~Ken's POV~
"Hahahahahaha! Kung makita mo lang si Shawn kagabi, daw maiyak na ewan habang nakatitig sa labas! Sabi niya, 'Ayaw na sa akin ni Kenna. Ang gwapo ko namang holdaper.' Tapos biglang magbabago yung mood niya. 'Wait, kung gwapo ako, bakit hindi niya ako gusto? Teka lang, love nga pala ako hahahahaha! Panes kayo!' Tapos magbabago ulit. 'Pero kung love niya ako, bakit niya ako irereject? Dapat sa mga mahal niyo, sinasagot niyo! Diba, Chrissa?' Si Chrissa naman ay napa-oo nalang. 'Oo? Pero di niya ako sinasagot eh. Ibig sabihin di niya ako love. Ken, ang gulo ng kambal mo.' Tatawa nalang ako sa kanya kasi nagmumukha na siyang batang yagit hahahahaha! Tapos bago siya makatulog sasabihin niya. 'Ay, isang araw pa lang nga pala ako nanliligaw. Ay wait, di nga pala niya ako pinayagan. I'm Shawn Fire Alvarez, kayang kaya ko to!' Sunod nun ay nakatulog na siya. Ang di niya alam, nirecord yun lahat ni Xander hahahahaha! Ang epic!" Kwento ko kay Kenna na nasa harap ko ngayon at kumakain ng umagahan.
"Buti naman at di ka nasukahan," kunwari pang walang pakielam pero sa loob looban ng babaeng ito, interesado siya.
"Yun na nga eh. Naramdaman ko nun na susuka na siya kaya nakipagpalitan ako ng pwesto kay RJ at ayun, siya ang nasukahan hahahahaha!" Tawa ko pa. Grabe lahat ng nangyari kagabi.
"At di niyo ako sinama. Ang epic" malungkot na saad ng kambal ko.
Ay, oo nga pala. Iniwan namin siya.
Hindi ko na kasalanan yun! Masyado kasi silang nagpahalata. Tapos, nagpakainom pa si Shawn.
*~*~Flashback*~*~
"Hoy, Cozy. Abnormal ka talaga kahit kailan. Babalikan mo pa si Kenna diba? Tama na ang pag-iinom. May problema ka ba?" Tanong ni Chrissa sa pinsan.
"Wala naman. Trip ko lang mag-inom hahahaha!" May tama na rin pala ito ng onti. "Pero sa totoo lang, gusto ko siyang pagselosin ng konting konti. Kwento kasi sa akin ni Chrissa dati na kapag bigla nalang daw nawala ang lalaking mahal mo tapos malalaman mo pang naglasing, magseselos ito dahil aakalain niyang may kasama itong ibang babae sa bar. Hahahaha!"
Napasampal ng mukha si Chrissa. "Hindi na ako magkekwento sayo ng wattpad ever again"
Natawa nalang kaming lahat.
Nandito nga pala kami sa restaurant kung saan nagtatrabaho minsan ang Emix. Pinagpaplanuhan namin ang mga gagawin naming move para mapasagot si Kenna, ayos na yung plano namin kaso ito nga si Shawn, nagpakainom. Mahina pa naman daw ang tolerance nito sa alak sabi ni Nathan.
"Alam mo, Shawn" biglang sabi ni Yren. Humarap sa kanya ang lalaki. Papikit pikit na rin ang mata nito. Siguro ay nahihilo na. "Yung plano mo, parang leche plan"
"Because I planned it sweetly?" He smirked.
"No, kasi ang sweet pero leche" sabi naman ni Yren na inikatawa ng lahat. "Seriously! Huy, seryoso ako! Ang korni kaya!"
"Eeyy, di ka lang pinapansin ng crush mo eh" banat ni RJ.
"Alam mo?!" Gulat na sigaw ni Yren kay RJ.
"Insticts hahahahaha!" Siguro dahil sa nga babae niya ay alam na niya kung paano magkagusto ang mga ito.
"Ako nalang kase crush mo!" Sigaw ni Xander.
"Yieee~ New Ship HAHAHAHAHA!" tawa ni Chrissa. "Wag ka nang bitter, Yren" lumapit ito sa kanya at may ibinulong.
Namula ang buong mukha ni Yren. "Di wow."
Kumibit balikat si Chrissa. "Nothing is impossible~" in a sing song voice. Sumipol ito. "Hello sayo. Paramdam ka naman kay Yren oh" lalong namula ang mukha ni Yren. Mukha namang nag-eenjoy si Chrissa sa ginagawa niya
BINABASA MO ANG
The Key And Her Sacrifices
Novela JuvenilDating maayos na magkakaibigan Mapaglarong lokohan Masasayang alaala Ang sitwasyon ay madanda na Pero tulad ng ibang samahan Dadaan rin sila sa malubak na daan Pipiliting makakita sa dilim Pipiliting makaahon sa malalim They were still not okay Ther...