CHAPTER II

12.9K 453 41
                                    

CHAPTER II

AILYN

Kinabukasan, pagkatapos kong kumain, agad akong nag-ayos ng sarili at isinuot ang pinakamagarbo kong damit.

Kinabukasan, pagkatapos kong kumain, agad akong nag-ayos ng sarili at isinuot ang pinakamagarbo kong damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(CREDITS: PINTEREST)

Regalo sa akin 'to ni Liam noong ika labing tatlong taon kong kaarawan. Alam niyang hindi ako mahilig sa magarbong damit pero niregaluhan pa din ako.

Ito nga ang araw-araw na suot ng iba pero makikita mo naman kung gaano kamahal ito base sa tela.

Hindi naman sa sikip pero parang kahit ano mang oras ay ramdam ko na parang luluwa na ang dibdib ko.

Tinakpan ko ang guhit ng dibdib ko gamit ang kamay ko. Nakakahiya. Tatlong taon na 'tong damit na 'to at ngayon ko lang naisuot.

Nandito ako ngayon sa Gitna ng plaza kung nasaan ang bukal ng tubig(Fountain). May nagsabi sa akin na medyo matatagalan daw ang Marquis/Marquess dahil hindi pa daw tapos ang pagpupulong.

Kumuha ako ng isang baryang tanso sa pitaka ko at inihulog ito sa bukal ng tubig.

Humiling ako at naupo dahil nangangalay na ako. Nakakailang na itong suot ko.

May lumapit na bata sa akin at tumingala hanggang sa magtama ang tingin namin. Iniabot niya ang isang roba.

"Ano 'yan?"

"May nagpapabigay po na lalaki, ate ganda. Pang takip daw po." Saad nito.

Kinuha ko at isinuot ang roba. Ngumiti ako at ginulo ang buhok ng bata.

"Sino nagbigay?"

"Huwag niyo na daw pong alamin. Importante daw po ay nakatakip na."

"Pakisabi sakanya salamat. Kanina pa ako natataranta dito kung papaano ko 'to masosolusyonan."

Tumakbo na ito papalayo at nakipaglaro sa ibang bata. Ilang saglit lang ay dumating na ang Marquis/Marquess Draco.

Sumakay ako sa karwahe na inihanda niya at naupo ako.

"Sorry, i'm late ija. Pinag-antay ba kita ng matagal?"

"Ah, hindi po Marquis/Marquess Draco. Saglit lang naman po kayong nahuli sa oras. Wala pong problema doon."

"Okay, good."

Habang tinatahak ng karwahe ang daan ay nag-usap muna kami. Hindi siya katulad ng mga dugong bughaw na ang baba ng tingin sa amin.

"Bakit ganiyan ang trato niyo po sa akij kahit na alam niyo po na hampas lupa po ako?"

Huminga ito ng malalim."Well... how should i say this..." umayos ito ng upo."I was  saved once by a commoner. At first i didn't care about them and just minded my own business. While i was going to the capital for a party, i was kidnapped by a group of bandits. I tried to fight, but i can't manipulate magia well at that time. While i was being taken away, a woman straight killed those bandits. It happened in a blink of an eye. Apparently she looks just like you. So that's why i treat you this way. Feels like i am treating the woman who saved me." Pagistorya nito.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon