~Chrissa's POV~
Pagtapos nung incident sa aso kanina ay pinahiram ako ni Kenna ng damit bago ako umalis.
Hmp! Di ko kasalanang nagmamadali ako nun ok?
Ay, nagsinungaling nga pala ako kina Shawn. Boom! Karma ka Chrissa.
Pagdating ko sa dorm ay naligo at nagbihis ako tsaka bumaba dala na ang mga gamit ko. Nakita ko kaagad si Shawn at ang kotse niya. Kotse niyang regalo ko bwahahahaha!
"Niiiiice, ginamit agad" bungad ko sa kanya. "Hehe, ang galing ko talagang pumili"
"Oo na, dito ba natin sila hihintayin?" Tanong niya.
"Yes sir! Text ko lang po" paalam ko tsaka kinuha ang phone ko.
Kenna, dito kayo sa dorm
pupunta. Wag na magdala
ng kotse. Dito nalang tayo
Kay ShawnMaya maya pa ay tumawag siya
"Wow ah! Yaman sa load!" Bati ko. And yeah, ganto ako magbati.
"Naka-unli naman" sagot ni Kenna
"Asus"
"Psh! Sure kang di na kami magdadala ng kotse? Baka pagdating namin wala kayo"
"Oo nga! Tsaka, alam niyo ba kung saan papunta? Ha?"
"Sabagay"
"Bilisan niyo, naghihintay kami ni Shawn dito"
"Puro ka Shawn! Tape-an ko yang bibig mo eh" napangisi ako.
"Don't worry, makikita mo rin naman siya" bago pa siya makapagsalita ay binaba ko na ang linya.
"Sigurado kang nagpaalam ka?" Tanong ni Shawn.
"Oo nga"
Tinaasan niya ako ng kilay. Ugh! This guy knows me well.
"Manahimik ka ngang Apoy ka. Dun ka sa driver's seat" at tinulak tulak ko siya pero masyado siyang malakas.
"Hoy Isda, kilalang kilala kita. At alam kong nagsisinungaling ka! Lutuin kita diyan" pangaasar niya rin.
"Hindi ko kasalanang Fyn ang second name ko ok?"
"Hahahahahaha! Isda"
"Oy! Aga aga, naghaharutan kayo" rinig ko si Kenna na naglalakad papalapit sa amin kasama si Ken.
Ayan na sila. Hehehe.
Lumapit ako kay Kenna at hinila siya sa passenger's seat. "Ikaw umupo diyan. Ayaw ko makatabi yung Apoy diyan"
"Bakit? Takot kang maluto?" Pangaasar ni Shawn.
Di ko nalang siya pinansin. Nang makaayos na ay umandar na ang sasakyan. Bali, nasa back seat kami ni Ken pero nasa magkabilang gilid kami tapos nasa unahan yung dalawa.
Nasa gitna kami ng byahe nang lumapit sa akin si Ken. "Nakakahalata ka rin ba kay Kenna?" bulong niya.
"Na may gusto siya kay Shawn? Oo bakit?"
"Haha, ang bilis naman"
"Halata eh"
Di namin napigilang bumungisngis.
"Oy, pinaguusapan niyo diyan?" Tanong ni Apoy.
Di namin siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagtawa. Pero pagtapos ay back to normal na ulit.
BINABASA MO ANG
The Key And Her Sacrifices
Teen FictionDating maayos na magkakaibigan Mapaglarong lokohan Masasayang alaala Ang sitwasyon ay madanda na Pero tulad ng ibang samahan Dadaan rin sila sa malubak na daan Pipiliting makakita sa dilim Pipiliting makaahon sa malalim They were still not okay Ther...