"MARAMI akong problema, hindi lang sa pamilya kundi sa sarili ko," sabi ni Kean sa garalgal na tinig.
Ramdam ni Sandy ang hirap at sakit na nararamdaman ni Kean. Gusto niya itong yakapin ngunit hindi niya magawa. Naunahan siya ng hiya.
"Sorry, hindi kita inintindi," aniya.
Hinawakan ni Kean ang kamay niya na pumapahid sa luha nito. "Ikaw na lang ang meron ako, Sandy. Ikaw na nagpapalakas ng loob ko," madamdaming pahayag nito.
"K-Kean..."
"Pero bakit ganun? Pati ikaw ay ipinagkakait sa akin?"
Nagpupuyos ang damdamin niya habang inuunawa ang sinasabi nito. Dumapo ang mainit nitong kamay sa makinis niyang pisngi. Hindi niya napigil ang pag-init ng bawat sulok ng mga mata niya. Hindi niya namamalayan ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya.
"I'm sorry if I fail to care you. I don't want to hurt your feelings," emosyonal na pahayag nito.
"Hindi kita maintindihan."
"Allow me to express my feelings, Sandy, not in words but in this way," sabi nito.
Bumibigat ang talukap niya at unti-unting nawawala sa tamang huwesyo ang isip niya. Naramdaman na lamang niya ang mainit na labi ni Kean na humahalik sa kanyang mga labi. Pumikit siya at hindi napigil ang bugso ng damdamin na nag-udyok sa kanya upang tumugon sa halik nito.
Inalipin ng kaba si Sandy nang maramdaman niya ang pangahas na halik ni Kean, kasabay ng paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan. Bumalik sa katinuan ang isip niya. Marahang itinulak niya ang binata saka mabilis na binuhay ang makena ng sasakyan. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kean.
"What's funny?" naiinis na tanong niya.
"Natatakot ka ba, Sandy?" tanong nito.
Nagmaniobra na siya. "No. You just drunk."
"Tatlong baso lang ng brandy ang nainom ko. Balewala iyon kumpara noong nasa London ako."
"So, naging lasingo ka pala."
"You're wrong. Alcohol helps me to ease pain even in temporary basis. I just found myself comfortable while I'm drunk."
"At alcohol din ang nagpapalakas ng loob mo ngayon. Dumaldal ka dahil may empluwensiya ng alak. Nagagawa mo ang gusto mo."
"Yes, nagagawa ko ang gusto ko."
"Pero strategy 'yan ng mga taong duwag at hindi kayang harapin ang problema na totohanan."
"Sa tingin mo ba may magandang solusyon sa problema ko?"
Tiningnan niya ito. "Alam kong matalino ka. Magagawan mo ng solusyon ang problema mo."
"Whatever. I hate this, sa totoo lang. Ipinipilit mong pinapaalala sa akin ang magagandang nangyari sa nakaraan. Alam mo kung bakit ayaw ko iyong isipin? Dahil ang totoo, masakit. Masakit isipin na hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Masuwerte ka. Napunta ka sa mga magulang na nagmamahalan kahit hindi ka nila totoong anak. They gave you enough care and love that you never found from your real parents. I realized that God never made people perfect. Balanse ang lahat ng nilikha. Some people good in judging, but they don't really know what was going on inside the house. Minsan naisip ko, mas mabuti siguro kung ipinanganak akong mahirap. Kasi, ang mahihirap, ang problema lang ay kung paano sila makakakain at magkapera. Siguro, meron ding mahihirap na may mabibigat na problema. Pero dahil immune na sila sa hirap, they manage the situation emotionless. That's why I chose not to show my emotions, to avoid judgement from other. Tawagin mo na akong duwag, pero wala kang karapatang husgahan ako. Sinanay ako ni Daddy kung paano maging emotionless while facing the difficulties of life. Maging heartless, kahit ang totoo, yumayaman na ang pasakit sa puso ko," mahabang pahayag ni Kean.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo? (Complete)
RomanceA short story romance Teaser FIRST love kung maituturing ni Sandy si Kean, na pamangkin ng kinalakihan niyang magulang. Halos sabay silang lumaki ngunit sa paglipas ng panahon, napansin niya ang unti-unting pagbabago ni Kean. Lumalayo ito sa kanya n...