KABANATA XIV

1K 62 0
                                    

"Pasok" tugon ko

Nang bumukas ang pinto ay biglang pumasok ang isang dalagang parang kasing edad ko lang. Naka-bun ang buhok niya. Maputi siya, may itim na mga mata, maganda pero nga lang, kinulang sa height. Hmm, iniisip ko tuloy kung paano ako binubully ng mga ito.

Napatitig ako sa mga mata niya at may mga ala-alang pumasok sa aking isipan.

"Aking ipinakikilala, si Samantha Velo Lopez. Ang ikalawang anak ng pamilyang Lopez!" masayang pagpapakilala ng aking ama

Simula nang ako'y nagkasakit noong syam na taong gulang ako, nagpakasal ang aking amang si Lorenzo Lopez kay Anastasia Velo na isang balo. Ang anak nilang si Samantha ang tanging nakakapuno ng ekspektasyon ni ama, ang tanging nakakapagpaligaya sa kaniya. Matalino at maganda, iyan ang mga katangiang meron siya.

Nasa kaniya ang atensyon ng ama, mayroon siyang ina. Sa tuwing nakikita ko silang magkakasama ay napapaluha na lamang ako sa sobrang lungkot. Bakit ang saya niya samantalang ako? Walang nagmamahal sa akin, walang nagmamalasakit.

Naisip kong kaya nagasawang muli si ama ay kung sakaling mamatay ako ay mayroon parin siyang pamilya. Simula noon ay hindi na ako pinapakialaman ni ama. Hindi na rin ako pinapagalitan. Pero sa tuwing ako lang mag-isa o wala si ama ay minamaltrato ako nilang dalawa.

Minsan ay hindi nila ako dinadalhan ng pagkain. Minsan ay pinatutulog ako sa labas. Sinubukan kong lakasan ang loob ko para isumbong sila ngunit hindi ako pinapakinggan ng ama. Buti nalang ay nandyan si Nicolas para alagaan ako. Para tulungan ako, pinapatahan niya ako lagi at binibigyan ng pagkain kapag nagugutom.

Si Samantha ang laging umaabuso sa akin. Kahit ang kaniyang mga katulong ay sinasaktan din ako. Dinadalhan naman nila ako ng gamot kahit papaano ngunit nagsususpetsa din ako kung gamot ba talaga iyon o lason? Kada araw ay nanghihina ako.

"Mamatay ka na! Hindi ka na kailangan ng pamilyang ito! Ako na ang bagong anak ni ama at wala ka nang karapatang manirahan pa dito, sa labas ka matulog!"

"Huh? At talaga namang nagsumbong ka pa huh? Akala mo pakikinggan ka ng iyong ama?"

"Inumin mo ang nasa basong iyan at gagaling ka"

Natapos ang mga ala-alang iyon at napatikom ang aking mga kamao sa galit. Hindi ko lubos na akalaing magagawa ng isang tao yun sa kapwa niya. Ngayong nandito ako, hindi niyo na pwedeng saktan pa si Catalina. Ang lahat ng ginawa niyo sa kaniya noon ay pagbabayaran niyo ng sampung ulit!

Marahan siyang lumakad sa harap ko. Binuksan ang kaniyang abaniko at ipinaypay-paypay ito malapit sa kaniyang mukha. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

'Kakaloka tong babaeng to ah, kung makatingin akala mo mas mataas ang posisyon sa akin. Ehem ako ang legal daughter, excuse me..'

"Magandang hapon, aking kapatid" bati ko sa kaniya at nag-bow habang nakakapit sa aking saya.

Ngumiwi siya at binigyan ako ng what-are-you-saying? look.

'Tignan mo, ang itsura parang pinagbagsakan ng langit at lupa! Ano bang problema nito?'

"Sinong nagsabi sa'yo na maaari mo akong tawaging kapatid?" pagtataray nito

Nag-cross arms siya tinaasan ako ng isang kilay.

"Oh? Eh ano naman?" sarkastikong sagot ko

Baka sa mukha niya ang pagkainis dahil sa iniasta ko sa kaniya.

'Oh girl, don't think so highly of yourself'

"Anong sinabi mo?" inis na wika niya

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sabihin ko? Nakakahiyang isipin na ang isang madunong na katulad mo ay ipapaulit pa ang isang madaling tanong" pailing-iling kong sambit

Reincarnated in 1880Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon