolate. Katabi lang iyon ng pagawaan ng alak. Malawak ang pagawaan ng tsokolate at sa bungad pa lamang ay naaamoy na niya ang katakam-takam na tsokolate. Ang sabi ng staff sa kanya, magsasagawa ng pagpupulong si Kean kasama ang mga supervisors ng factory. Nai-report daw kasi na mayroong problema sa stocks ng produkto at sa pagdi-distribute nito.

Pagdating niya sa opisina ng factory ay naroon na si Kean kasama ang mga supervisor. Umupo siya sa silya malapit sa puwesto ni Kean. Cellphone lang ang gamit niya para mag-take note ng detalye. Binuksan niya ang voice recorder sa kanyang cellphone nang magsimula nang magsalita si Kean.

"Bakit biglang bumaba ang sales nitong buwan na ito?" tanong ni Kean sa head of supervisor.

"May mga distributor po kasing nag-full out ng maraming stocks dahil sa mga item na maraming factory defect. Late na pong nai-report sa amin ng packaging checker ang problema. Wala pong nag-report na may problema ang machine sa packaging," sumbong ni Mr. Arcelia.

"I hate this kind of report. Magbababa ako ng memorandum about this issue. I'll fire out the irresponsible employees. Fix it before late. Bigyan n'yo ako ng list of employees at markahan ang mga may paulit-ulit na pagkakamali," matigas na sabi ni Kean.

"Yes, sir."

Si Kean lang ang nakilala ni Sandy na presidente na napakaikling oras ang inilalaan sa meeting. More verbal ito. Pagkatapos ng halos isang oras na pagpupulong ay sumama siya rito sa paglilibot sa factory. Natatakam siya sa mga tsokolateng pinuproseso ng higanteng machine. Naaamoy din niya ang alak na siyang sangkap ng ibang tsokolate. Gustong-gusto na niyang tumikim ng mga chocolate bars na nahuhulog sa mahabang mesa na nakasahod sa bunganga ng machine.

Nang mawala sa paningin niya si Kean ay mag-isa siyang naglibot sa pagawaan. Natukso siyang humingi ng rejects na chocolate. Pagdating niya sa lobby ay nagulat siya nang may lalaking nagbigay sa kanya ng tatlong stalk na rosas na gawa sa chocolate. Binalot pa iyon ng transparent na plastic.

"Ma'am, para po sa inyo," sabi ng lalaking nag-aalok ng tsokolate.

"For me?" hindi makapaniwalang untag niya.

"Yes po."

Kinuha naman niya ang tsokolate. "Kanino galing?" tanong niya.

"Ayaw po niyang sabihin. Alam n'yo na po raw 'yon. Kaninang umaga pa po niya ito pinagawa," sagot nito.

Bakit Hindi Naging Tayo? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon