CHAPTER I

16.2K 497 53
                                    

CHAPTER I

AILYN

"Ma, nakauwi na p--" napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Duke Lexus sa loob ng bahay.

"Anak, nandito ka na pala." Saad ni mama ng makita ako.

"Aalis na po ako." Sabi ng duke at tumayo.

"Sige po, mahal na Duke. Ingat po kayo sa daan." Saad ni tatay.

Habang papalabas ang ay hinawakan nito ang balikat ko at inilapit ang mukha sa akin."Goodnight." Bulong nito.

"Goodnight din po, duke." Bulong ko pabalik.

Tuluyan na umalis ang duke. Nang maibaba ko ang mga gamit ko ay pumunta naman ako sa kusina at nakita ko na nandoon ang dalawa kong kapatid na nag-hahain.

"Magandang gabi, Ate." Sabay nilang saad.

"Magandang gabi din." Bati ko pabalik.

Naupo ako sa hapag at inilapag na ni nanay ang pagkain sa lamesa.

"Ma, anong pinag-usapan niyo ng duke?"

"Ah, pumunta ka daw sa Mansion bukas. May sasabihin daw ang duke." Saad ni mama.

"Importante ba daw, ma?"

"Hindi ko alam, nak, basta pumunta ka nalang sa mansion bukas."

Tumango-tango ako.

"Ate, alam ko na magia ko!" Saad ni Remmy.

"Ako din, ate!" Saad ni Joshua.

"Talaga? Anong magia niyo, pakita niyo sa akin."

"Saglit lang, ate." Saad ni Remmy. Ipinikit nito ang mata nito. Nararamdaman ko na may magia na bumabalot sakanya pero mahina lang ito.

May nabuo na yelo sa kamay ni Remmy."Oh diba, ate! Ang galing ko!"

"Aba, Ice magic..." napatingin ako kay mama at papa. Halatang gulat din sila sa nakita.

Iilan lang ang may hawak ng Ice Magic sa buong kaharian. At isa na si Remmy.

"Ako naman, ate!" Ipinikit ni Joshua ang mata nito.

Nakaramdam ako ng malakas na magia na bumabalot sa katawan nito at lumabas ang lahat ng elemento sa kamay ni Joshua.

"Ang daya mo naman, kuya! Sabi ko isa lang palalabasin mo eh." Saad ni Remmy.

"Hehehe..." napakamot ito sa batok niya.

Gulat ako sa mga nakita ko. Hindi sila normal.

"Ano masasabi mo, ate?" Sabay nilamg saad.

Napatingin ako kay mama at papa. Halata ang pag-aalala sa mukha nila. Pagnalaman 'to ng mas nakakataas ay delikado.

"Joshua, Remmy... wala dapat makakaalam nito ha? Si ate, mama at papa lang."

Nawala ang ngiti sa mukha nila."bakit, ate?" Tanong ni remmy.

"Pag nalaman nila na ganiyan ang magia niyo ay kukunin kayo ng nakatataas. Mabuti na huwag niyo ipakita ang magia niyo kahit kanino. Pag ipapakita niyo naman ay isa lang dapat ang ilalabas niyong magia. Ipangako niyo sa akin, na hindi niyo ilalabas ang magia niyo hangga't kailangan itong gamitin."

"Pangako po, ate..." malungkot nilang saad.

"Tuturuan ko kayo kung paano gamitin ng maayos. Kasi..." binuksan ko ang palad ko at pinakita ko sa kanila ang iba't ibang elemento ng magia." Katulad niyo ako."

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon