~Kenna's POV~
Malapit na ang graduation at nagsisimula na akong matakot sa nga nangyayari. Ito na nga ba ang sinasabi ni Papa. Dapat pala lumayo na ako nung una palang at hinila ko na si Ken kasama.
Chrissa---Luthea---whoever she is. She's a mess! Hindi na namin alam kung kailan dapat maawa sa kanya at kung kailan dapat iwasan siya.
Madalas siyang sumusulpot para sumama sa amin pero iniiwasan na namin. Ang bastos, kaya lang pinoprotektahan din namin ang sarili namin.
Si Ken naman, tuluyan na atang nasiraan ng ulo. Pinapagtanggol niya si Luthea to the point na pati ang Blazing Reprisal ay kinakampihan na niya. Marami kaming naiinis sa kanya dahil dito pero ang sabi lang niya, 'May tiwala ako kay Chrissa.'
Hindi naman masamang magtiwala pero sa sitwasyon natin ngayon, hindi na tama yung ginagawa niya. Nawawalan na ako ng pag-asa na maibabalik si Chrissa sa katawan niya dahil ang madalas naming nakakasalamuha ay si Luthea. Kaso, iba ang kambal ko, kahit anong mangyari, nagtitiwala pa rin siya.
Maraming namamatay sa maling akala.
Si Shawn naman, hindi na alam kung ano ang uunahin. Yung pinsan niya? Pag-aaral niya? O ako?
Kahit ganun, naappreciate ko naman yung mga effort niya sa pagbisita sa akin, pagkulit sa akin at iba pa.
Inaamin ko na iniiwasan ko na si Shawn kahit pa sa kanila kami nakatira ngayon. Tama, sa mga Alvarez kami nakatira ngayon dahil wala kaming bahay.
Alam na ng Reprisal ang headquarters namin kaya delikado kung doon kami titira.
Noong una, nagalit si Papa sa amin kasi sa lahat ng bahay na pwedeng matuluyan, ang Alvarez ang pinili namin. Alam naman namin ang galit ni Papa sa Alvarez dahil nga sa nangyari na ngayon kay Chrissa.
Sa huli ay dito na talaga kami namalagi pero parang lagi nalang may invisible wall sa pagitan namin. Nasa iisang bubong nga, ibang mundo naman.
"Kenna, buksan mo ang pinto. Nandito na ang breakfast mo." Sabi ni Shawn galing sa labas.
Ayaw ko siyang makausap pero dahil sa kanila naman ang tinutuluyan namin, sumagot ako. "Ah, sige. Ilapag mo nalang muna diyan sa labas. Maraming maraming salamat. Nagbibihis pa ako eh." Pangangatwiran ko kahit hindi naman.
Iisa nalang nga pala ang kwarto namin ngayon ni Ken at kanina pa siya umalis sa hindi ko alam kung saan. Yung damit ni Chrissa ang ginagamit ko ngayon. It feels weird.
"Oh, ok. Ilalapag ko nalang dito" sabi nito at nakarinig ako ng mahinang kalampag, patunay na nailapag na niya.
Naghintay ako ng ilang minuto para sure na nakaalis na siya doon. Nagmuni muni muna ako ng konti bago ko naramdamang kumalam ang tiyan ko. Gutom.
Hindi ko na inayos ang buhok ko dahil wala namang tao sa labas. Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko doon ang mga pagkain na dala ni Shawn.
"Pancakes.." bulong ko sa sarili. Kasalanan ko ba na paborito ko to?
Lumuhod ako para kunin ang pagkain kaso doon ko nakita si Shawn sa gilid na nakaupo.
Nanlaki ang mga mata ko at sa taranta ay dali dali kong kinuha ang plato at baso ng juice. Sinarado ko rin ang pintuan.
Napahawak nalang ako sa tapat ng puso ko. Ang bilis ng tibok. Hindi ko alam kung dahil mahal ko siya o dahil sa takot sa kanya.
I know I shouldn't be scared pero iba ang pakiramdam ko na kahit ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao ay pwedeng maging taksil.
BINABASA MO ANG
The Key And Her Sacrifices
Roman pour AdolescentsDating maayos na magkakaibigan Mapaglarong lokohan Masasayang alaala Ang sitwasyon ay madanda na Pero tulad ng ibang samahan Dadaan rin sila sa malubak na daan Pipiliting makakita sa dilim Pipiliting makaahon sa malalim They were still not okay Ther...