Chapter 27: Lyza's Advice

73 1 0
                                    

~Ken's POV~

Kitang kita ko kung paanong lumaki ang mga mata ni Kenna nang mabanggit ko ang susi.

My confusion faded when I saw her looking for something sa box ng dati niyang mga laruan. Binalik ko doon yung kwintas kaya paniguradong iyon ang hanap niya.

Nang makita na niya ito ay tintitigan niya ng matagal. "Ivy..." parang wala sa sarili niyang saad.

"So" I looked at her with a stern face. "Naalala mo na ba ang lahat?"

Parang mas lalo siyang nagulat sa tanong ko. "A-alam mo?"

Tinanguan ko ito saka nginitian. "Sorry kung hindi ko sinabi kaagad. I was her friend too pero sabi nila Papa na huwag ko muna ipaalala dahil baka matrigger yang memories mo at mapilit mo ang sarili mo. I just don't want to see you suffering, Kenna" I explained in case na magalit siya sa akin.

Matapos ang ilang segundo ng katahimikan ay naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.

"It's alright. I appreciate what you did. Ngayon, alam ko na. Ngayon, hindi mo na kailangang magaalala kung sakaling madulas ka sa sinasabi mo" sabi pa niya.

I hugged her too as I let my mind wander around what kind of stupidity happened earlier.

*~*~Earlier*~*~

"Kenna!" Sigaw ko nang makita siyang mahulog sa hagdan. Nagpagulong gulong ito at napahiga.

Nag-aalala at natatakot ko siyang pinuntahan sa baba. Halos tumalon nalang ako sa bilis.

"Kenna, wake up" worry rushing down my whole body as I realized that she's unconscious.

Binuhat ko ito at dinala sa kwarto niya.

Sobrang nag-aalala pa rin ako pero alam ko namang walang malalang mangyayari kay Kenna. May nabasa ako about something like this before, I know she'll be alright. Hindi ko na siya kailangang dalhin sa ospital pero nagdadalawang isip pa rin ako.

But as selfish as I am, I took advantage of this chance.

Kinuha ko ang susi at pumunta sa sasakyan. Sinigurado ko muna na nakalock lahat ng pasukan sa bahay to secure her safety.

Sorry kung hindi ako nakinig sa iyo, Kenna. Hindi lang talaga ako mapakali.

Pumunta ako sa dorm room ni Chrissa.

This is not what I expected pero pagpunta ko doon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I stared at her door, hesitating.

Paano kung galit siya sa akin? Paano kung ibalik niya sa akin lahat ng ginawa ko sa kanya? Paano kung ayaw na niya sa akin? What if she despise me now?

Napahawak ako sa batok ko.

Of course Ken, expected na yun! You deserve it anyway.

Kakatok na sana ako nang may narinig ako sa likod ko.

"Uhm, kuya" sabi nung nasa likod ko. Babae siya na nakikita ko rin sa SZU pero hindi ko kilala at mukhang mas bata kaysa sa akin. Parang siya ang nakatira sa kanilang room. "Sino po ang hinahap niyo?"

"Uhh, kilala mo ba kung sino ang nakatira dito?" Tanong ko nalang.

"Si Ate Chrissa?"

"Oo!"

"Si Ate Chrissa po ang hinahanap niyo?"

"Oo. Nandiyan ba siya sa loob?"

"Sorry po, Kuya" aniya. Nanlumo ako pero may sinabi siyang nagpasiklab ng interes ko. "May lalaki po kasi na pumunta dito. Ang sabi niya ay kapag may nangtangka raw pong pumasok sa dorm room ni Ate Chrissa ay paalisin ko. Ikaw ba po si Ken? Kuya Ken?" Tumango nalang ako. I feel speechless. "Sabi nga po niya na darating kayo. I believed him na kasi pinsan raw niya si Ate Chrissa--"

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon