CHAPTER XXXI

6.7K 218 13
                                    

CHAPTER XXXI

AILYN

Nang mawala ang liwanag ay bumungad sa akin ang mga sira-sirang bahay. Mukhang isa itong bayan.

"Drakius, na saan tayo?"

"This is minerva, your highness. Can't believe that a slum like this turned into a kingdom for over 20 years."

Madaming nakahilata sa daan na literal na buto't balat. Hindi ko aakalain na ganito pala ang kaharian noon. Isang abandonadong lugar.

"Master, that's the first queen." Turo ni drakora sa babaeng taklob ng itim at maduming roba.

Hindi kita ang mukha nito pero kita ko ang labi nito. Sa labi pa lamang ay halata na isa itong tao na mataas ang antas sa buhay.

Naglakad ito papasok sa isang bahay. Maliit at nasa kondisyon na malapit ng mawasak.

"It will take an hour." Sabi ni Drakora.

"Paano nabuo ang kaharian kung ganito ang itsura niya noon?" Tanong ko.

"She was a adventurer in her time. She was excellent in magic and swordsmanship so no one can defeat her. She goes kingdom by kingdom just for fun, but she never expects that danger will come. In every kingdom she saved gave her a title, she became a duchess. They gave her this land and became a dukedom of the Flama, since it was the most powerful country by this time. She revived it. Built walls made by her magic and built a trust between her citizens and her. In 20 years it became the most powerful kingdom." Kwento ni Drakora.

"Good leadership comes with good benefits. The vampire is one example of being a good leader. Although he shows a lot of his weaknesses, he separates being a leader and a person of his own." Sabi ni Drakius.

"Ahhhh!!!" Ire ng isang babae.

"Isang babae! Napakagandang babae!"

Rinig namin ang iyak ng Sanggol mula sa loob ng sirang bahay. Lumabas ang unang reyna dala-dala ang sanggol.

"Sino yung sanggol?" Tanong ko sakanila.

"That's the first queen and herself." Sagot ni Drakius.

"Eh? Bakit niya kailangan gawin 'yon?"

"You'll found out."

Tahimik naming pinanood ang nangyayari. Takbo lang nang takbo ang reyna. Pero sino itong kasama ng reyna?

Sa pananaw lang ng may memorya nito ang nakikita namin. Sinenyasan sila ng reyna na tumakbo na. May dala itong sanggol at tumakbo sa may bandang gubat. Tumigil lang sila nang marating nila ang pinakamalalim na parte ng gubat.

"Xavier, Levitica, alagaan mo na siya ngayon babalik na ako." Sabi ng reyna.

"Masusunod." Sabay na sambit ng kinausap niya.

Siguro sa pananaw ito ni Xavier o ni Levitica. May bumukas na lagusan na kulay asul.

"Pasok na!" Sigaw ng reyna.

Pumasok ang dalawa bitbit ang sanggol at sa kabilang lagusan ay nasa gubat sila.

"Levitica, hanap na tayo ng matutuluyan. Kapapanganak lang ng bata at baka magkaroon agad ng sakit."

"Xavier, maglinis muna tayo at puno tayo ng dugo. May malapit na lawa dito, ramdam ko."

Pumunta sila sa malapit na lawa at nag-tanggal ng armor. Nang lumapit sila sa tubig ay nakita ko ang repleksyon nila sa tubig.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon