Umaga na at maaga akong ginising ng mga katulong ko para makapag-ayos na ako. Eksayted na kase ang aking ama sa aking pagpasok sa unibersidad. Grabe mga 7:00am pa ang pagpunta dun pero 4:00am akong ginising grabe talaga, hindi talaga halatang eksayted na si ama.
Bigla naman akong napaisip kung ano ang itsura ng University of Santo Thomas noong 1880? Naalala kong mga kalalakihan lamang ang pwedeng makapasok dun pero paano? Baka ako lang ang babaeng magaaral doon. Ay hindi, nandun din naman si Samantha malay mo, dun din nag-aaral si Fiona. Tinanong ko kung bakit pwedeng makapasok ang mga babae sa St. Thomas ang sagot naman ni ama ay dahil ginawang "Royal University" ito at ang pwedeng makapasok lang dito ay ang mga mayayaman, maharlika at may maatas na katungkulan. Napagtanto ko namang si ama ay isang hukom at kabilang sa Royal Audencia na kasunod lamang ng Gobernador-heneral.
Wow, big time talaga itong si Catalina grabe anak talaga siya ng isang maharlika. Pero ipapakasal daw si Catalina sa anak ng Gobernador-heneral, bakit kaya ito tinanggihan ni Catalina? Siguro pangit ang anak ng Gobernador-heneral kaagad siyang nagback out hahaha.
Kasalukuyang inaayos na ng mga katulong ko ang aking buhok at inaayusan na din nila ang aking mukha. Grabe, feeling ko pupunta kaming JS prom! Wala pang school uniform dati kaya naman nagsuot ako ng disenteng gown. Oo, as in gown na lobong-lobo! JS talaga ang pupuntahan namin! Maya-maya'y tinawag na ako ng ilang mga gwardya para magalmusal na daw. Kaagad naman akong bumaba at nasilayan ang aking ama na naghihintay sa akin doon na ngiting-ngiti.
'Ipagtapat mo nga ama, ipakakasal mo na ba ako at ganito ang nangyayare sakin ngayon?'
"Victoria!" ngiting bati ni ama at saka bigla naman akong niyakap
'Eh?'
Tinapik-tapik niya ang likod ko at niyakap ko siya pabalik.
"Masayang isipin na ang anak namin ni Victorina ay papasok na ng kolehiyo ngayon." saad ni ama
Inalis niya ang pagkakayakap sakin at tinignan ako. Hinaplos niya ang mukha ko at maluha-luhang ngumiti.
"Mirarte(Tignan mo), isa ka nang napakagandang dalaga" nakangiting usal nito
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa pisngi ko at nginitian siya.
"Simula ngayon ama, huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong maiuuwi ko ang karangalan sa pamilya." sagot ko
Inilipat niya ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi papunta sa aking ulo at tinapik tapik ito.
"Victoria, huwag mong pilitin kung hindi mo kaya anak ha. Nagkamali ako dati dahil masyado kitang iniipit. Gawin mo lang ang makakaya mo at nandito lang ako para suportahan ka" sabi ni ama
'Waaaaah, I can't believe this is happening! Catalina, this is it! Naniniwala na sa kakayahan mo ang iyong ama. Sana nandito ka para narinig mo manlang at maramdaman ang pagbabago ng pakikitungo ng ama mo sa'yo.'
"Salamat, ama. Mahal na mahal ko po kayo" nakangiti kong sagot
"Victoria!!" sabi niya at niyakap niya akong muli at nagsimulang umiyak
'Grabe parang matagal akong mawawala ah!'
"Te extrañaré(Mamimiss kita)" sabi ni ama
'Ano daw? Bat niya ako mamimiss?'
"Qué?(Ano?) Anong ibig mong ipahayag ama?" nagtataka kong tanong
'O diba, marunong narin akong mag-spanish!'
Hinawakan ni ama ang aking balikat
"Nakahanda na ang iyong bagahe dahil kapag nandoon kana ay pansamantala ka munang hindi makakauwi. Kailangan mong tumira sa dormitoryo habang nag-aaral ka dahil mahirap ang pauwi-uwi at malayo ang Sto. Tomas sa atin."
BINABASA MO ANG
Reincarnated in 1880
Historical FictionA girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of light and all she knew was she were about to hit by a running carriage. Luckily, there was someone came and save her. She was reincarnated in ea...