Chapter 42: Jyla Luthea

68 1 0
                                    

~Ken's POV~

Ilang linggo kami sa ospital at papalit palit kaming nagbabantay kay Nathan.

Maayos naman na ang lagay niya ngayon. Kamuntik muntikan na siyang mamatay at halos bumaha ang sahig sa iyak ni Nyrille kaya taranta niyang tinawagan ang mga magulang nila kahit gabing gabi pa sa bansa nila.

Sinubukan nilang iuwi si Nyrille sa England pero tumanggi siya.

Kami ngayon ni Kenna ang nagbabantay kay Nathan na tulog pero maayos na ang kondisyon. Nagising na siya kanina pero hindi pa rin siya masigla.

"Nakakaawa siya noh?" Tanong sa akin ni Kenna. Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot. "Parang kahapon lang pinagtitripan siya tapos ngayon, hindi na tayo magkanda-ugaga kakaalala sa kanya."

"Siguro mas masakit ito para sa Empire Six. Matagal rin nilang kilala si Nate.." komento ko.

"Lalo na si Nyrille."

"Oo nga."

Ilang minuto pa ay kumalam na ang tiyan ko kaya nagpaalam ako kay Kenna na bibili lang ako ng pagkain.

Paglabas ko ay naabutan ko si Shawn sa gilid ng pinto.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Pwede ka namang pumasok sa loob. Siguro naman ay walang mangyayari--"

"Si Chrissa?" Putol niya sa akin.

"Si Chrissa?" Ulit ko. "Bakit? Anong meron?"

"Nawawala siya."

Agad akong kinabahan. "Na naman?"

"Simula nung dalhin si Nathan dito."

"B-baka kung saan saan lang yun pumunta dahil sa nangyari."

"Hindi."

"Pinaghihinilaan mo ba ako?" Nagdududa ko nang tanong. Ibang klase ah.

"Wala akong sinasabing ganyan." Poker face pa rin niyang saad.

"Ano namang naisip mo't sa akin mo ibinibintang?" Hindi ito sumagot. "Ano namang kailangan ko sa kanya kung sakaling ako nga iyon?"

"Malay ko, hindi naman ako ang kumuha sa kanya, diba?"

"Kaya ako ang pinaghihinilaan mo?! Ganun?!"

"Sino pa ba? Kayo lang ni Yren, Lyza at Kenna ang bago sa grupo. At sa nag-iisang lalaki sa kanila ang may pinakamataas na posibilidad."

"Hindi nga sabi ako!" Napasigaw ako kaya lumingon sa amin ang mga nurse. "Nakalimutan mo na ba kung anong nararamdaman ko para sa pinsan mo?! Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob para gawin yun?!"

"Hindi namin alam ang daloy na isip mo."

"At mas lalong hindi ko alam ang daloy ng isip mo! Kung sino sino nalang ang pinagbibintangan, wala ka namang ebidensiya!" Galit ko siyang inismiran pero seryoso lang itong nakatingin sa akin. "T*ngina mo!"

Napuno na ako kaya dumeretso nalang ako sa kotse para umuwi. Panigurado namang may pagkain na doon. Ang mga magulang ko ay nandun pa rin, pero hindi ko na pinansin.

Naiinis ako sa pagbibintang ni Shawn kaso sa loob looban ko ay sobrang nag-aalala na ako kay Chrissa. Totoo ngang ilang linggo na itong nawawala.

"Saan ka galing, nak?" Agad na bungad ni Mama.

Hinalikan ko ito sa pisngi bago sumagot. "Sa ospital po Ma, binabantayan si Nate."

"Sige, basta wag kang magpapabaya ng pag-aaral ha."

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon