Chapter 23: Comfort

66 2 0
                                    

~Shawn's POV~

I was left here. I watched her run away from me. Sinubukan kong hindi umiyak sa harap niya habang kinukwento ko ang kapatid ko. Akala ko masakit ang pagkamatay ni Ivy. Mas masakit pa palang makita ang taong mahal mo na nasasaktan at ikaw mismo ang dahilan.

I felt weak on my knees as I kneel on the ground habang umiiyak. What the f*ck have I done?!

Ang bobo mo Shawn!

Yumuko ako at hinayaan lang na tumulo nang tumulo ang mga luha ko.

Paano na ngayon? How do I win her back?

I'm sorry, Kenna. Naging t*nga ako.

"Cozy..." instantly, nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang boses ni Chrissa na nakatayo sa likod ko. Her eyes were filled with worry and pity. Sinubukan kong tumayo at tumakbo papunta sa kanya pero nadapa ako. "Shawn!" Lumapit siya papunta sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya kahit pa nakaluhod ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa tiyan niya.

"Chrissa." Basag ang boses ko as I cried again. She caressed my head in a soothing way. "C-Cozy" I called her by that nickname and I felt her comfort. "Nasaktan ko siya, Cozy. I've hurt her."

"Ssshh, just cry it all out. Nandito lang ako, ok? Di kita iiwan" sabi niya. "Makakadagdag lang ng sakit kay Kenna kapag nakita ka niyang umiiyak. Tahan na."

Kahit papaano ay napapagaan niya ang loob ko kahit masakit pa rin sa akin. Alam kong nasasaktan rin si Chrissa kapag nakikita niya akong ganito. Nakapagpadagdag lang ng guilt ko ang thought na nasaktan ko ang taong mahal ko at sinasaktan ko ang taong laging nandiyan para sa akin.

"C-Cozy. Napakalaki kong t*nga." Hindi ko na napigilan pa ang paghikbi ko. "Sinaktan ko siya"

"Tama na. Tama na. Wag mong sisihin ang sarili mo. Lahat tayo ay nabobobo kapag dating sa pag-ibig." Tumawa siya ng kaunti para paalisin ang malungkot na hangin. "Sinasabi ko sayo to, wag kang magreklamo, single ang kausap mo"

I appreciate how she tried to joke around para mapagaan ang loob ko pero masyado na akong nakasakit at hindi kaya ng konsensiya ko.

Nagpapasalamat ako dahil meron akong isang kaibigang laging nandito para sa akin.

"Shawn Fire!" Rinig kong sigaw ni Calix. "You f*cking unreasonable coward!"

Nagulat nalang ako nang hilahin niya ako sa buhok palayo kay Chrissa at sunod sunod na sinuntok. Naramdaman kong pumutok ang labi ko nang napahiga ako.

"Sinaktan mo ang taong mahal mo just because of a promise?! Kaya mo bang ipagtabuyan lahat ng nagmamahal sayo dahil lang sa death wish ng kapatid mo?!" Nagtatagalog na si Cal. Galit na talaga siya.

"Cal. Calix, calm down. Calm down" sinubukan ng Emix na ilayo sa akin at pakalmahin si Calix.

They didn't have to. I deserved it anyway. Nakahiga lang ako dito, di na nagreklamo pa.

Agad na nakawala si Calix sa hawak ng gang but Chrissa held both of his wrists. Alam ng lahat na hindi kayang pumatol ni Cal sa babae.

"What?! Kakampihan mo siya?! Chrissa, you're spoiling him too much! He should know what he did! Nirespeto namin ang desisyon niyang makapag-isip! We both know that a week is already enough, kaya pinapasok mo si Kenna sa backstage kanina diba?! And look what he did!" Those words struck me like lightning as I let another waterfall of tears escape me.

"Calix, calm down. Tingnan mo siya ngayon. Di ka ba naawa? Nagsisi na siya sa ginawa niya. Wag mo naman ipamukha lalo"

Padabog na inalis ni Cal ang kamay niya sa hawak ni Chrissa. "Ayusin mo yang lalaki mo! Don't let me see that face until he fix his mistakes!"

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon