Chapter Six

614 32 4
                                    


LINGGO ng gabi. Nagkasundo sina Sandy at Marc na pumunta sa branch ng bar ng Del Mundo sa Tagaytay. Excited na rin siyang matikman ang mga alak ng Del Mundo. Hindi siya umiinom ng hard liquor kaya puwede na sa kanya ang wine.

Nasurpresa siya pagdating nila sa bar ay maraming tao. Lahat daw ng binibentang alak ay gawa ng Del Mundo, maging mga recipe ng cocktails at ibang inumin. Ang sabi ni Marc, ang mga pumupunta sa bar na iyon ay halos mga rich kid at propesyonal. Elegante ang tema ng bar at napakaromantiko ng ambiance ng lugar. Pulos bloody red ang kulay ng mga mesa at upuan maging ibang kolorete sa paligid. Malawak ang counter na mayroong nagguguwapuhang tatlong bartender na nagsi-serve ng inumin.

Sa stool sa tapat ng counter lang sila pumuwesto ni Marc dahil halos wala nang bakante ang mesa. Nagsi-serve din ng beer match o pulutan ang bar pero limited menu lang.

"Pumili ka na ng gusto mo, Sandy," sabi ni Marc.

Tumingin siya sa menu na nasa harapan niya. Hindi niya kilala ang ibang recipe.

"Masarap ba itong apple red wine with choco?" tanong niya.

"Oo. Natikman ko na 'yan. Matamis pero medyo matapang."

"Hindi ba nakakalasing?"

"Hindi masyado. Kaunti lang ang alcohol niyan."

"Gusto kong tikman."

"Mag-order ka na."

Sinabi na niya sa bartender ang order niya. Red wine lang ang in-order ni Marc.

Habang naghihintay ng order ay hindi mapakaling gumagala ang paningin ni Sandy sa paligid. Tama si Marc, mga rich kid ang karamihan sa pumupunta roon. Mga sosyal ang mga tao base na rin sa pananamit at hitsura ng mga ito. Marami ding foreigners. Nakita niya ang price ng inumin sa menu. Two hundred, fifty pesos ang pinakamurang inumin. Nag-order din si Marc ng beef kebab, na pulutan nila.

Light red ang ilaw sa loob ng bar at medyo madilim ang aura. Nakadagdag liwanag lang ang mga spotlights at liwanag mula sa counter. Ang init sa mata ng kulay sa loob. Malawak ang area ng bar kaya hindi masyadong kulob at kulong ang ingay. Mas nangingibabaw pa rin ang slow rock music na naririnig niya. Araw-araw ay mayroong live band, kung saan nag-o-offer ng unlimited cocktails ang bar sa halagang nine hundred, ninety-nine pesos.

Nang dumating ang order nilang inumin ay sinumulan ni Sandy na tikman ang inumin niya.

"Hm. Masarap pala. Lasang mansanas na mayroong chocolate," komento niya.

"Actually, si Mommy ang nakaisip ng recipe niyan," sabi ni Marc.

"Talaga? Hindi ko alam na may alam sa bartending ang Mommy mo."

"She's passionate in bar related job. After she finished her Bachelor degree in Business, she studied bartending in New York."

"Amazing. Siya na ba ang nagma-manage ng bars ng Del Mundo?"

"Yap. Ipinagkatiwala sa kanya ni Tito Terio ang bar. Si Mommy din ang nag-suggest ng business na ito maging ang bar equipment factory. My Mom more knowledgeable than Tita Anita. I think you know where Tita Anita from. Anak siya ng dating driver ni Lolo, na nagustuhan ni Lolo para kay Tito Terio. Arrange married ang nangyari sa kanila. Noong namatay ang parents ni Tita Anita, kinupkop ni Lolo si Tita hanggang sa naging parte ng farm business ni Lolo. Mabait si Tita Anita at inalagaan niya si Lolo hanggang sa namatay ito. Pero noong nagkakasakit pa si Lolo, pinagkasundo na niya si Tito Terio at Tita Anita at pinakasal. Sa New York sila ikinasal," kuwento ni Marc.

"Pero minahal naman ni Tito Terio si Tita Anita," aniya.

"Yes, I think. Naisip ko lang, baka may nangyayaring hindi maganda sa relasyon nila noon kaya hindi na nasundan si Kean. Madalas ding nagkukuwento sa akin noon si Kean na palaging nag-aaway ang parents niya. Kean suspected his Dad that he has secret affair with other woman."

Bakit Hindi Naging Tayo? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon