Chapter 44: Sunset Surprise

70 1 0
                                    

~Shawn's POV~

Nasa loob na ulit kami ngayon ng headquarters, kasalukuyang ginagamot ng mga babae dahil sa nangyaring pagsabog ng ospital kahapon.

Halos lahat ng tao doon ay lubhang nasugatan. Nakakapagtaka na walang namatay. Walang masyadong epekto sa amin ang pagsabog dahil medyo malayo kami sa bomba.

"Ah!" Napasigaw ako nang tamaan ni Kenna ang parte ng ulo ko na may bukol. Oo, nabukulan ako sa sobrang pagkabigla kahapon na nauntog ako sa isang transparent na salamin which I thought was open. Buti, hindi nadamay si Nathan kasi binigay ko kaagad siya kay Calix. "Dahan, dahan naman."

"Sorry, di ko kasi makita." She said. Napangiti nalang ako nang ibaling niya ang kanyang paningin sa paggagamot sa aking noo na may sariwang sugat. Ang cute niya talaga. "Tama na, naririnig ko lahat ng sinasabi mo."

"Eh?! Rinig mo yun?!"

"Sssh! Ingay ingay, bwisit!" Suway ni Nate na nakahiga sa sofa with his half closed eyes. "Maglalandian nalang, sa harap ko pa. Mas malala ay rinig na rinig. Get a room, tsk."

Natawa si Xander samantalang nanahimik nalang kaming lahat.

"Oo, rinig ko. Stop complaining. Nakakarindi. Paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi mo." Binalingan ulit ako ni Kenna.

Kanina pa kasi ako bumubulong ng kung ano ano, tulad ng sama ng loob ko kay Chrissa, hindi naman ako gaanong kagalit pero nakakawalang tiwala lang. Minsan, tungkol sa kung gaano kaganda si Kenna, minsan tungkol sa kung gaano ko gustong patayin si Zeus at Sir Luke.

"Hindi na nga." Bulong ko nalang habang pinipigilan ang sariling ngumiti. Ano ba yan, ang seryoso na ng sitwasyon, nakukuha ko pang gumanito.

"Sira ka rin kasi. Sinong tao na nasa normal na pag-iisip na bigla nalang mauuntog sa glass door. It was like a whole new version of 'Train to Busan'." Tahimik siyang natawa.

Tatawa na rin sana ako nang tumayo si Ken galing sa single sofa na nakaharap sa tv.

"Kenna, uuwi na ako." Naglakad ito papunta sa labas.

"S-sama na ako. Wait lang." Tila nalungkot ang puso ko nang magsimula na siyang ayusin ang mga gamit niya.

"Wag na. Tulungan mo nalang sa panggagamot sina Ny at Yren. Diyan ka nalang sa manliligaw mo magpahatid sa bahay, para naman may sibli siya."

Papatol sana ako pero naisip kong baka mainit lang talaga ang ulo ni Ken at hindi pa niya madigest ang mga nangyayari kay Chrissa.

"So, ako ang useless dito. Yay." Ani Lyza na kanina pa nakaupo sa dining table at kumakain ng Nova. "Ako nalang sasama sayo, Ken. Taga-ubos lang ako ng pagkain dito, sayang naman."

Tinitigan siyang mabuti ni Ken na para bang nag-aalinlangan pa. "Geh, tara."

Ngumiti si Lyza saka sumunod sa nauna nang si Ken. Nang makaalis na sila ay tiningnan ako ni Kenna.

"Ano?" I asked.

"Dumadamoves si Lyza. Kababaeng tao ay. Hskhskhsk" tatawa sana siya kaso naiipit ang boses nang maalala ang banta ni Nate kanina. Hahahahaha!

"Oo nga, tuwang tuwa ang isa diyan panigurado." I agreed.

Nang matapos na rin kaming lahat ay nagsi-uwian na ang halos lahat. Lumabas kami ni Kenna.

"Sorry ah, bisekleta ko lang ang dala ko hahaha! Masyado kasing malaki kung kotse ang dinala ko kanina, traffic pa. Kapag bike lang, pwede sa gilid gilid." Sabi ko nalang.

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon