"Mga bata, halikayo dito at maupo" sabi nung parang head maid ng mga Hernandez.
'Shocks may mga Bata! Bat ganun, ang cu-cute nila? Bat sa panahon ko ang mga bata puro sipon sa ilong at nakahubad? Why Earth? Why do you forsaken this girl?'
"Catalina, bakit ganiyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni ama
'Nye! Nakita niya siguro akong nagmamake-face dito at baka kung ano ano na ang naiisip ko.'
"W-Wala ama" utal kong sagot
Tumungo si ama at napa-cross arms.
"Nga pala ama, ano ba yung kakainin natin ngayon?" tanong ko
"Ang pinagmamalaki nating adobo at sisig." sagot ni ama
'Wow! Natakam naman ako dahil sa sinabi ni ama. Is this real? Makakakain ako ng Filipino dishes na gawa ng sinaunang tao? OMG, this is so cool!'
"Waahh, yaya.." narinig kong pagiyak ng bata
Kaagad namang nilapitan ng Yaya niya ang bata at saka pinatahan.
"Shh... Ginoo kumalma po kayo" pagpapatahan nito
Bigla namang sumagi sa isip ko na may mga bata kaming kasama sa pagkain paano kung hindi nila maappreciate ang lasa? Kakain sila kahit ayaw nila ang lasa dahil nakakahiya kapag hindi mo ito naubos. Naramdaman ko rin yan dati nang pinakain ako ng pinakbet grabe sa loob ko parang masusuka na ako na ewan pero kailangan kong ubusin kase nakakahiya.'
Kaagad akong tumayo. Napansin ako ni ama at binigyan ako ng anong-gagawin-mo look. Nginitian ko si ama at nagthumbs up.
"Ama, magluluto po ako" tugon ko
Lumakad na ako palayo at dumiretso sa kusina. Naisip kong magluto ako ng fried chicken since mga bata ang kasama ko. Joke, para rin makatikim ako, favorite ko kase yun and ilang araw na akong hindi nakakakain nun even in my past life.
Tinanong ko kung may natira pang manok na ginamit sa adobo pero wala na raw. Ang sabi nila ay magkakatay nalang daw sila ng manok. Pumayag ako at habang naghihintay sila ay naghahanap na ako ng gagamiting pambreading.
Kumuha ako ng harina, itlog, paminta, asukal at asin. Pinagmix ko ang harina, paminta, asukal at asin sa iisang bowl. Pwede na siguro itong substitute kung walang Crispy Fry. Kumuha ako ng anim na itlog at binati sa isang mangkok. Hmmm... saan kaya ako makakakuha ng bread crumbs?
Nagsimula akong tanungin ang mga taga-luto kung alam nila kung nasaan ang bread crumbs ngunit hindi daw nila alam kung ano yun. Kung minamalas ka nga naman oh, pangit kaya kung puro harina ang fried chicken!
Maya-maya'y may naisip akong paraan pero sana mag-work. Tinawag ko ang isang katulong upang dalhan ako ng mga biskwit. Nagtaka siya kung anong gagawin ko dun pero sabi ko ay sundin na lamang ako.
Naisip ko kase na isubstitute siya sa bread crumbs. Kung dinurog ko ang biskwit ay parang katulad siya ng sa bread crumbs. Tsk, talino ko talaga! Isang saglit pa ay kumuha sila ng maraming biskwit at tumulong sa akin upang ito ay durugin ng medyo pino.
Dumating na rin ang mga hiniwang manok at inutusan ko ang iba na magpainit ng kumukulong mantika para iluluto ko nalang. Kumuha ako ng isang pirasong hita ng manok, inilubog sa itlog at saka inilagay sa harinang tinimplahan ng dalawang beses pagkatapos ay inilubog uli sa itlog at saka pinagulong sa dinurog na biskwit.
Manghang-mangha naman ang mga taga-luto sa ginagawa ko. Tinulungan nila akong lagyan ng breading ang manok at agad na namin itong pinirito sa kumukulong mantika. Ako ang nagluluto at amoy mo palang sa fried chicken ay magugutom ka na. Natapos naming prituhin ang sandamakmak na manok at maganda ang kinalabasan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated in 1880
Tarihi KurguA girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of light and all she knew was she were about to hit by a running carriage. Luckily, there was someone came and save her. She was reincarnated in ea...